-- 17 [ Mahal mo na ba ako? ]

54 1 0
                                    


a/n : SERIOUSLY?! PINAHIHIRAPAN AKO NG CHAPTER NA ITO. ILANG BESES KO NA SYANG ITINYPE AT ILANG BESES NA DING INULIT. NAKAKAIYAK NA. HAHAHA. NAKAKABALIW. 



 --- 




''Ang saya niya lang. Bwisit na lalake.'' Pagsisintir ko. Ang ganda sana nang view kung yung boyfriend mo hindi nilalandi ng mga haliparot.

Nasa Palawan kami. Tinotoo niya yung sinabi ko na lumayo muna kami. Hindi ako mahal ni blaire pero ginagawa naman niya lahat nang gusto ko. Pinag didiskitahan ko yung white sand. Kawawa talaga sa akin. Umaandar pagiging war freak ko. Ish. Niyayaya niya kasi akong magsurf. Kaso sabi ko ayoko hindi naman kasi ako marunong. Aba ang lalaking iyon hindi na ako pinilit. Pinangalandakan niya pa yung yummy abs niya sa iba. Nakakaasar talaga. Edi yung mga higad kung makapaglaway wagas wagas lang din.

''Hi miss. Alone?'' Sabi nung kano na lumapit sa akin. O fil-am? Basta ang gwapo niya. Umiling lang ako. Ayoko mag salitabaka dumugo ilong ko eh. Nakatayo pa rin ako. Tinigilan ko na yung buhangin. Nakakahiya eh.

Hmm. Mag eenjoy na lang nga ako. ''Uh. Excuse me.'' Paalam ko sakanya. Baka sabihin bastos ako diba?

So mag two-two piece ako. Black and white. Masyadong daring but who cares? Siya nga kitang-kita yung abs niya. Kung hindi lang siya naka board shorts. So pagkatapos kong mag bihis lumabas na ako. Hindi na ako nag cover. Sabi nga ni hera ' If you have it flaunt it.' Tsaka naaayon naman sa lugar. Bahala siya sa buhay niya.

 Nakakita ako nang banana boat iyong maliit lang. Oh my. Gusto ko talagang maexperience. Sabi niya you can do whatever you want. So I'm going to do whatever I effin wants. Total he's enjoying the b*tch este the beach. Let him be. 

Pagkatapos ko mag rent sinabi ko yung name ni blaire. Parang code lang sa puzzle. Agad-agad binigay yung gusto ko. Akala ko pag napapanuod ko sa tv madali lang mag paandar nito. Ang dami pa palang arte. Kadayaan yung sa mga tv. Hahaha. Biglang may lumapit sa akin. Pag lingon ko yung kano ulit na nakita ko kanina. 

''Need help?'' Concern niyang tanong..

Tumango naman ako. Totoo naman kasi. ''Uh.. Paano ba kasi ito? Nakakainis akala ko madali lang ang dami pang chuchunes.'' Naiinis kong saad. Nagulat pa ako nung tumawa siya napatingin ako.Hala! Baka hindi niya ako naintindihan. Ang shunga ko. 

''You're funny. Just press this and then drive. Just be careful about the waves. And --

I was stunned. Nung may naramdaman akong braso na pumulupot sa bewang ko. At may matiponong dibdib ang nakadikit sa likod ko. Napatingin pa ako sa kamay niya sa bewang ko. 

''You can leave now. Thanks for assisting my girlfriend.'' He said. May diin yung girlfriend. Napanganga naman ako. Diba kanina nasa dagat lang siya at nagsusurf? Paano siya nakarating agad dito? 

Nagulat ako nung ngumit pa iyong kano. Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan. I was like. Omo!

''Nice meeting you yhiel mariz. Name's prime.'' Then kinindatan ako tsaka tumalikod at naglakad. Seriously?

Napairap ako. Kung maka ewan naman itong lalaking ito. Samantalang siya nga kung makipag tawanan kanina wagas eh. Akala mo wala ng bukas. Siniko ko nga sa tyan.

''Mariz. What the hell?!'' Inirapan ko lang at sumukay na sa banana boat. Alright! Rock and roll to the world. Binilisan ko. Ang sarap kasi nang hangin grabe! Rinig ko pa sigaw ni blaire. Bahala ka dyan!

** My Last DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon