-- 18 [ Never After ]

52 1 0
                                    

--


 Two days. Two days akong nagkulong sa kwarto. After ng insedenteng iyon. Ngayong matino na ang takbo ng utak ko napagtanto ko kung gaano ako nakakahiya. 

Tinalikuran ako ni blaire. Sabi niya he respect me daw. So iyon. Ang tanga-tanga ko talaga. Nakakahiya at nakakagaga. Ang gaga ko. Nakatunganga lang ako sa kama. Kakain kapag may dumating sa pinto ko. Ayoko talagang magpakita sakanya. Hindi rin naman niya pinipilit. Nagpakababa na ako dahil sakanya. Sabihin ng nag iinarte ako. 

Hindi ko alam. If I should be happy kasi nirerespeto niya ako o wala talaga siyang interes sa akin. Naisipan kong buksan yung phone ko. Saktong pag kabukas may tumatawag. Si gavin. Sasagutin ko ba? And before I could think pinindot ko na yung answer button.

''The hell yhiel mariz??!! Where are you? Alam mo bang ang daming nag aalala sa'yo? Nasaan ka?! Susunduin kita!'' He shouted. Wow. Intense. Masyado na akong maraming kapatid na lalaki. Tapos may dumagdag pang isa.

''I'm fine. Don't worry –

''No nevermind. I found you na.'' Then he ended the call. Ha? Buffering yung utak ko. Paanong? Anong? He found me na daw? Nakatitig lang ako nung may kumatok sa akin. Naka short lang ako ng cotton yung pang tulog tapos sando. Lels.

Pagkabukas ko tumambad sa akin si blaire. Naka-shirt at short lang din siya.

''Uh... Hi?'' I said. O ano ngayon nahihiya ka yhiel? Tsk. 

''Pasyal tayo? Uh... Kung gusto mo lang naman.'' Nahihiya niyang saad, Nakahawak pa siya sa batok niya. My kind of boy next door.

''Ahh... Okay... Mag ano... Magbibihis lang ako.'' Tapos tumango siya at sinara ko na yung pinto. You're a temptation blaire. I know now. May tiwala ako sa'yo pero wala akong tiwala sa sarili ko. Haha.

Ang bilis ng heartbeat ko. Nahihiya pa rin ako. Paano ko ba kasi mabubura iyon? It will be forever etched in our minds. Yung katangahan ko. Naghanap ako ng damit. Konti lang naman ito eh. Nag short na lang ako ng maong tapos white na body hugging shirt. Ang gaganda nung damit na bigay ni blaire. Perks of having a millionaire boyfriend. Pero hindi ko siya sinagot dahil mayaman siya. No, mahal ko na siya bago ko pa malaman kung sino o ano ba talaga siya. Kahit siguro mangingisda o mag-sasaka lang siya. I would still love him. Because in a hundred version of reality I'd still fall for him. And I'd still choose him over and over again. Pathetic man. Ganoon siguro talaga. Hindi ako kagaya ng iba na mahihirapang mamili between two person. Kasi kung mahal mo talaga walang pagpipilian.

Pagkatapos kong mag-ayos bumaba na ako sa lobby. Alam ko naman na doon siya nag hihintay eh. Tapos hinanap ko siya agad. Madali lang naman siyang hanapin nag iistand out kasi siya. Busy pa siya sa kausap niya sa phone nakatalikod siya. 

''I can't. Hindi ko siya pwedeng iwan.'' He said on the other line. Napauwang ang aking bibig. Sinong kausap niya? Sinong hindi niya pwedeng iwan? Then he ended the call. Kinulbit ko siya. 

''Hey.'' I said. Nagulat pa siya. Parang nakakita ng multo. 

''Kanina ka pa?'' He asked. 

Umiling ako. ''Kadarating ko lang.'' I lied. I know. Hayaan mo na. Tsaka kami naglakad. Sabi niya iikutin daw namin itong island. Maraming pwedeng bilhan ng souvenir. Bibilhan ko si hera. Alam ko nagkakagulo na nga sa amin. Hayaan mo na. I just want to enjoy this moment bago ako bumalik sa realidad ko. 

Habang nag lalakad nakalayo ako ng konti kay blaire. Ewan ko ang awkward bigla. Siguro ganoon talaga iyon. The pain will linger. It's a constant reminder. Pag sobra kang nasaktan. Magkakaroon na ng lamat. And I know. May lamat na kung anong meron kami ni blaire. Why am I staying anyway? Ang pathetic ko nga. Wala na kasing matino ngayon sa buhay ko. Naging magulo na. Pero kaya ko pa. Kaya ko pa naman siguro eh.

** My Last DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon