THIRD PERSON POV
Chase couldn't stop looking at her. Alam niyang sumama ang loob ni Liliana sa kanya dahil sa nalaman nitong matagal na siyang nakabalik sa dati nilang bahay at alam iyon nina Dalisay at Lakan ngunit hindi nila agad ipinaalam sa dalaga.
Ni hindi man lang siya nagtangkang magpakita sa kababata niya kahit pa na alam niyang hinahanap siya nito.
Nagi-guilty tuloy siya dahil inakala ni Liliana na pinag mukha niya itong tanga. Dahil iyon sa wala siyang lakas ng loob para magpakita kay Liliana. Nahihiya siya, sobrang nahihiya siya sa childhood best friend niya. Malayo ang kanilang mundo, at pakiramdam ni Chase ay hindi siya nababagay sa mundo ni Liliana.
Maganda ang dalaga, nakapag-aral at anak mayaman pa. Samantalang siya? Itsura at talino lang ang meron siya, tapos mandurukot pa.
Walang-wala siya sa ibang lalaki. Nakatitiyak din si Chase na puro mayayaman din ang manliligaw ng kababata niya. Isa 'yon sa dahilan kung bakit nawalan siya ng kumpiyansa sa sarili. Masyado talaga niyang dina-down ang kanyang sarili dahil siya ay isang kahig isang tuka.
Ano na lang ang iisipin ng mga taong nakakakilala kay Liliana kapag nalaman ng mga ito na may kaibigan itong kagaya niya na wala man lang marangal na trabaho? Eh 'di dinala pa niya sa kahihiyan ang dalaga.
Marahas siyang bumuntong-hininga bago niya ginulo ang sarili niyang buhok. Muli niyang tiningnan si Liliana na ngayon ay mahimbing ng natutulog sa ilalim ng malaking puno.
Malalim na rin ang gabi at siya na lang itong gising sa kanilang apat para magbantay. Baka bigla na lang sumulpot ang mga tauhan ni Mr. Santos na hindi nila namamalayan kaya naman mas mainam na rin na gising siya at nagbabantay para na rin sa kanilang kaligtasan.
Tulog na rin si Jimmy na kasama niya ring nagbabantay kanina. Hindi na nito nakayanan ang antok kaya nakatulog na rin ito. Malakas namang humihilik si Kuya Lakan niya at kahit ito ay masarap din ang tulog.
Chineck niya ang suot niyang relos, alas dos na pala ng madaling araw. Pati ang dalawa niyang mata ay nagsisimula na ring mamigat dahil sa antok.
Chase took a deep breath before he stood up. He quietly approached Liliana who was sound asleep. Dinouble check pa niya kung ayos lang ba ang higa ng dalaga bago siya maingat na nahiga sa tabi nito.
Mabuti na lamang ay hindi maarte si Liliana at talagang nahiga pa ito sa sahig kahit pa na wala itong sapin. Ni wala man lang itong pakialam kahit pa na marumihan ang suot na damit.
Huminga pa nang malalim si Chase nang makita niya ang dalawa nitong paa na walang kahit na anong suot na sapatos o tsinelas. Narumihan tuloy ang maputi at makinis nitong paa ngunit hindi man lang niya narinig na nagreklamo si Liliana. Marahil ay mas mahalaga sa dalaga ay makatakas mula sa poder ni Esteban.
And speaking of Esteban, napayukom ang kamao niya sa sobrang galit. Hindi niya mapapatawad ang lalaking 'yon dahil sa ginawa nito sa childhood best friend niya.
Muntik na niyang gawan ng masama si Liliana. And he could not forgive that asshole. Pasalamat na lang talaga si Esteban ay wala siya kanina ng tinangka nitong halayin ang kababata niya, dahil kung hindi ay talagang mapapatay niya ito sa matinding bugbog.
Wala siyang pakialam kung mapatay siya ng mga tauhan ni Mr. Santos, ang mahalaga ay kasama niyang mamatay ang gagong si Esteban. Chase took a heavy sigh, pinakalma niya ang kanyang sarili bago niya muling pinagmasdan si Liliana.
'Damn! She's beautiful!' anas niya sa kanyang isipan.
Oo, talagang lumaking maganda ang kababata niya. Mga bata pa lang sila ay maganda na ito at alam rin niyang mas gaganda pa si Liliana kapag nag-dalaga na ito.
BINABASA MO ANG
HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)
General FictionHELLION 3: CHASE LAURENT PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP She was born rich, he was not. They met when they were 10 and they became childhood best friends. But he left her for a reason and he didn't have any other choice. She tried to find hi...