12

14K 648 243
                                    

LILIANA HELLION

Tulad ng sinabi ni Chase sa akin kanina ay nag tiwala lang ako. Naghintay lang din ako sa kwarto kung saan ako lang ang mag-isa. Mukhang nakaalis na sila kanina pa, dahil ibang lalaki ang naghatid sa akin ng pagkain ko kanina.

Narinig ko rin sa ibaba ang ugong ng sasakyan paalis kanina, sigurado na papunta na sila sa bayan para mag-grocery.

Para hindi ako makatakas o gumawa ng kalokohan ay iginapos ulit ng lalaking may peklat sa noo ang dalawa kong kamay.

Naiinis talaga ako sa lalaking 'yon. Ang higpit pa ng pagkakagapos niya sa kamay ko kaya nahihirapan akong kumilos sa kama. Hindi rin ako masyadong makagalaw at nagsisimula na ring mangalay ang dalawa kong braso.

Kahit na kahapon lang nila ako dinakip, pakiramdam ko ay parang isang linggo na ako dito sa bahay na ito.

Ang tangi ko lang naririnig ay ang mga boses ng mga lalaki na nagtatawanan sa labas.

Sana lang ay bilisan ni Chase ang kanyang kilos, sana ay makabalik sila agad ni Kuya Lakan at huwag na sana silang magtagal pa sa bayan.

Sana sa pagtakas naming mamayang gabi ay walang masamang mangyari.

Taimtim rin akong nagdadasal na sana matrace na nina Daddy kung saan ako dinala ng mga dumakip sa akin. Sana mahanap na nila ako, sana talaga makulong ang mag-amang si Esteban at Mr. Santos.

Narinig ko ang kalansing ng kadena sa labas ng pintuan kaya naputol ang malalim kong iniisip. Hinihintay ko kung sino ang taong nagtatanggal ng padlock at ilang segundo lang ay bumukas na rin ang pintuan.

Akala ko si Chase na, hindi pala.

Matalim kong tiningnan si Esteban na siyang pumasok dito sa kwarto gamit ang pagtulak niya sa gulong ng wheelchair niya.

"Are you expecting someone to come into this room? Mukhang dismayado ka yata nang makita mo ako," salita niya.

Unti-unti niyang inilapit ang wheelchair sa gilid ng kama. Sumarado ang pintuan at narinig ko sa labas ang pag-lock nito.

Masyado ba akong obvious?

Akala ko kasi talaga ay si Chase na pero unggoy na demonyo ang dumating. Hindi ko pinansin si Esteban at tumitig lang ako sa puting kisame, nagkukunwari na walang naririnig.

"Come on, Liliana. Kausapin mo naman ako," muli niyang salita pero nanatili akong walang imik.

I heard his sigh. "Kung galit ka sa ginawa ko sa iyo kanina, pasensya na. Pero alam mo ba na masaya ako nang makita ulit kita? Wala ka pa ring pinagbago, maganda ka pa rin kagaya ng dati. Mas lalo ka ngang gumanda ngayon."

Nahihimigan ko sa boses niya ang pagkamangha. Nang tingnan ko siya ay napansin kong humagod ang kanyang tingin sa buo kong katawan.

Kinilabutan ako sa paraan ng tingin niya. He even bit his lower lip as he stared at my legs. His eyes were full of desire.

Dress lang ang suot ko na hindi lalampas sa aking tuhod kaya malaya niyang nakikita ang maputi kong hita. Umayos ako ng upo at isinandal ko ang aking likod sa headrest. I even gave him a death glare. Hindi lang pala baliw ang Esteban na ito, mukhang manyakis pa.

HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon