THIRD PERSON POV
Pinasadahan ni Chase ng tingin ang buong malaking bahay habang sabay silang dalawa ni Lakan na pumasok sa loob. Nangunguna sa paglalakad ang kakilala ng Kuya Lakan niya na siyang nag-alok sa kanila ng gagawin nilang raket ngayon.
Hindi napigilan namamangha si Chase, sobrang ganda at laki ng bahay na ito. Talagang masasabi niya na mayaman ang may-ari ng Mansyon na ito.
Nagkalat sa iba't ibang bahagi ng malaking bahay ang mga lalaki na sa tingin ni Chase ay mga tauhan. Nakatingin pa ang mga ito sa kanila at tila binabantayan ang kanilang kilos.
"Boss, nandito na po ang mga bago nating salta," salita ng kakilala ni Lakan ng tuluyan silang nakapasok sa loob ng malaking bahay.
Nakita ni Chase ang isang lalaking nasa mid-40's na ang edad. Prente itong nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng dyaryo.
Pinasadahan pa ni Chase ang suot nitong mamahaling rolex pero agad din niyang iniwas ang kanyang tingin doon nang pumasok ang mga lalaking nakasalubong nila kanina habang papasok sila sa Mansyon.
"Okay, buti at kumpleto na kayong lahat,," wika ng matandang lalaki bago tinupi ang hawak na dyaryo.
Tumayo ito at agad sila nitong nilapitan habang pinapasadahan sila ng tingin. Tumayo ng tuwid si Chase nang huminto ang tingin nito sa kanya. Humagod pa ang mata nito mula sa kanyang ulo hanggang paa.
"Alam niyo na ba kung anong klase ng trabaho ang ipapagawa ko sa inyo?" tanong nito kaya umiling si Chase at ganoon din ang ginawa ng ibang lalaki.
Wala talaga siyang ideya kung ano ang papasukin nilang trabaho at kung ano nga ba ang ipapagawa sa kanila. Wala namang sinabi o binanggit ang kakilala ni Lakan, basta ay sinabi lang nito na malaki at limpak-limpak na pera ang kanilang sasahurin kapag sinunggaban nila ang inaalok nitong trabaho.
At sa tingin naman ni Chase ay sinuswerte sila ngayon dahil mayaman nga ang matandang lalaki.
"Are you willing to kidnap someone in exchange for a large amount of money? Are you willing to commit a crime for more than a hundred thousand pesos?" tanong ng matanda sa kanila.
May kikidnapin sila?
'Yon ba ang kanilang tatrabahuhin?
Matalino siya, kahit na hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo ay naiintindihan naman ni Chase ang sinabi ng matanda kahit pa na ingles ito.
Taas kilay namang tiningnan ni Chase ang Kuya Lakan niya dahil pasimple itong lumapit at dumikit sa kanyang katawan.
"Ano raw sabi ng matanda? Hindi ko kasi naintindihan, ingles magsalita eh. Nasa Pilipinas naman kasi tayo, nagsasalita pa ng ingles," bulong nito.
Mahina naman niyang siniko sa tiyan si Lakan ng mapansin ni Chase na napatingin sa kanilang gawi ang mga kasama nilang lalaki.
"Ang sabi niya, magkakaroon ka raw ng malaking pera basta manahimik ka," bulong din ni Chase sa tainga ni Lakan.
"Itikom mo muna 'yang bibig mo, baka hindi tayo makalabas ng buhay rito," dagdag niya bago siya bahagyang lumayo kay Lakan.
BINABASA MO ANG
HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)
General FictionHELLION 3: CHASE LAURENT PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP She was born rich, he was not. They met when they were 10 and they became childhood best friends. But he left her for a reason and he didn't have any other choice. She tried to find hi...