23

14.2K 689 250
                                    

LILIANA HELLION

"May signal ba riyan sa itaas? Nakasagap ka na ba?" tanong ni Kuya Lakan sa akin. 

Pilit kong tinataas ang cellphone niya, baka sakaling makasagap ako ng signal. Nandito rin ako sa itaas ng puno sa likod ng bahay nina Ate Imee. Palubog na rin ang araw pero hanggang ngayon ay wala pa rin sina Daddy Lorcan.

Sabi nila ay pupunta na sila rito para sunduin ako, ibinigay pa nga ni Kylo ang address ng bahay ni Ate Imee para alam nila kung saan kami pupuntahan.

Pero bakit wala pa rin sila?

Kaya naisip ko na hiramin ang cellphone ni Kuya Lakan para tawagan sila. Naloadan na raw niya ito kanina nang binili niya ito pero napakahina naman ng signal. Naisip naming umakyat sa itaas ng puno para kahit paano ay may masagap kami pero ang hina pa rin.

"Liliana? Anong ginagawa mo riyan sa itaas ng puno?" gulat na tanong ni Chase.

Pagtingin ko sa kanya sa ibaba ay nakatingala siyang nakatingin sa akin.

"Naghahanap lang siya ng signal," sagot ni Kuya Lakan.

"Bumaba ka riyan at baka malaglag ka pa," utos niya pero hindi ako nakinig.

"Huwag mo akong pakialamanan," pansusungit ko.

Bakit ako makikinig sa kanya? Tsk, doon siya kay Ate Imee. Magsama silang dalawa!

"Come on, Liliana. Pilay ang aabutin mo once na mahulog ka kaya bumaba ka na," pagpupumilit niya kaya inis akong napabuntong-hininga bago siya tiningnan ng masama.

"Pwede ba? Wala akong pakialam kung mahulog ako at mapilayan," pagtataray ko bago ko binalik ang atensyon ko sa aking ginagawa.

Mahigpit akong humawak sa puno habang ang isa kong kamay ay nakaangat para makasagap ng signal.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo ngayon?"

"E bakit ang kulit-kulit mo?"

Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. 

Naiinis pa rin ako sa kanya, pinaasa niya ako. Aasa ba ako kung hindi siya nagbigay ng motibo para umasa ako? Tapos may pasabi-sabi pa siyang liligawan niya ako. Ang galing talaga niyang magpaasa sa akin. Bahala siya sa buhay niya ngayon, basta naiinis talaga ako sa kanya.

Dapat nga lang talaga na itigil ko na itong kahibangan ko sa kanya. Dapat lang siguro na ihinto ko na ang nararamdaman ko sa kanya. Nasayang lang ang oras at panahon ko sa paghahanap sa kanya. Sapat na siguro na nakita ko siya at okay ang kalagayan niya.

Narinig ko na nag-beep ang cellphone ni Kuya Lakan. Halos gusto kong lumundag sa saya nang makita ko sa screen ng cellphone na meron na akong nasagap na signal.

"Nakahanap na ako ng signal!" nakangiti kong sabi kay Kuya Lakan.

"Talaga? O sige, bilisan mong gamitin 'yung cellphone ko at tatawagan ko pa si Ate Dalisay mo!" excited niyang sagot.

Nagmamadali kong dinayal ang cellphone number ni Papa Lycus. Ang tagal kasi nilang dumating, nag-aalala na ako sa kanila. Baka mamaya ay may masama nang nangyari sa kanila.

Pagkadayal ko sa number ni papa ay agad ko itong niloud-speaker. Baka kasi mawalan ng signal kapag sinubukan ko itong itapat sa tenga ko kaya mas minabuti ko na lang na iangat ang cellphone ni Kuya Lakan at niloud-speaker ito para makasiguro akong hindi mawawala ang signal.

Halos kalahating oras pa naman ang ginugol ko rito sa itaas ng puno para makasagap ng signal.

Kahit paano ay may kuryente pa rin dito, pero iilan lang ang maswerteng nagkaroon ng kuryente dahil ang iba sa mga kapitbahay nina Ate Imee ay mga naputulan.

HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon