LILIANA HELLION
Hindi lubos makapaniwala sina Mommy nang malaman nilang nakuha na ni Chase ang brilyante ni pirena, este naisuko ko na ang buo kong sarili sa kanya. Alam naman nila kung ano ang ibig kong sabihin kaya hindi ko na kailangang ipalandakan sa kanila na wala na ang aking pinakamamahal na Bataan.
Syempre, kailangan ko ring ipaliwanag kila Mommy lahat ng mga nangyari sa akin at pati si Chase ay ipinaliwanag din nila kung paano muling nag-krus ang landas naming dalawa.
Buong detalye ay sinabi ko, walang labis at walang kulang. Pagkatapos kong magkwento sa kanila ay sinabi nilang pag-uusapan na namin agad ang kasal naming dalawa ni Chase kapag natapos na ang problema namin.
Nangako naman si Chase na pananagutan niya ako at pakakasalan. Mahalaga muna sa ngayon na mahanap si Esteban at makulong siya tulad ng kanyang ama na ngayon ay nakakulong na sa bilangguan.
Hindi nga rin makapaniwala sina Lola Larlee nang malaman din nila ang sinapit ni Kylo at Ate Imee, especially 'yung nangyari sa magulang nila dahil sa kagagawan ni Mr. Santos.
Kaya abot-abot ang tulong at suporta ang ibibigay nina lola kina Kylo para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng magulang nila.
Hindi talaga kami lahat mapapanatag hangga't hindi magkasamang nakakulong ang mag-ama na 'yun kaya naman kahit nakauwi na ako at narito na ako sa bahay kasama sina Mommy ay hindi pa rin ako mapapanatag. Makakatulog lang siguro ako ng mahimbing once na nasa kulungan na rin si Esteban.
"Kumusta ang pakiramdam mo? Nawala na ba ang kirot?" tanong sa akin ni Chase.
Halos limang minuto na rin akong nakababad dito sa bathtub na mismong siya ang naghanda para sa akin. Sabi niya ay makakatulong daw ito sa akin para mawala ang pagkirot ng perlas ko at kahit paano ay nakatulong nga ito sa akin dahil maligamgam ang tubig.
May mga bula pa at may kasama pang mga red rose petals kaya mabango ang amoy ng tubig. Unti-unti na ring nawawala ang kirot at hapdi ng aking pagkababae.
Nginitian ko siya. "Yup, medyo nawawala na 'yung kirot."
"Can I join if you don't mind?" he asked.
"Sure, why not."
Matamis siyang napangiti bago niya mabilis na hinubad ang kanyang damit. Muli ko na namang nasilayan ang maganda niyang katawan.
Umiwas ako ng tingin nang hubarin na niya ang natitira niyang saplot sa katawan bago niya ako sinaluhan dito sa bathtub. May kalakihan ito kaya kasya naman kaming dalawa kahit na malaking tao si Chase.
Pumwesto siya sa likod ko at yumapos pa ang dalawa niyang braso sa aking beywang. Ilang minuto rin kaming dalawa na tahimik, nag pakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Naramdaman ko na lang ang masuyong pagdampi ng labi ni Chase sa kaliwa kong balikat.
"Time flies so fast, parang kailan lang noong mga bata pa lang tayo. Malaya tayong naglalaro, nagtatakbuhan at parang walang pinoproblema," basag ko sa katahimikan bago ko sinandal ang aking likod sa dibdib niya.
Gumuhit sa labi ko ang ngiti nang maalala ko ang mga panahon na naglalaro pa lang kaming dalawa ni Chase. Kahit na mataas ang tirik ng araw ay sige pa rin kami sa kalalaro.
Wala rin kaming pakialam kung maligo man kami sa pawis o kahit na mag-amoy araw kaming dalawa. Si Chase lang talaga ang bukod tangi kong kalaro that time. Madamot ako sa ibang bata pero siya lang din ang hinahayaan ko noon na gumalaw ng mga laruan ko.
BINABASA MO ANG
HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)
General FictionHELLION 3: CHASE LAURENT PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP She was born rich, he was not. They met when they were 10 and they became childhood best friends. But he left her for a reason and he didn't have any other choice. She tried to find hi...