5

16.2K 722 269
                                    

LILIANA HELLION

I check myself in the mirror, maganda ang pagkakaayos sa akin ng magaling na make-up artist na kinuha ni Lola Marlyn. Maganda at hindi rin sobrang kapal ng make-up ko, sapat na upang lumitaw lalo ang aking ganda.

Kinakabahan ako. Ngayon na kasi ang birthday ko at ngayong araw na rin gaganapin ang engrandeng birthday party na mismong sina Mommy ang gumastos at nagpahanda.

Naisipan na lang din nina Dada na isa mga sikat at kilalang Hotel ni Ninong Nyx gaganapin ang birthday party ko. Isa rin 'yon na main Hotel na pagmamay-ari ni ninong.

Mahigpit din ang security kaya nakasisiguro sina Daddy na hindi basta makakapasok ang mga outsider at ang mga hindi naman invited sa birthday party.

Syempre nadala na rin ang magulang ko. Noong nakaraang birthday ko kasi ay hindi lang basta kahihiyan ang nangyari sa akin, may nag-gatecrash din sa birthday ko. Bigla na lang may mga outsider ang pumasok kahit hindi naman sila invited.

Kaya kinausap ni Daddy Lorcan si Ninong Nyx na magkaroon ng mga security guard at iba pang mga bodyguards na magbabantay sa loob at labas ng venue upang walang makapasok.

At isa pa, nag-iingat lang din ang magulang ko dahil this past few days ay bigla na lang akong may natatanggap na mga kung ano-anong klase ng mga bulaklak at imported chocolates galing sa hindi namin kilala at mas lalong hindi rin sa 'min nagpapakita.

May nagpapadala n'on dito sa bahay, minsan ay isang sulat para sa akin at iniiwan lang sa labas ng gate ng bahay namin. Nakita rin namin noong isang araw sa CCTV footage na naka-motorsiklo ang nagpapadala ng mga kung ano-ano sa 'kin.

Hindi rin namin makita ang mukha ng naka-motor na iyon at wala rin itong plaka kaya pahirapan sina Daddy na malaman kung sino ang taong iyon, ngunit gumagawa pa rin sila ng paraan upang ma-trace ang taong iyon.

Sabi ni Kuya Letifer sa 'kin ay baka secret admirer ko raw iyon, ngunit takot at kilabot ang aking nararamdaman sa taong 'yon dahil hindi lang letter, flowers at chocolates ang pinapadala niya sa akin, kung 'di pati na rin ang mga litrato ko.

Mga stolen pictures ko, kuha iyon kahit saan ako magpunta. Mapaloob man ng school o labas. Kahit nga noong nagpunta lang ako sa dating bahay nina Chase noong nakaraang araw ay kinuhanan din ako ng litrato. Literal talaga akong ginapangan ng kilabot nang makita ko 'yung mga pictures ko na pinadala ng kung sino man na taong iyon.

Ang sabi ni Papa Lycus ay baka hindi ko lang iyon secret admirer, kung 'di stalker na rin. Sigurado na kahit saan man ako magpunta ay sinusubaybayan at sinusundan ako ng taong 'yon. Kaya nagpapa-imbestiga na ang tatlo kong ama dahil baka kasi may masamang balak ang taong iyon sa akin.

Isa na rin 'yon sa mga dahilan nina Daddy kung bakit sila nagpakalat ng mga security guards at mga bodyguards sa venue. Baka bigla na lang daw makalusot ang taong 'yon at biglang makapasok. Hindi rin sa pagiging OA pero mas mabuti na rin ang nag-iingat.

Sa totoo lang, noon pa lang ay alam ko na may secret admirer ako. Sa school pa nga lang ay mayroong nagbibigay sa akin ng mga bulaklak at tsokolate galing sa taong hindi ko kilala.

Tuwing papasok ako ay may bulaklak na nakapatong sa desk ko at kapag naman bubuksan ko ang locker ko ay meron ding mga bulaklak at sulat.

"Nagustuhan mo ba ang ayos mo, hija?"

Naglaho ang malalim kong iniisip at mabilis na nabaling ang aking tingin kay Lola Marlyn. Nakita ko siya gamit ang malaking salamin na nasa aking harapan.

HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon