LILIANA HELLION
Matapos ang hindi inaasahang holdapan sa jeep kanina ay bumaba na rin kami. Bago kami ibinaba ni manong drayber sa paroroonan namin ay tinali na muna nina Chase 'yung apat na holdaper para hindi sila makatakas.
Nakiusap kasi ako sa mga kapwa namin pasahero lalo na kay manong drayber na idiretso nila ang mga holdaper sa presinto para makulong sila at mareklamo.
"Tara na, sasakay pa tayo ng tricycle bago tayo makarating sa bahay ng ate ko," aya ni Jimmy sa amin kaya sumunod na lang kami sa kanya.
Mahigit dalawang minuto ang nilakad namin bago kami nakarating sa terminal ng mga tricycle.
"Sa baryo ng Dela Paz nga po," saad ni Jimmy sa tricycle drayber.
Tumango sa amin ang drayber kaya agad kaming sumakay sa tricycle niya. Magkasama kami ni Chase sa loob habang sa likuran naman ng drayber nakaupo sina Jimmy at Kuya Lakan.
Parang ang dami na agad nangyari sa amin ngayon, pero mabuti na lang ay papunta na kami sa bahay ng ate ni Jimmy.
"Okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik," basag ni Chase sa katahimikan.
Tiningnan ko siya at tipid na nginitian.
"Okay lang ako. Parang ang daming nangyari sa atin ngayon," sagot ko sa kanya.
Napipilitan naman siyang ngumiti sa akin at mahigpit na hinawakan ang aking kamay bago niya halikan ang likuran ng palad ko. Habang tumatagal ay parang mas naging clingy at sweet si Chase sa akin. Pati puso ko ay nagsisimula na namang magwala at malapit ng mabaliw.
"Don't worry, sisiguraduhin ko na ligtas kang makakabalik sa pamilya mo."
"Sana nga. Sigurado rin ako na nag-aalala na sina Daddy sa akin lalo na si Mommy. Sigurado na mugto na ang mata niya."
Kilala ko si Mommy, masyado na siyang nag-aalala sa amin kahit pa na isang araw lang kaming nawala sa bahay. Tulad na lang noong umalis si Kuya Letifer na hindi man lang nagpapaalam sa amin. Isang araw lang siyang nawala pero labis na ang pag-aalala ni Mommy sa kanya.
Paano pa kaya ako ngayon na alam nilang kinidnap ako? Tiyak na sobra-sobra na ang pag-aalala nila sa akin. Oo, mayaman ang pamilya namin pero kilala ko sina Esteban, siguradong gumawa sila ng paraan para hindi agad matrace nina Daddy 'yung location kung saan nila ako dinala.
Tiyak na may kalalagyan sila once na malaman ni Daddy na sila ang nag-utos na ipakidnap ako. Hindi ko rin naman hahayaan na madamay sina Chase dito.
Kahit na ang kababata ko ang mismong kumidnap sa akin ay hindi ko naman hahayaan na makulong din sila. Sila nga itong gumawa ng paraan para itakas ako at ngayon ay gumagawa rin sila ng paraan para maibalik ako sa pamilya ko.
Nakasalalay na rin ang buhay nila rito dahil kapag natagpuan kami nina Esteban at nahuli sila, tiyak na papatayin sila para walang witness.
Tiyak na dadalhin din ako ni Esteban sa malayong lugar na hindi ako basta mahahanap ng pamilya ko. Natatakot tuloy ako na baka maulit na naman 'yung ginawa niya sa akin. Parang bangungot sa akin 'yon sa tuwing naaalala ko iyon, feeling ko talaga ay na trauma na ako.
Naramdaman ko ang dahan-dahan na magbagal ng tricycle hanggang sa huminto ito sa tapat ng gate kung saan sa loob ay may isang bahay na may dalawang palapag ngunit gawa ito sa matibay na kahoy.
Inikot ko ang buo kong tingin sa paligid, para kaming nasa isang probinsya. Ang kalsada ay lupa at lubak-lubak.
Ang mga bahay ay hindi naman ganun dikit-dikit ngunit gawa rin sa kahoy. Habang ang ibang mga matatanda ay nakikipag-tsismisan na kahit umaga pa lang. Napansin ko rin ang mga bata na malaya at masayang naglalaro.
BINABASA MO ANG
HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)
Ficción GeneralHELLION 3: CHASE LAURENT PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP She was born rich, he was not. They met when they were 10 and they became childhood best friends. But he left her for a reason and he didn't have any other choice. She tried to find hi...