30

14.6K 678 214
                                    

LILIANA HELLION

Wala pa sa isang linggo ay agad na umugong ang balita tungkol sa kasamaan ni Esteban at ng kanyang ama na si Mr. Santos. Sa unang araw pa lang nang mahuli ng pulisya si Esteban ay laman na agad sila ng balita.

Mapa-telebisyon man o dyaryo ay sila ang pinag-uusapan ng lahat. Binatikos at kinamuhian sila ng mga tao dahil sa krimen na nagawa nila, pati na rin ang pagiging miyembro nila sa sindikato.

Sa tulong ng tatlo kong ama, nina kuya at ng mga ninong kong maimpluwensya ay pinagtulungan din nilang sinibak sa pwesto ang mga awtoridad na sangkot din sa krimen na nagawa ni Mr. Santos.

Labis ang pasasalamat ko nang dininig ang panalangin ko na makulong si Esteban at ang kanyang ama. Paggising ko na lang sa umaga ay magandang balita agad ang natanggap ko galing kay Chase.

Hindi na kasi ako dumalo sa last trial ngunit binalita nilang lahat sa akin na nanalo kami sa kaso at pinarusahan ng life imprisonment sina Esteban.

Lahat kami ay naiyak sa sobrang tuwa dahil ibinalita sa TV na makukulong na nga ang mag-ama na 'yun. Nagawa rin nina Daddy Lorcan na ipa-rescue ang mga kawawang bata na hawak nina Mr. Santos.

Natanggalan na ako ng tinik sa dibdib dahil sa parusang ipinataw kila Esteban at Mr. Santos. Makakatulog na kami nito ng mahimbing.

"Mabubulok na rin sila sa kulungan," tuwang-tuwang sabi ni Kuya Letifer bago niya in-off ang TV.

"Aba'y dapat lang silang mabulok sa kulungan, 'no! Kulang pa kaya 'yun!" asik ni Lola Larlee na nakahalukipkip pa ng braso.

"Wala nang mananakit at manggugulo sa 'yo," nakangiti namang turan ni Mommy sa akin kaya nginitian ko siya at niyakap ng mahigpit.

Tama si Mom, wala nang mananakit at manggugulo sa akin. Nasa kulungan na si Esteban at bumagsak na rin ang mga negosyo nila.

Hindi rin sila nagawang tulungan ng mga kamag-anak nilang nasa ibang bansa na nakatira. Tiyak na natatakot sila na baka madawit sila sa dinadalang problema at kamalasan ng mag-ama na 'yun kaya mas pinili na lang nilang manahimik at huwag makialam.

Tatlong araw na ang nakalipas nang makulong na si Esteban kasama ang kanyang walanghiyang ama. At dahil sa nangyari ay bigla na lang napauwi rito sa bansa ang ilan naming kamag-anak na naninirahan sa Stelliferous para kamustahin ang kalagayan ko.

Ang Stelliferous ay isang malawak na lugar na pagmamay-ari ng aming angkan. Halos lahat sa mga kamag-anak namin ay doon na piniling manirahan. Para ring bansa iyon kung saan malaya ang mga tao sa mga gusto nilang gawin ang kanilang gusto.

Tahimik din sa lugar na 'yun, para itong malaking isla subalit meron mga dagat at mga establisyemento. Pero ang mas nagustuhan ko sa lugar na 'yun ay doon lagi nagaganap ang wedding ng mga kamag-anak namin.

Karamihan sa pamilya namin ay doon nagpapakasal kagaya na lang sa magulang ko. Sa Stelliferous pinakasalan nina Daddy si Mom. Doon din pinakasalan ng kambal kong kuya si Ate Harmony.

Pero iilan lang ang nakakaalam sa lugar na 'yun. Madalas ding nagbabakasyon doon ang mga malapit na kaibigan ng pamilya namin.

"Hoy, Liliana. May balak ka bang kumain ng lunch ngayon?"

HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon