LILIANA HELLION
Dahil sa mahinang tapik sa aking braso ay tuluyan akong nagising. Pagmulat ko ay ang gwapong mukha agad ni Chase ang aking nakita. Hindi ko napansin na nakatulog ako dahil sa pagod.
"Dumating na sina Tito Lorcan, nasa labas na sila."
Nang marinig ko 'yon ay mabilis akong napabalikwas ng bangon, subalit agad din akong napangiwi sa sakit dahil kumirot bigla ang maselang bahagi ng aking katawan. Mahapdi rin ito, para akong sinugatan.
"Okay ka lang? Sobrang sakit ba?" nag-aalala niyang tanong.
Nakagat ko ang labi ko bago ako marahan na tumango sa kanya. Kung bakit kasi humirit pa si Chase ng round two bago kami natulog. Malaki siya kaya hindi na katakataka kung bakit kumikirot ng ganito ngayon ang mahiwaga at pinakamamahal kong brilyante.
"Kaya mo bang maglakad?"
"Oo, gusto ko na rin sila makita."
"Sigurado ka ba?" Bakas ko rin sa mukha niya ang pag-aalala.
Tango lang ang sinagot ko kay Chase bago ko siya nginitian. Malalim pa muna siyang bumuntong-hininga bago niya ako inalalayang bumangon sa kama.
Mabuti na lang ay nakadamit na ako, mismong si Chase pa ang nagsuot ng damit sa akin kanina bago ako nakatulog. Biruin mo nga naman, may tiga-hubad na nga ako ng damit, may tiga-suot pa.
Chineck ko ang orasan, it was 5 o'clock in the morning. Inayos ko muna ang mahaba kong buhok at siniguro ko na wala rin akong muta bago kami lumabas ni Chase sa kwarto.
Naabutan ko sina Kuya Lakan na nasa sala at gising na. Si Ate Imee ay karga ang kanyang anak na si Tim na mukhang nabulabog ang kanyang tulog habang si Kylo ay nagtitimpla ng kape sa lamesa.
Agad ko ring nakita ang tatlo kong ama na nakaupo sa sala. Napatingin sila sa direksyon ko kaya hindi ko napigilang mapaiyak nang makita ko sila.
Kahit medyo paika-ika ako ay agad ko pa rin silang nilapitan at sinunggaban ng yakap si Daddy Lorcan na siyang unang sumalubong sa yakap ko.
"Shh, nandito na kami kaya huwag ka ng umiyak."
Sobrang higpit ng yakap ni Daddy sa akin, parang ayaw niya na akong pakawalan. Sunod ko namang niyakap sina Dada Lucian at Papa Lycus na tila mga nabunutan ng tinik sa dibdib nang makita nila ako.
Masuyo pang humalik si Dada Lucian sa noo ko at inayos ang aking buhok.
"Uuwi na tayo, sobra ang pag-aalala sa 'yo ng Mommy Aeliana mo. Pati na rin ang mga kuya mo ay halos hindi makatulog sa kaiisip sa 'yo," ani Dada.
"Hindi na lang sumama sina Kuya Liam mo para may kasama ang Mommy mo sa Mansyon," salita naman ni Papa Lycus.
Ngumiti ako sa kanila. Kahit pala maloko at mapang-asar ang mga Kuya ko ay labis din pala silang mag-aalala sa akin. Napansin ko na maraming mga lalaking armado ang mga nagbabantay sa labas. Ang ilan sa kanila ay pulis at ang iba sa kanila ay nakilala ko dahil mga tauhan nina Ninong Samael 'yon.
And speaking of Ninong Samael, pumasok siya rito sa bahay kasunod sina Ninong Palermo at Ninong Arawn. Nginitian nila ako at niyakap din. Para ko na rin kasi silang mga tatay.
"We have to go, nakahanda na ang gagamitin nating private plane pabalik sa Maynila. Mahirap na kung makatunog ang anak ni Mr. Santos at maabutan pa nila tayong nandito," rinig kong turan ni Ninong Samael kila Daddy.
Malalim na bumuntong-hininga si Dada Lucian at masuyong hinaplos ang aking pisngi.
"Kailangan na nating magmadali. Kanina habang papunta kami rito ay may sumusunod sa amin na sasakyan. Mabuti na lang ay napansin 'yun agad ni Arawn kaya kahit paano ay nagawa namin silang iligaw," turan ni Dada.
BINABASA MO ANG
HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)
General FictionHELLION 3: CHASE LAURENT PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP She was born rich, he was not. They met when they were 10 and they became childhood best friends. But he left her for a reason and he didn't have any other choice. She tried to find hi...