-- 8 [ Last First Kiss ]

49 2 0
                                    


-


Pagkapasok ko nang bahay.Hinintay ko munang makaalis yung kotse niya. Umupo muna ako sa sofa.Niyakap ko yung coat niya na nakabalot sa akin. Hindi ko alam kung nasaan si hera. Pero buti na lang at wala pa siya. Magiging okay din naman ako.Hindi naman ako mamamatay. Akalain mo nasabi ko iyong mga iyon sakaniya? Sana naman tigilan na niya ako.

A part of me wants him to stop. And another part of me still wants him to be a part of my life. Because in the midst of my fucked up reality blaire gave me a fairytale.


He can't let me leave him? Paano naman ako? Aasa at aasa ako. You can never be just friends with someone you're madly in love with. Alam ko iyon kaya kahit gusto kong manatili sa buhay niya. Ayoko na. Mas mahuhulog lang ako sakanya. Buti na lang day-off ko ngayon. Makakapag pahinga ako. Natuturete na utak ko.


Dinial ko iyong number ni inay.

''Anak.'' Sinagot ni inay. Kapag may problema ako. Marinig ko lang boses niya nagiging okay ako. Mahal na mahal ko sila ni itay. Hindi naman kami as in probinsyano. Mas dama ko kasi kapag inay at itay tawag ko eh.


''Nay kamusta na po kayo dyan?'' Naitanong ko. Sa tinagal-tagal ko dito. Ni minsan hindi pa ako nakauwi sa amin. Pero nagpapadala ako tuwing sahod.

''Ayos lang kami dito. Hwag mo kaming alalahanin anak. Ikaw dyan ang mag-ingat ha?'' Halata sa boses ni inay na nag aalala siya.

''Opo inay. Mahal ko po kayo.'' Sabi ko. Pigil ko ang pag iyak. Ayokong mas mag alala si inay. Pinilit ko lang talaga sila na payagan akong mag trabaho dito.

''Mahal ka din namin. Minsan kapag may libre kang oras umuwi ka dito ha? Namimiss ka na nang mga kaibigan mo dito. Pati nang itay mo. Nagtatampo na sa iyo.'' Nagagalit parin kasi si itay. Hindi talaga siya sang-ayon sa pag punta ko rito.


''Opo inay. Ibababa ko na po ito.'' Pagkababa ko nang tawag. Humiga muna ako sa sofa. Itinakip ko sa noo ko iyong braso ko at pumikit. Totoo ba lahat nang nangyayari ngayon? Yung dating mga simpleng bagay ngayon magiging komplikado na? Hays. Dapat nung una pa lang lumayo na ako. Tinigilan ko na sana. Sino ba naman kasing babae ang hindi magkakandarapa sakanya? He's almost perfect. Almost.

Puro buntunghininga na lang ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung anong plano ko. Kung may mukha pa ba akong ihaharap kapag nagkita kami ulit.

Hindi naman ako pwedeng magresign sa trabaho kasi mahirap humanap nang trabaho. Wala akong back up plan. Hindi naman na siguro siya pupunta doon.

Hay. Napabuntung hininga ulit ako.

''Ang lalim naman non.'' Sabi ni hera.

''Ay palaka. Bwisit.'' Nagulat kasi ako. Sa tenga ko talaga eh. Muntik nakong mahulog sa sofa.

''Grabe ka naman. Bakit ang aga mo?'' Sabi niya habang nagtatanggal nang sapatos.

''Saan ka ba galing? Bakit ngayon ka lang?'' Pag iiba ko nang usapan. Hindi naman niya kailangang malaman.

''Aa. Kila isay. Nag review kami eh. Hindi pa sana ako uuwi kaso. Parang badtrip yata yung si kuya zero niya. Ewan ko nga.'' Then she shrugged.

''Teka amoy chico ka. Lasing ka?'' Nakataas yung kilay niya habang nagtatanong.

Napatango na lang ako. Hearing his name makes me cry again. I really want to break something. Gusto kong magwala. Just to ease the pain. Being drunk didn't help. It makes me think of him over and over again.

** My Last DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon