24

15.1K 731 292
                                    

LILIANA HELLION

9 p.m na, tahimik na ang buong paligid. Ang mga kapitbahay nina Kylo ay mga tulog na. Tunog lang ng kuliglig ang aming naririnig pero heto, gising pa rin kaming lahat at tanging si Tim lang ang tulog na ngayon sa kanilang kwarto.

Nagkayayaan din 'yung tatlo na mag-inuman sa sala ngunit hindi naman sila gano'n kaingay. Tig tatlong bote lang na sila ng beer at wala rin silang balak na magpakalasing. Hindi ko nga alam kung saan sila nakabili ng alak dahil sarado na ang mga tindahan, 'yun pala ay binili ni Kuya Lakan 'yon kanina sa bayan.

"Tapos ka na?" tanong ni Ate Imee na siyang nabungaran ko nang makalabas ako ng banyo habang pinupunasan ko ng tuwalya ang basa kong buhok.

Ngumiti ako. "Yup, hindi ko na kasi matiis ang init kaya naligo na ako," sagot ko kaya mahina siyang natawa.

"Sobrang init talaga rito kahit na may electric fan. Pero mamayang madaling araw, naku baka manginig ka sa sobrang lamig," aniya kaya ako naman ang natawa.

Habang nakatingin ako sa kanya ay hindi ko maiwasan na alalahanin ang mga narinig ko kanina. Kahit masakit, tatanggapin ko na lang siguro na hanggang magkaibigan lang kaming dalawa ni Chase.

Sa dinami-rami ng pwede kong ibigin, si Chase pa na childhood best friend ko. Kung pwede lang turuan ang puso ko kung sino ang pwede kong mahalin, eh 'di sana ay madali lang sa akin ngayon na tanggapin ang katotohanan na hindi kami para sa isa't isa ni Chase.

"Sige, maliligo na rin muna ako."

Tango ang sinagot ko kay Ate Imee.

Binigay ko sa kanya ang tuwalya dahil isang tuwalya lang ang ginagamit nila bago siya pumasok sa loob ng banyo.

Buti na lang ay binilhan ako ni Chase ng mga damit pati na rin ang mga personal hygiene ko tulad ng feminine wash. Nakakahiya dahil siya pa mismo ang bumili ng mga 'yon.

Hindi ko pinansin 'yung tatlo na umiinom ng alak sa sala. Tinaasan ko pa nga ng kilay si Kuya Lakan dahil may pangisi-ngisi pa siyang nalalaman.

Inirapan ko lang siya bago ako pumasok sa loob ng kwarto na gagamitin ko pansamantala. Nagsuklay lang ako at pinatuyo ang aking buhok.

Nang matapos ay sinarado ko na ang nag-iisang bintana sa kwartong ito at iniharang ko na rin 'yung kurtina para hindi makapasok ang mga lamok.

Sunod ko namang isinara ang pintuan at siniguro kong naka-lock ito bago ako nahiga na sa papag na gawa sa kawayan. Nilagyan lang ito ng manipis na kutson.

I let out a deep sigh bago ako nahiga. Nakatuon lang ang dalawa kong mata sa bubong na gawa sa yero. Hindi ko rin maiwasan na isipin ang lahat ng mga nangyari sa akin.

I sighed. Sana ay maging okay na ang lahat at bumalik na rin sa normal ang buhay ko. 'Yung tipong gigising ako sa umaga para maghanda na sa pagpasok sa school, 'yung makikinig lang ako sa napaka-boring na lecture ng titser namin.

Umiikot lang naman ang buhay ko noon sa bahay, eskwela at sa paghahanap kay Chase. Pero ngayon? Nakita at nahanap ko na siya. Tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para muling magtagpo ang landas naming dalawa, ngunit mukhang hindi naman kami nakatadhana para sa isa't isa.

I laughed bitterly in my mind.

Tama, nagtagpo nga ulit kami ni Chase matapos ang sampung taon naming hindi pagkikita subalit hindi kami nakatadhana.

Ngayon ay nakaka-relate tuloy ako sa isang kanta ng The Juans, pinagtagpo kami ng childhood best friend ko pero 'di kami tinadhana.

Pagak na lang akong natawa sa kakornihan ko. Mas mabuti nga na ihinto ko na lang itong pagtingin ko kay Chase at huwag na lang aminin sa kanya ang tunay kong nararamdaman para sa kanya kaysa ma-friendzone ako.

HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon