-----
True enough. Mag iisang buwan na kaming hindi nagkikita. Nagulat talaga ako sa meet my parents chuchu spiel niya. Namimiss ko na siya. Mahirap pala pag nakasanayan mo na lagi mo siyang nakikita. Pero kailangan. Wala kaya akong pantext o tawag abroad. Poorita ako. Wala ring wifi, Haha. Siya lagi tumatawag. Pero madalang. Alam ko naman kung anong klase nang mundo meron si blaire. Anong karapatan ko para mag-inaso? Diba? Kahit wala siya nung unang monthsary namin. Ayos lang. Nagpadala lang naman siya nang human size na teddy bear. And until now wala parin akong I love you back. But then again.. May motto akong never give up. Haha.
''Yhi kelan uwi ni kuya?'' Tanong ni hera. Wala kaming pasok. Rest day ko. Siya wala siyang units ngayon. Hayahay ang buhay.
I shrugged. Hindi ko tinatanong.. Ayokong maging clingy. Baka next week ganoon. This days nagiging busy na siya eh.
''Buksan mo nga tv. Nakakatamad eh.'' Sabi ko habang dala yung bear na bigay ni blaire. Kunwari siya muna ito.
''Ano ba iyan.. Hindi tayo magkasya sa upuan.. Bakit kasi dala mo pa iyan.'' Tsk. Inirapan ko lang siya. Kainis ito. Inggit lang kasi. Binuksan niya naman iyong tv. Bumungad sa akin iyong mukha nang boyfriend ko. Literal na lumaki mata ko..
''ELDEST OF KEITH'S WAS SEEN IN ONE OF THE FAMOUS RESTAURANT WITH ANOTHER GIRL..''
Pagkatapos kong mabasa iyon wala na akong maintindihan.. Amara.. It is amara.. With blaire.. In.. Canada.. Napanganga ako. He was smiling.. He is smiling.. He..
Then naramdaman kong lumabo iyong mata ko. Talo na ba ako?
"Sino yung babae?" tanong ni hera. Aba ma at pa. Malay ko at paki ko. Pinatay ko na yung tv. At kung hindi ko lang iniisip na hindi sa amin iyon babasagin ko talaga eh.
Tsaka ako nagdabog na umakyat ng kwarto. Hindi ko maintindihan. Bakit sila magkasama doon? Akala ko ba purely bussiness ang ipinunta niya doon?
Umiiyak nanaman ako. Grabe. Parang kailan lang ang saya-saya ko. Tapos ngayon ewan na. May expiration ba pati happiness?
Dinial ko yung number ni bryle. Wala akong makausap e. ayoko namang mag open kay hera. Masyado pa syang bata. Pinigilan kong hwag humagulgol. But darn. Hindi ko kaya.
"Hello?" sagot niya sa kabilang line. Automatic yung pag hikbi ko.
"Jucas.." Hikbi ko. Ang sakit eh. Sinusubukan kong intindihin eh. Kaso kapag nasasaktan ka magiging irrational ka talaga.
"Bakit ka umiiyak?Pupuntahan kita." seryoso niyang saad.
"Hindi--Hindi na." sagot ko sa pagitan nang pag hikbi ko. Umiiling pa ako. Alam ko naman na hindi niya nakikita. Gusto ko lang nang makikinig sa mga hinaing ko.
Iyak lang ako ng iyak. Hindi naman ako makapag salita. Kasi sa tuwing ibubuka ko iyong bibig ko hikbi naman ang lumalabas.
BINABASA MO ANG
** My Last Downfall
RomanceYhiel Daza's life was all about making money and music from province tried to find it in Manila but she found more than what she was looking for and more.