-- 16 [ Katotohanan ]

57 2 0
                                    


--

"Jucas anong meron kasi?."

Dinedma niya lang ako. Busy siya sa pag dadrive.

"Jucas anong sinasabi niya?."

"Jucas nakadrugs ba si gav?"

ang weird niya kasi. Literal na napanganga ako sa sister chuchu na sinabi niya. Babalikan ko nga sana siya at nang maalog ko siya. Pero hinila na ako ni bryle ayaw na akong bitawan. Kinaladkad kaya niya ako hanggang sa parking lot. Tapos ngayon di siya sumasagot.

"Tingin mo natuluyan si gav? Baka noh? Tapos --

"Shut up yhiel! Just shut up!" He shouted. Nagulat naman ako.

"Oh. Bakit mo ako sinisigawan?." takang tanong ko.

Pagkadating sa bahay nagulat ako. Kasi nandoon silang lahat. Mga magulang ko at mga kapatid ko. As in. Tapos may mga nakaempake nang bag. Tulala lang si hera.

"Uh. Anong meron? Reunion?" takang tanong ko.

"Uuwi ka na sa atin Mariza. Aalis ka na sa trabaho." tatay said. Parang final na iyon.

My jaw dropped. What? Kanina pa ako nagtataka. Binigay sa akin iyong sobre na binigay nang mama ni gav kanina.

"Huh? Bakit? Walang kasama si hera." I said.

"Kaya niya na yan. Maiiwan naman dito si bryle. --

Hindi ko na pinatapos. Tinalikuran ko na sila. At umalis nang bahay.Rinig ko ang pag tawag nila sa akin. Pero tumakbo ako. Gumugulo lahat. Hindi ko maintindihan. May dinial akong number. Kailangan ko siya. Alam kong gabi na. But I don't care.

"Baby.." Blaire said. Napapikit ako. I wish it was enough to make me okay. But not. Everything doesn't make sense.

"Blaire nakauwi ka na ba nang pinas?" I said. Sumakay ako nang jeep. Buti na lang may nadala akong pera.

"Yes. Are you okay?"

"Magkita tayo please.." napapaos kong sabi. Hindi ko alam kung anong iisipin o dapat kong maramdaman. Hindi ko pa binubuksan yung sobre. Kumakabog dibdib ko. Pakiramdam ko nandoon lahat yung sagot sa tanong ko. Napabuntung hininga siya.

"Alright baby. Where are you? Pupuntahan kita."

"Hindi na. Ako na lang please. Sa plaza na lang."

Then i ended the call. Gusto ko munang tumakas. Naiiyak ako pero hindi. Not now. Hindi pa naman ako sigurado sa nangyayari.

May mga nagtext sa akin.

Yhi nasaan ka? Umuwi ka na. -hera

YHIEL MARIZ! - JucasBeb

Where are you? Pupuntahan kita - gav

Wala akong nireplyan maski isa. Ano ako wanted madaming naghahanap? I need piece of mind. And being with blaire calms all of me.

Pagkababa ko. Kinakabahan ako. Pinipisil ko yung mga daliri ko. Pinagpapawisan pa yung kamay ko. Ang tagal niya.

Nagring ulit phone ko. Si blaire.

"Baby I am here. Saan ka?" he asked. Medyo hinihingal pa siya.

"Sa may statue."

"Nakita na kita." Sagot niya. Luminga linga ako. Then I saw him. Dapat inis ako sakaniya. Kaso hindi iyon ang nasa isip ko ngayon. Ngayon ko lang naisip kung gaano ko siya namiss. Pinatay niya na yung tawag. And then that's it. Tumakbo ako palapit sakanya at niyakap ko siya. I hugged him so much thinking it would ease my agony. Niyakap niya rin ako pabalik.

** My Last DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon