LILIANA HELLION
Isinabit ko lang ang sling bag sa aking balikat bago ako lumabas ng kwarto. Wala akong pasok ngayon sa school kaya pwede ulit akong magpunta sa dating bahay nina Chase, nagbabakasakali na makahanap na ako ng balita tungkol sa kanila.
Kahit na ilang taon na ang lumipas mula nang hindi na namin sila nakita ay kabisado ko pa rin hanggang ngayon 'yung lugar kung saan sila dati nakatira.
Ngayon lang ulit ako papasyal doon dahil na rin sa busy rin ako lagi sa school, lalo pa't graduating student ako at maraming school works na dapat tapusin. Siguro ay mga pitong buwan na rin akong hindi nakabalik sa lugar na iyon.
Pagbaba ko sa hagdan ay naabutan ko sina Dada Lucian at Papa Lycus na nasa sala habang tutok na tutok ang buo nilang atensyon sa laptop at mga paper works nila.
"Where are you going?" tanong agad ni Dada Lucian kahit na hindi siya tumitingin sa akin.
Tutok na tutok ang mata niya sa laptop habang abala siya sa kapipindot sa keyboard.
"Dati pong gawi," sagot ko at ngumiti.
Alam nila kung saan ako laging nagpupunta lalo na kapag wala akong pasok. Nasanay na sila sa 'kin na nagpupunta ako roon sa dating bahay nina Chase kahit na alam ko sa sarili ko na wala akong mapapala.
Ngumiti si Papa Lycus. "Ayaw mo talagang tumigil sa paghahanap sa childhood best friend mo, 'no?"
Mahina ko siyang tinawanan. "Of course, papa. Best friend ko po kaya 'yon!"
They both laughed at me.
"Hayaan niyo na lang po siya na hanapin ang nawawala niyang childhood best friend. Malay niyo, ang kaibigan niyang 'yon ang forever nitong si bunso," biglang sulpot ni Kuya Letifer sa likod ko.
Muntik pa akong mapatalon sa gulat dahil para siyang kabute. Nahampas ko tuloy siya sa braso niya.
"Para kang kabute!" singhal ko. Kung may sakit lang siguro ako sa puso ay baka inatake na ako.
"At least gwapong kabute," mayabang niyang turan kaya sinimangutan ko lang siya.
"Hindi mo pa ba susunduin 'yong mag-ina mo?" magkasalubong ang kilay kong tanong sa kanya.
"Mamaya ko pa sila susunduin. Pero mayamaya ay aalis na ako para sunduin sila," simple niyang sagot. Hindi na lang ulit ako nagtanong kay Kuya Letifer at bumalik ang atensyon ko kina papa.
"Nasaan po pala si Mommy at Daddy? Magpapaalam lang po sana ako sa kanila."
"They were both in the kitchen, baby."
Nagpasalamat lang ako kay Papa Lycus bago ako nagtungo sa loob ng kusina, ngunit mabilis din akong huminto.
"Baka po langgamin kayo rito sa kusina Daddy tapos kagatin pa kami," biro ko upang putulin ang lambingan nilang dalawa ni Mommy.
Sabay silang nag-angat ng ulo para tingnan ako. Naka-back hug si Daddy Lorcan kay Mommy na ngayon ay busy sa pag bake ng mga cookies. Panay pa nga ang halik ni Daddy sa leeg ni Mom.
Mabuti na lang talaga ay sanay na ako sa kanila. Mas clingy pa nga si Papa Lycus kay Mommy kaysa kina Dada Lucian at Daddy Lorcan. Tumaas pa ang kilay ni Daddy nang mapansin niya ang suot ko.
"Saan ka pupunta? Wala kang pasok ngayon sa school, 'di ba?"
Mas lalong humigpit ang yakap niya kay Mommy. Kung makalingkis siya ay parang mawawala si Mommy sa paningin niya.
Bigla kong naalala noong nagpunta si Mommy sa supermarket para mag grocery. Nakalimutan lang niyang magpaalam pero itong tatlo kong ama ay halos mabaliw sa paghahanap sa kanya. Inakala nila na iniwan na sila.
BINABASA MO ANG
HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)
General FictionHELLION 3: CHASE LAURENT PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP She was born rich, he was not. They met when they were 10 and they became childhood best friends. But he left her for a reason and he didn't have any other choice. She tried to find hi...