~~~
One month na ang lumipas sanay na din ako sa oras nang trabaho ko from 5pm to 3 am. Ayos lang kahit medyo nakakahaggard kesa naman walang trabaho diba?
Tapos nalaman ko pa na kapatid pala siya nung new friend ni Hera. Napaka liit nga naman nang mundo noh? Model daw pala si blaire sa ibang bansa. Isa sila sa pinakamayaman dito sa bansa. As in wow. Alam kong mayaman siya pero hindi ko akalain na ganoon kayaman. Nakakalula at nakakalungkot. Nalaman ko din na. May mahal siya pero.. Hindi pwedeng maging sila. Hindi ko alam kung bakit. Bakit ba hindi pwede magkatuluyan ang dalawang tao kahit mahal nila isa't isa?
Kabisado ko pa din mukha niya.Kahit nakapikit ako kung marunong lang akong magdrawing baka drinawing ko na siya. Nakapangalumbaba ako dito sa stool nang bar. Nakakainis. Wala akong maisip na paraan para makita siya.
''Hwag ka ngang ganyan nasa trabaho ka kaya.'' Sita sa akin ni kuya fred yung bartender. Tsaka ako umayos. Oo nga pala. Hayy. Sira ulo ka na talaga yhiel.
''Hindi pa ba siya talaga pumupunta ulit dito?'' Pangungulit ko. Malay mo diba?
Tapos napakamot nang ulo si kuya fred. ''Ang kulit mo yhiel. Malamang may iba ding ginagawa iyon alangan umiinom na lang siya nang umiinom?'' Nakasimangot na sabi niya sa akin.
Blaire. Blaire. Blaire. Ano ba itong ginawa mo sa akin? Pumunta ako nang manila para magtrabaho. Kaso ano? Iyong buong sistema ko ikaw ang hinahanap. Shizz. Napabuntong hininga na lang ako tapos ininom ko iyong nakalagay sa baso na nakita ko.
''Ahk!! Ano ba ito? Ang pait! Pwe! Akala ko tubig.'' Sabay nguso ko. Napailing na lang iyong mga kaworkmate ko. Ugh. Alak pala iyon. Tungeks ka kasi. Inom pa! Hindi muna inaalam bago inumin.
Siniko ako nung kasama ko. ''Kakanta ka na daw.'' Sabay nguso sa stage. Oo nga pala. Tumango na lang ako. Hayy. Tsaka ako tumayo at naglakad papuntang stage.
Mahal ko ang pagkanta. Kaso parang may kulang. Nakakainis. Hindi naman ako ganito dati.
Natahimik naman yung mga tao. Seryoso kasi ako. Ewan ko ba. Kahit gusto kong ngumiti ayaw talaga eh. Magmumukha lang akong tanga.
Nagstrum na ako. Ako na muna tutogtog. Pampawala nang stress.
~~
Naghahanap ka ng maaya
Pagkat sadyang wala kang magawa
Nagsasayang ng bawat oras sa wala
Hala ~~
Sana kasi pwede iyon noh? Na kapag gusto mo automatic na magugustuhan ka din. E di ang saya sana nang buhay. Kaso hindi eh.
~~
Na search mo nang lahat sa internet
BINABASA MO ANG
** My Last Downfall
RomanceYhiel Daza's life was all about making money and music from province tried to find it in Manila but she found more than what she was looking for and more.