-- 19 [ Reality Hurts ]

58 2 0
                                    

      -----

''Let's break up.'' He said. I froze. Nahigit ko ang hininga ko sa sinabi niya. Matagal ko siyang tinitigan. Tama ba iyong narinig ko? Hindi ba ako nabibingi? What is this? Kung makapagbiro nga naman ang tadhana. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o iiyak. Pero bumuhos na lang bigla yung luha ko ni hindi nga ako kumukurap. Nakatitig lang ako sakanya at nakatitig lang din siya sa akin. Tinitignan ko kung seryoso ba siya o hindi. Mukha na siguro akong tanga kasi hinahayaan ko lang yung pag patak ng luha ko. Kaya ko ba ng wala siya? Kaya ko naman siguro. Nabuhay naman ako ng twenty years ng wala siya.

''Okay.. Bukas na lang ako aalis. Pagod na talaga kasi ako.'' Kahit ang dami kong gustong sabihin. Kahit gusto kong itanong kung bakit. Nawalan na rin ako ng ganang itanong o mag isip pa. Alam ko na mag mamakaawa ako sakanya. Iniwas ko na rin iyong tingin ko at pinunasan iyong luha ko na kumalat na sa mukha ko.

''Baby... Sorry joke lang.. .'' Bawi niya bigla. Joke? Ha.Ha. Ang joke nakakatawa hindi nakakaiyak at nakakasakit. Pero siguro dahil sa pagod ako hindi na lang ako umimik. Tumango na lang ako. Tapos humiga agad. He was just standing there.

I know deep inside me. Alam ko na seryoso siya nung sinabi niya iyon. The only consolation was he saw how pathetic I was that's why he takes back what he said. Pakiramdam ko buong katawan ko ang masakit. Not the wound in my feet. It was my heart. So nagkaroon na siya ng lakas ng loob na tanggapin sa sarili niyang hindi niya talaga ako kayang mahalin. Eh ako kaya? Kailan ko kaya maaamin sa sarili ko na hindi ako kayang mahalin ng taong pinag-alayan ko ng puso ko? Na muntik ko na ring ibigay pati sarili ko sakanya.

Naramdaman kong naglakad na siya palabas ng kwarto. Sa pagpikit ko bumuhos nanaman ang luha ko. Why do you keep on hurting me Blaire? Naiinis na ako. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya and it makes it worth it. Hindi ko siya kayang bitawan. Ngayon pa ba? Kailangan ko siya. Mahal ko siya kaya kailangan ko siya.

Biglang nag ring yung phone ko.

Gav calling ...

I think it's time. Feeling ko kailangan ko na ring umalis. Dahil as long as nakikita ko si blaire. I can never let him go.

''Hello....'' Bungad ko.

''Yhiel.. Where are you? Please sabihin mo sa akin. And I'll tell you everything.. Please.'' Pagsusumamo niya. Nakagat ko yung ibabang labi ko. Naiiyak parin ako. Makasarili na ba ako? Siguro oo. Dahil akala ko ako lang iyong nasasaktan hindi ko na naisip yung mga tao sa paligid ko. Ramdam ko sa boses ni gav na nahihirapan na rin siya.

''Wait for me sa lobby. Sasama na ako sa'yo.''

''Okay. Hihintayin kita.''

Then I ended the call. Nag bihis lang ako ng jacket at pants. Iyong suot ko nung nagkita kami ni blaire. Hindi na ako mag papaalam sakanya. I think we needed this. Nagsuklay pagkatapos inayos umalis na ako. 10:00 pm ang basa ko sa wall clock.

Habang pababa sa lobby paika-ika akong maglakad. May benda nga pala ako sa paa. Kinakabahan ako. Parang iyong isang paa ko gusting tumakbo papunta kay blaire at iyong isa gusto ng umalis.

Nung nakita ako ni gav. Kumunot iyong noo niya. Kahit haggard na siya ang gwapo niya pa rin. Mabuti na lang hindi ako nagkagusto sakanya noon. Kung hindi incest talaga.Pinuntahan ko muna iyong sa frontdesk para isauli yung susi ng room ko.

''Mag oout na po ako sa room 412.'' Sabi ko.

''Kayo lang po ma'am yhiel? Kayo po iyong kasama ni sir zero diba?''

Tumango ako. ''Oo ako lang muna.''

''Pero ma'am bilin po kasi ni sir –

Hindi ko na siya pinatapos. ''Alam niya. Sige maraming salamat ha?''

** My Last DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon