1

30.5K 850 449
                                    

LILIANA HELLION

Saglit kong pinikit ang aking mata bago ko siya tiningnan ng masama. Naiinis na ako sa kanya at nanggigigil na rin. He never failed to annoy me. Nakangisi pa siya kaya lalong nadagdagan ang inis ko. Inirapan ko siya bago ko hinilot ang aking sentido.

Hindi ko alam kung bakit nandito siya ngayon sa table namin, marahil ay gusto na naman niya akong inisin o  balak na naman niyang sirain ang araw ko.

Wala namang nagbago sa lalaking ito, lagi na lang niyang binubuwisit at sinisira ang araw ko kaya medyo sanay na ako. 'Yon nga lang ay palagi namang umiinit ang ulo ko kahit na nakikita ko palang siya.

Argh, I really hate this guy!

"You know what, Liliana? Sobrang ganda mo talaga."

Ayan na naman siya sa pambobola niya. Ako itong kinikilabutan sa pinagsasabi niya.

"Ewan ko ba kung bakit ayaw mo pa rin akong sagutin," muli niyang salita.

Nagsisimula na naman siya sa linya niyang 'yan na halos araw-araw ko na lang naririnig. Style niya'y bulok.

"Halos anim na buwan na rin akong nanliligaw sa iyo pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin ako sinasagot. Gwapo naman ako, 'di ba? Mayaman din ako kagaya mo kaya bagay na bagay tayong dalawa. Lahat ay ibibigay ko sa 'yo, sagutin mo lang ako."

Nairolyo ko paikot ang dalawa kong mata. Heto na naman kami. Palagi na lang ganito ang conversation namin tuwing magkaharap kami. Sobrang taas ng tingin niya sa sarili niya.

Sobra rin ang pagiging mayabang at pagkamahangin niya. Kaya nga wala akong balak na sagutin siya kahit na binasted ko na siya.

Pogi nga, hambog naman.

Ngumisi ako. "Oh really, Marco? Bakit wala man lang nag-inform sa akin na nanliligaw ka pala?"

Narinig ko ang mahinang pag-ubo ng matalik kong kaibigan na si Celeste. Napansin ko pa ang nobyo niyang si Jude na nagpipigil ng tawa. Alam nilang dalawa na malaki ang pagkaka-ayaw ko kay Marco at sanay na rin sila sa pangungulit nitong bwisit na lalaking ito sa 'kin.

Biglang sumeryoso ang mukha ni Marco, mabilis lang din na nawala ang ngisi na kanyang labi. Masama pa niyang tiningnan ang dalawa kong kasama.

Sa totoo lang ay isa siya sa mga manliligaw ko. Isang nakakabwisit at makulit na manliligaw. Masyado siyang mainipin at hindi marunong maghintay, pero matagal ko na siyang binasted.

Alam ni Marco sa sarili niya kung bakit ko siya binasted. Ipinaliwanag ko rin naman sa kanya ng maayos na wala siyang pag-asa.

Oo nga't gwapo siya at mayaman. Pero masisisi ba niya ako kung hindi siya ang tipo kong lalaki? Nakakainis lang dahil nagsisimula na naman siya sa pangungulit sa 'kin.

Kasalukuyan kaming nandito ni Celeste sa school cafeteria kasama si Jude para sana kumain ng lunch. Akala namin ay magkakaroon kami ng matiwasay na lunch break, ngunit ang lintik na Marco na 'to ay bigla na lang sumulpot at basta na lang din siyang naupo sa table namin kahit wala namang nag-aalok sa kanya na maupo.

"Tandaan mo, Liliana. Kahit na ano pang gawin mo ay mapapasakin ka rin. Huwag mo sanang kalimutan na malapit na business partner ng Daddy mo ang magulang ko, pwede kong hilingin sa kanila na i-arrange marriage tayo," aniya kaya pagak akong natawa.

HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon