-- 22 [Left]

39 2 0
                                    

Dedicated sakanya. Thanks for reading my story :) 


--

''Yhi...'' Tawag sa akin ni hera. Naghihintay na lang ako ng sundo eh. Pinilit kasi ni kuya gav na sunduin ako. Kainis nga eh.

''Ano?'' Hindi siya mapakali. Napapaano ba itong babaeng ito? Muntanga nanaman. Nakakasira ng ulo.

''Hindi ka ba muna mag papaalam kay kuya zero?''

''Hindi...'' Sabi ko sabay iwas ng tingin. Narinig ko naman na may bumusina na sa labas. Binuhat ko na iyong ibang bag ko. Pati si hera. Ihahatid niya raw ako. Syempre matagal din kaming hindi magkikita.


''Ang tagal mo.'' Angal ko sa kapatid ko.

''Sorry. May pinuntahan lang saglit.'' Tapos tumulong na siyang magbuhat.

Habang nasa daan papuntang airport hindi mapakali si hera. Parang pusang manganganak.

''Hera napapano ka ba? Masasabunutan na kita.''

''Uh... Wala. Wala.'' Ni hindi nga siya makatingin sa akin. May katext yata siya. Ewan. Nakatingin lang ako sa bintana ng kotse ng kapatid ko. Maya-maya may pinatugtog. Half-crazy.

''Oh my gosh! Diba iyan yung revive niyo kuya gav?'' Hera shrieked. Nagulat pa kapatid ko. Ngumiti lang siya at tumango. Seriously? Kanta niya yata ito kay haven eh.

''Hwag ka na ngang maingay hera.''

Biglang tumunog yung phone ko.

Mama

Calling...


Sinagot ko naman. ''Ma...'' Sabi ko.. I can't hide the pain. Hindi man lang ako ihatid ni mama. She's busy, she loves me siguro but she loves gavin more. But I don't hate them or gav. Naiintindihan ko naman eh. Kagabi naman mag kakausap kami nila inay at itay pati mga kapatid ko. Ayoko mag pahatid hassle lang baka magkasakit pa si inay. Tsaka baka mag bago isip ko. Kaya hwag na lang.

''Anak... I'm sorry kung hindi ako makakasama sa pag hatid sa'yo sa airport. You know how busy my work is. Dadalawin ka na lang naming ng Papa Aden mo ha? I love you. You always take care there okay?'' Si Papa aden step father ko, papa ni gav. Gusto kasi ni mama na papa ang itawag ko sakanya. Nung una nag paalam ako kay itay, ayaw niya sana pero napapayag ko na din.

''Opo... Love you too ma.'' Kinagat ko iyong ibabang labi ko to stop my tears from falling.

''Sinabi ko kasi sa'yo hindi mo naman kailangang mag trabaho. Your Papa aden wants you to go to college. Your brother gavin also wants to give you everything that you want.'' Napairap ako sa kawalan. Eto nanaman tayo.

''Ma... Ayoko po. Gusto ko yung kikita ako ng sarili kong pera.'' Pagpipilit ako. Napalingon naman iyong kapatid ko. Lumaki naman kasi akong lahat ng bagay pinag hihirapan. Ayoko ng easy way. Sabi nila kasi mas nagtatagal ang isang bagay kapag pinaghihirapan mo.

''Alright iha. Sige na. Tumawag lang ako para mag paalam sa'yo. Kapag may kailangan ka tumawag ka lang ha?''

''Opo...'' Then I ended the call.

''Sis...''

''Don't start again kuya.'' Sabi ko alam ko na kung anong lalabas sa bibig niya.

''I told you, you don't have to do all of this. Pwede kang magbuhay prinsesa. I can give you everything.'' Pangungulit niya pa.

''Gagatungan mo pa talaga si mama.'' Irap ko sakanya. Tapos nag vibrate ulit yung phone ko. Pagtingin ko unknown number. Sinagot ko naman.

** My Last DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon