-- 4 [ Baby ]

56 2 0
                                    


Laglag panga ako at Halos matumba ako sa lakas nang impact nang sinabi nya sa akin. And I was like what the hell? Panaginip ba ito? Nabibingi na ba ako? Nilalagnat pa yata siya.


''Nagpapatawa ka --- '' Naputol ang sasabihin ko nang bigla akong tinawag nang mga katrabaho ko. Dumiretso ako sa likod. At kumuha nang tubig.



Kinulbit ako. ''Huy gaga, okay ka lang? Namumutla ka eh.'' Tumango lang ako. Hindi pa din ako makarecover sa pesteng linya ni Blaire. Pesteng magpakilig eh. Bwisit. Muntik nang malaglag ulit yung puso ko.



----


''Sige... Bukas ulit walang malalate! Pay day. HAHAHA. Uy, maglibre naman kayo.'' Sigaw ko. Uwian na eh. Ang lakas nang boses ko kahit na alam kong madaling araw na.



''Wooh! Ikaw nga dapat dyan eh. Mas mataas kaya sahod mo sa amin.'' Sabi nang isang kasamahan ko. Grabe ako talaga dapat? Hahaha.


''Sige. Sa Mcdo lang ha? Madami akong babayaran eh--''



Naputol ang sasabihin ko nang mahagip nang mata ko ang lalaking nakakapag pabaliw sa puso ko. He was standing there sa tabi nang kotse nya na parang may hinihintay. Dadaanan namin siya. Then here's my heart again. Running wild again. Damn him. Damn his effect on me.


Napansin yata nilang natahimik ako. '' Uy. Yung crush mo yun diba? Kaya pala biglang tumahimik.'' Tsaka sila nangtawanan. Mang asar pa kayo. Nung malapit na kami. Binilisan ko ang lakad ko para --



''I'll take you home.'' Inignora ko ang sinabi nya. Malay ko ba kung ako ang kausap nya o hindi. Kaya binilisan ko pa ang lakad nang may humigit sa akin. Sasapakin ko na sana kaso pag kita ko si Blaire.


''S--sir?'' Sagot ko. Kailangan talaga mautal? Kainis.



''I said iuuwi na kita. Didn't you hear me?'' Seryoso nyang sabi na medyo naiirita. Malay ko ba na ako ang kausap? End of the world na ba? Bakit ako ihahatid nang prinisipe na ito? Thank you lord! Tsk. Umayos ka nga yhiel.


''Huh? Ah. Ehh.. Akala ko kasi.. Pero may.'' Pagkalingon ko . Nasa malayo na yung mga kasama ko at kumakaway. Ang bait nilang mga kaibigan. Iwan daw ba ako.



''Saying something?'' Smirk ka pa dyan? Buti na lang gwapo ka. Kundi nasapak na kita.


''Ahh. Kaya ko na pong mag-isa.'' Sinabi ko at magsisimula na sana akong maglakad nung bigla nyang binuksan yung pinto.


''Get in.'' Hindi pangungusap. Pautos yun. Demanding ha?


** My Last DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon