LILIANA HELLION
Tama ba ang narinig ko? Siya si Chase? Siya ang kababata ko? Hindi ko alam kung ilang minuto akong natigilan dahil sa sobrang gulat. Hindi ko rin alam kung ilang minuto niya akong yakap at habang tumatagal ay mas lalong humihigpit ang pagkakayapos niya sa akin na tila ayaw niya na akong pakawalan.
"No, nagsisinungaling ka lang."
Hindi ako dapat maniwala sa sinasabi niya. Paano kung niloloko lang niya ako? Paano kung ginamit lang niya ang pangalan ni Chase at nagpapanggap lang na siya ang childhood best friend ko?
Kumalas siya at mariin niya akong tiningnan. "Hindi ako nagsisinungaling, Liliana. Ako talaga ito, si Chase. Ang childhood best friend mo."
Pero umiling-iling ako. Ayoko siyang paniwalaan.
"Paano naman ako maniniwala na ikaw ang kababata kong si Chase?" matapang kong tanong sa kanya.
Ngumiti siya. "Dahil itong kwintas na suot mo ngayon ay galing sa nanay ko. Ibinigay sa akin ni nanay 'yan noon at ibinigay ko naman iyan sa iyo. 'Di ba sinabi ko sa 'yo na babalikan ko 'yan?"
Muli akong natigilan. Wala akong kahit isa na pinagsabihan kung kanino ba talaga galing itong kwintas na suot ko. Wala rin kahit sino ang nakakaalam na galing ito sa nanay ni Chase.
"Nakilala kita dahil kay Ate Harmony. Pumunta ako sa bahay ng Kuya Liam mo para humingi ng tulong dahil nasa ospital noon si Lolo Martin at wala kaming pambayad sa hospital bills. You even called me batang gusgusin," pagkuwento niya sabay tawa ng mahina.
Tama, tinawag ko siya dating batang gusgusin dahil nga sa itsura niya noong nagpunta siya sa bahay nina Kuya Liam sampung taon na ang nakakaraan. Basang-basa pa nga siya sa ulan noong mga araw na 'yon at doon kaming dalawa nagkakilala.
"Ano? Ayaw mo pa rin ba maniwala sa akin? Paano kung sabihin ko sa 'yo na ikaw 'yong aksidenteng tumirador sa puwitan ni Kuya Letifer?" wika niya pa kaya mahina akong napabungisngis.
Shit! Siya nga!
Siya nga si Chase, ang kababata ko. Isa iyon sa sikretong malupit namin na kaming dalawa lang ang nakakaalam. Aksidente ko kasing natirador sa puwit si Kuya Letifer dati kahit hindi ko naman sinasadya.
"Chase, ikaw nga..." masaya kong sambit.
Tumulo pa ang luha ko dahil sa saya. Sinunggaban ko siya ng mahigpit na yakap habang siya ay gumanti rin ng yakap.
Isinubsob ko pa ang mukha ko sa kanyang dibdib habang umiiyak ako sa kanya. Hindi ko lubos akalain na magkukrus ang landas naming dalawa at sa ganitong sitwasyon pa.
"Sorry, Liliana..." hingi niyang paumanhin.
"Hindi ko alam na ikaw ang gusto nilang ipadakip sa akin. I kidnapped you at wala akong ideya na ikaw pala ang kikidnapin ko. Ako ang nagdala sa 'yo sa ganitong sitwasyon," he added.
"Wala ring sinabi sa 'min si Mr. Santos na pangalan ng kikidnapin namin. Ipinakita lang niya sa 'min ang litrato mo at hindi ko talaga alam na ikaw si Liliana. Hindi kita namukhaan kaya patawarin mo ako," he explained.
Nangunot naman ang noo ko sa pangalan na binanggit niya. Mr. Santos? Don't tell me na 'yung matandang lalake na nakausap ni Kuya Letifer ang tinutukoy niya? Agad akong kumalas at nagtataka siyang tiningnan.
"Mr. Santos? 'Yung matandang lalaki? Siya ang nag-utos sa inyo na kidnapin ako?"
Tumango siya. "Siya nga. Bakit? Kilala mo ba si Mr. Santos?"
"Not really. Nandoon siya sa birthday party ko at nagpakilala siyang si Mr. Santos. Sinabi rin niyang isa siya sa mga business partner nina Daddy."
Huminga ng malalim si Chase at masuyong pinunasan ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)
General FictionHELLION 3: CHASE LAURENT PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP She was born rich, he was not. They met when they were 10 and they became childhood best friends. But he left her for a reason and he didn't have any other choice. She tried to find hi...