----------
Inuwi ko sa bahay si Blaire kahit na sobrang hirap dahil ang init at ang bigat niya. Geez. Inaapoy sya nang lagnat. Wala siyang dalang phone at hindi ko din alam kung anong address nila at tulog na si hera.
Buong magdamag ko syang inalagaan. Kada minuto pinupunasan ko sya at inaayos yung bimpo na nasa noo nya. Mahirap oo. Pero okay lang ganoon yata talaga kapag mahal mo ang tao eh. Wala lang sayo kahit mahirapan o mapagod ka. Medyo bumaba na rin ang lagnat nya.
6:00 AM na nung tinignan ko sa relo. Naghahanda ako nang lugaw para sakanya.
''Bakit ang aga mo magising?'' Tanong ni hera may klase kasi sya ngayon usually kasi tanghali na ako nagigising.
''May alaga ako.'' Sagot ko habang inaayos yung lalagyan.
''Ha? Sino?'' takang tanong nya, hindi nya nga pala alam.
''Si Blaire.'' Simpleng sagot ko. Tsaka naglakad paakyat. Nakita ko pa syang lalag panga. Nung nasa taas na ako. Narinig ko syang tumili.
Ingay talaga nang babaeng yun pag kapasok ko. Gising na si blaire. Nakaupo sa dulo nang kama. Hawak nya yung ulo nya nahihilo pa siguro.
Inilapag ko yung pagkain. At lumapit sa kanya. Hahawakan ko sana yung noo nya nung umiwas sya.
''Who are you?'' Aba ang taray ni mahal. Umeenglish ka pa. Pasalamat ka mahal kita.
''Yhiel Mariz.'' Nakangiti kong sabi. Nakatitig siya sa akin. Pakiramdam ko nag uunahan sa pagpintig yung puso ko. Kumapit ako sa dingding nag jejelly bean kasi ang tuhod ko. OA pero ganoon kasi talaga. Gosh. Ang gwapo nya pa din kahit kagigising lang. Kainis!
''Why am I in here?'' Susubuan ko na dapat sya kaso napatigil ako sa tanong nya. Paano nga naman niya maaalala eh lasing at nagdedeliryo sya. Kinuha ko yung upuan at umupo sa tapat nya.
''You're burning when I saw you, eh wala kang phone at di ko alam address mo. That's why inuwi kita dito. Don't worry wala akong ginawang masama sayo.'' I said ganto ba talaga ang reaksyon sa taong tumulong sayo? Hindi ko alam kung maiinis ako or what. Alam kong hindi sya komportable sa akin. Kaya tumayo na ako, Ramdam kong nakatingin lang sya sa akin. Pero bago ako lumabas nang pinto nagsalita muna ako.
''Kainin mo muna yan. Walang lason yan, after mo kumain pwede ka nang umuwi kung hindi mo matagalan dito. Sorry maliit lang bahay namen eh.'' Tsaka ko sinara yung pinto.
Hindi sya sanay sa maliit. Ayaw nya sa akin. I get it. Magkaiba nga kasi kami. Intindihin mo yhiel. May sakit sya at rich guy sya. Intindihin mo. You love him right? That's the consequence.
Pagkababa ko dumiretso ako sa kusina. Kumakain na si Hera at matalim na nakatitig sa akin. Malamang naghihintay nang kwento. Tsismosa iyan eh. Haha. Umupo ako sa harap nya. Wala akong ganang kumain. Kahit pagod ako hindi ko alam kung bakit hindi ako inaantok.
BINABASA MO ANG
** My Last Downfall
RomanceYhiel Daza's life was all about making money and music from province tried to find it in Manila but she found more than what she was looking for and more.