14

14.1K 663 242
                                    

LILIANA HELLION

"Bwisit naman ang mga damong ito, ang kati sa balat!" reklamo ni Kuya Lakan sa sobrang inis.

Kanina pa siya panay ang reklamo na kesyo ang haba na ng nilakad namin at nandito pa kami sa masukal at madilim na kagubatan. Ako nga na kanina pa nangangati dahil dress na hanggang tuhod lang ang suot ko, narinig ba niya akong nagreklamo?

Malalim na rin ang gabi, kalahating oras na rin ang nakalipas mula nang makatakas kami. Tiyak na pinapahanap na kami ni Esteban, sigurado rin ako na alam na nila kung sino ang nagpatakas sa akin.

"Malayo pa ba tayo? Ang sakit na ng tuhod ko sa kalalakad. Pwede bang magpahinga na muna tayo? Baka himatayin na ako, mawalan pa ng gwapong asawa si Dalisay. Nangangati na rin ako, masayang pa 'yung binibili kong sabon na Kojic kung masisira lang itong balat ko. Ang mahal pa naman ng bili ko roon kay Tiya Bakekang," muling reklamo ni Kuya Lakan kaya sumimangot na ako.

Naririndi na ako sa boses niya. Kung hindi ko lang talaga kilala si Kuya Lakan ay baka kanina ko pa natirador 'yung bibig niya.

"Stop complaining dude, baka may mabangis na hayop ang makarinig sa pangit mong boses. Kainin ka pa n'on!" seryosong pananakot ni Jimmy sa kanya.

"Anong kakainin? Sa buto't balat niyang 'yan, may makakain pa sa kanya?" turan ni Chase. Nasa unahan ko silang tatlo na naglalakad kaya nakita ko kung paano sumimangot si Kuya Lakan.

Tumawa si Jimmy. "Oo nga pala, sa itsura niyang 'yan baka hayop pa ang unang matakot sa kanya."

Marunong din pala siyang tumawa at makipag biruan. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya dahil hanggang sa ngayon ay suot pa rin niya ang kanyang facemask.

"Hoy, kayong dalawa! 'Wag n'yo akong pinagtutulungan, ha? At saka tumigil kayo sa pagsasalita ng ingles, baka dumugo pa ang ilong ko!" asik ni Kuya Lakan pero mas lalo lang natawa 'yung dalawa.

Sabagay, payat naman talaga siya. Pero malaki ang pagkabilib ko sa kanya. Kahit na mukhang malapit na mag-50/50 ang buhay niya ay patuloy pa rin siya sa agos ng buhay. Kumakayod pa rin siya para sa pamilya niya lalo na ngayon at may anak na silang dalawa ni Ate Dalisay.

At isa pa, may point din si Jimmy, baka hayop pa ang unang matakot sa kanya dahil sa itsura niya. Parang gusto ko tuloy humingi ng sorry kay Ate Dalisay dahil hindi ko magawang ipagtanggol ang asawa niya mula kila Chase at Jimmy. Mahirap talaga kapag sinampal ka na ng katotohanan.

"Sandali, magpahinga na muna tayo. Hindi ko na talaga kaya," pagsuko ni Kuya Lakan at tumigil sa paglalakad.

Nanghihina siyang naupo sa sahig. Tumigil din kami sa paglalakad at tiningnan si Kuya Lakan na ngayon ay pinapaypayan na ang sarili gamit ang kanyang kamay.

Nakikita ko sa kanya ang matinding pagod, sabagay ay kalahating oras na kami naglalakad dito sa masukal na gubat tapos malamok pa. Ang kati rin ng mga damo, pati tuloy ako ay napapakamot na rin kagaya ni Kuya Lakan.

"Hindi tayo pwedeng tumigil sa paglalakad. Siguradong sumunod na ang mga tauhan ni Mr. Santos para hanapin tayo. Kilala ko ang takbo ng utak nila, for sure ay ise-check nila sa bawat CCTV kung sino ang nagpatakas kay Liliana at kung saan tayo dumaan," mahabang turan ni Jimmy sa amin.

"Pero hindi ko na talaga kaya. Kapag ako namatay sa sobrang hingal, ikaw ang una kong mumultuhin!" inis na wika ni Kuya Lakan.

"Maybe we can spend the night here first so we can rest as well. Baka pagod na rin si Liliana sa kalalakad," suhestiyon ni Chase bago siya tumingin sa akin. Napatingin din si Jimmy sa gawi ko bago siya malalim na bumuntong-hininga.

"Okay, fine. Pero aalis tayo agad bago sumikat ang araw. Ayoko rin namang mamatay sa kamay nina Mr. Santos."

Sabay kaming nakahinga ng maluwag ni Kuya Lakan. Agad akong naupo sa ilalim ng puno na nakita ko na malapit lang din sa kinauupuan ni Kuya Lakan.

HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon