LILIANA HELLION
Pareho kami ni Chase na naalimpungatan dahil sa malakas na katok na aming naririnig. Pagmulat ko ay nakapulupot pa ang isang braso ni Chase sa bewang ko habang ginawa ko namang unan ang kanyang dibdib. Doon ko lang ding naalala na nasa treehouse pa pala kaming dalawa at hubo't hubad na nakahilata sa carpet.
"Liliana? Nandiyan ba kayo ni Chase sa loob?" rinig kong boses ni Kuya Letifer sa labas ng treehouse.
Agad akong napabangon dahil sa gulat. Anong ginagawa ni Kuya Letifer dito? Mabilis naming pinagpupulot ni Chase ang mga damit naming nakakalat sa kung saan-saan bago kami nagmamadaling nagbihis.
"Liliana?" muling tawag ni Kuya Letifer.
"Opo, kuya. Saglit lang po!" sagot ko.
Hindi na ulit nagsalita si Kuya Letifer, pero siguradong naghihintay siya sa amin sa labas kaya mas binilisan namin ni Chase ang aming kilos.
Pagkatapos naming magbihis ay agad kong inayos ang buhok ko. Sinuklay ko lang ito gamit ang daliri ko sa kamay bago ako pinagbuksan ng pintuan si Kuya Letifer. Anong oras na ba? Medyo madilim na kasi sa labas. Mukhang napahaba-haba ang tulog namin ni Chase dahil sa pagod dulot ng ginawa naming masarap na pagsasalo.
"Bakit po, kuya?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Sandali pa siyang napatitig sa akin habang nakakunot ang kanyang noo bago niya binalingan ng seryosong tingin si Chase na nakatayo lang sa likod ko.
"Nakatulog kayong dalawa?" he asked.
"Uhm, yes. Nakatulog kami," sagot ko agad. "Teka, bakit ka pala kumakatok? May kailangan ka ba?" pag-change topic ko.
Malalim siyang bumuga ng hangin.
"Oo nga pala, nandito ako kasi pinapatawag kayo nina Daddy. Sabi nila ay may balita na raw sila kay Esteban."
"Bakit, kuya? Nakulong na ba siya? Nahuli na ba siya ng mga pulis?"
"Tara na muna sa loob ng Mansyon, naghihintay sila sa atin," tanging na sagot ni Kuya bago niya kami tinalikuran.
Kahit kinakabahan ay sumunod pa rin kami ni Chase sa kanya. Nagtungo kaming tatlo sa loob ng bahay at pagdating amin sa sala ay naroon nga sina Daddy. Mukhang kami na lang ang hinihintay nilang lahat.
Habang papalapit kami sa kanilang gawi ay naririnig ko na rin ang ingay na nanggagaling sa TV. Kasalukuyan na may binabalita roon at pagtingin namin ni Chase sa TV ay mukha agad ni Esteban ang nakita namin.
Bakit nasa balita si Esteban? Hawak siya ng mga pulisya at naipakita rin doon sa balita na nakaposas ang dalawa niyang kamay. Nakayuko ang kanyang ulo na animo'y nahihiya at hindi makatingin sa camera habang pinagkakaguluhan siya ng mga media reporters.
Nakita ko rin agad sa TV kung ano ang dahilan kung bakit siya nasa balita. Dahil sa sangkot siya sa pagkidnap sa akin kaya naman pareho sila ng kanyang ama na sinampahan ng kaso.
"Nahuli na siya, anak. Nahuli na si Esteban," umiiyak ngunit masayang balita ni Mommy sa akin.
"Papaanong..." naguguluhan ako pero hindi ko naman magawang mabuo ang itatanong ko kung paano nahuli agad si Esteban.
BINABASA MO ANG
HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)
General FictionHELLION 3: CHASE LAURENT PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP She was born rich, he was not. They met when they were 10 and they became childhood best friends. But he left her for a reason and he didn't have any other choice. She tried to find hi...