LILIANA HELLION
Mapaglaro nga talaga ang tadhana, akala ko talaga ay never ko nang hindi makikita ang childhood best friend ko na kay tagal kong hinintay at hinanap.
Nagtiis ako at hindi ako tumigil sa paghahanap kay Chase noon. Naghintay ako hanggang sa umabot ang paghihintay at paghahanap ko sa kanya ng sampung taon.
Hanggang sa muli kaming nagkita at nagkrus ang landas naming dalawa. Biruin mo nga naman, sa dinami-rami ng pwede kong maging abductor ay si Chase pa na kababata ko.
Hindi ko talaga akalain na ang dating batang gusgusin na nakilala ko noon at naging kaibigan ko ten years ago ay muli kong makikita.
He became my playmate, my best friend, until ten years later, he suddenly became my abductor and saviour. Sa dinami-rami ng pwedeng makidnap ay ako pa, at sa dinami-rami ng pwedeng kumidnap ay si Chase pa.
Mabuti na lang, niligtas niya.
Buti na lang ay hindi niya ako nakalimutan. Marami ang nagbago kaya malaki talaga ang pasasalamat ko na suot ko that time ang kwintas na binigay niya sa akin noon at ito ang naging dahilan at daan namin kaya nakilala namin ang isa't-isa.
Kahit siguro mapaglaro sa amin ang tadhana ay gumawa pa rin ito ng paraan para muli kaming magkitang dalawa.
Sa ngayon, masaya ako dahil mula sa pagiging childhood best friend naming dalawa, sa pagiging abductor niya ay naging asawa ko na siya ngayon.
Sinong mag-aakala na ang batang gusgusin na kalaro ko lang noon, ba naging abductor ko ay magiging asawa ko ngayon?
Ngayon? Ten years na kaming kasal.
Sampung taon ang hinintay ko para hanapin siya at sampung taon na rin ang nakakalipas mula nang magpakasal kaming dalawa.
Ngunit pagsubok naman ang dumating at sumubok sa aming dalawa ni Chase. Matapos naming ikasal ay hindi pa rin ako nagdalang-tao.
Naghintay kami pero wala pa ring nangyari, kaya naisipan naming dalawa ni Chase na magpunta sa isang Ob Gyn o fertility specialist para magpa-check up o magpakonsulta na para malaman namin ang dahilan kung bakit hindi pa rin ako mabuntis-buntis.
Halos gumuho ang mundo ko nang lumubas sa resulta ang dahilan kung bakit kahit pa na ilang beses na may nangyari sa amin ni Chase.
I can't believe I'm sterile. Nang sabihin sa akin "yun ng fertility specialist ay hindi tuloy ako makapag-concentrate. Wala kay Chase ang problema, kung 'di sa akin.
Baog ako.
Ibinalita namin 'yun sa buong pamilya namin na hindi ko mabibigyan ng anak si Chase dahil baog ako kaya pati sila ay hindi rin makapaniwala sa kanilang nalaman. Bakit sa dinami-rami ng pwedeng mabaog, ako pa?
Ayon sa fertility specialist kung bakit ako nabaog ay marahil may history sa family ko na kagaya ko rin na hindi magkaanak.
May dahilan din kung bakit sterile ako. Una ay baka hindi raw normal or irregular ang buwanang dalaw ko which is totoo naman. Minsan ay sobrang sakit pa ng katawan ko kapag dinadatnan ako.
May pagkakataon naman na isa o dalawang buwan akong hindi nireregla at hindi ko akalain na magiging sanhi 'yon para mabaog ako. Pwede rin ba ang dahilan ng pagkabaog ay dahil sa nasira ang fallopian tube ng isang babae at nang magpa-check up ako ay napag-alamanan naming may kaunting sira sa akin.
Kaya halos hindi ako makapagpokus kahit na anong libang ang gawin ko sa sarili ko. Sinubukan din akong i-comfort nina Mommy dahil halos nagkukulong lang din ako sa kwarto namin ni Chase.
BINABASA MO ANG
HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)
Художественная прозаHELLION 3: CHASE LAURENT PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP She was born rich, he was not. They met when they were 10 and they became childhood best friends. But he left her for a reason and he didn't have any other choice. She tried to find hi...