2

21.5K 832 499
                                    

LILIANA HELLION

Ligtas kaming nakauwi ni Dada Lucian. Nakangiti pa akong nagpasalamat sa kanya dahil pinagbuksan pa niya ako ng pintuan bago ako bumaba sa sasakyan. Ang gentleman talaga ni Dada, kaya love na love siya ni Mommy, eh.

Kaya siguro ang taas ng standards ko sa lalaki. Ang gusto ko sa lalaki ay tulad ng tatlo kong ama. Sweet, caring at mapagmahal.

Kahit na tumatanda na sila at pamilyadong tao na ay marami pa rin ang nahuhumaling sa kanila. Gwapo kasi at walang maipipintas sa kanila. Maraming babae ang kayang lumuhod, makuha lang ang kanilang atensyon.

Malas nila dahil walang effect ang pagpapa-cute nila sa tatlo kong ama dahil si Mommy lang ay sapat na sa kanila. Sobrang ang pagmamahal nila kay Mommy.

I have never seen them fight. I wish I could have a relationship like theirs. May tampuhan pero naaayos nila agad 'yon. Hindi ko rin naman pinangarap na magkaroon ng relasyon na kagaya ni Mommy, ang magkaroon ng higit sa isang lalaki na mamahalin.

One is enough for me. That's fine with me, as long as his love for me is genuine and he is ready to be with me until the rest of his life.

"After you, my princess." Pinagbuksan niya ako ng pintuan at pinauna niya akong pumasok sa loob ng bahay.

I laughed softly. "Thanks, Dada."

Nginitian lang niya ako bago ako pumasok sa loob. Papalapit pa lang kaming dalawa sa sala ay naririnig na namin ang mga ingay pati na rin ang mga tawanan.

Nakilala ko agad ang ilang mga boses dahil pamilyar iyon sa akin. Nangunguna ang boses ni Mommy at Tita Aubree. Malamang ay magiging maingay ang buong Mansyon dahil sadyang madaldal sila kapag magkasama silang dalawa.

Matalik na kaibigan kasi ni Mommy si Tita Aubree, ang ina ni Ate Harmony. Hindi ako nagkamali sa hula ko dahil pagkarating namin ni Dada sa sala ay nakita namin silang lahat. Mga nakatambay sila sa sala habang masaya silang nagkukwentuhan.

Nandito rin si Tito Ales kasama ang misis niyang si Tita Agnella. May kasama rin silang isang babae na mukhang may edad na pero maganda pa rin naman.

"Nandito na pala ang mag-ama mo," salita ni Tita Aubree dahil siya ang nakapansin sa pagdating namin ni Dada.

"Mabuti ay nakauwi na kayo," ani Mommy. Lumapit ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.

Katabi niya si Papa Lycus na nakaakbay sa kanya kaya hinalikan ko na rin siya sa pisngi niya. Tanging si Daddy Lorcan lang ang wala. Tiyak na busy na naman ang ama kong 'yon sa trabaho.

Daddy has his own company and he manages it himself. Habang sina Papa Lycus at Dada Lucian ang namamahala sa ilang negosyo na pagmamay-ari nina Lola Larlee at Lolo Lars.

"Nasaan pala 'yong Quadruplets? Sina Liam at Laito?" tanong agad ni Dada kay Mom. Tinutukoy niya ay ang apat kong pamangkin na anak ng dalawa kong kuya at ni Ate Harmony.

"Nasa pool sila," sagot ni Mom.

"Nagpumilit kasi si Lyrius na maligo sa pool, buti na lang talaga ay mayroong mga damit ang mga bata rito kaya hindi na namin kailangan na umuwi sa bahay para kumuha ng pamalit nila," turan ni Ate Harmony.

Sigurado na kinulit na naman ni Lyrius ang dalawa niyang ama. Isa sa paboritong gawin ng Quadruplets ay ang maligo sa pool tuwing nagpupunta sila rito.

HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon