LILIANA HELLION
Masaya ako, sobrang saya ko na halos gusto ko ring tumalon dahil kasama ko na sina Daddy. Nakahinga na rin ako ng maluwag at nabunutan ng tinik sa dibdib dahil nandito na sila sa tabi ko at ramdam kong safe na ako.
Wala nang mananakit sa akin. Panatag na rin ang kalooban ko dahil alam ko at nakasisiguro ako na hinding-hindi hahayaan nina Daddy Lorcan na mapahamak muli ako at makuha ni Esteban.
Kasalukuyan na kaming nakasakay sa private plane na pagmamay-ari ni Ninong Samael. Sa awa ng Diyos ay ligtas kaming lahat na nakaalis sa Davao at walang Esteban na sumulpot.
Sabagay ay hindi rin naman sila agad makakalapit sa amin dahil napapalibutan kami ng mga tauhan ni Ninong Samael at Ninong Palermo na kapwa mga armado pa. May kasama rin kaming mga pulis na nakapang-sibilyan na damit para ligtas nila kaming ma-escort pabalik sa Maynila.
Habang nasa private plane kami ay hindi ko mapigilang magkwento kina Daddy. Umiiyak at nanginginig pa ako habang kinukwento ko sa tatlo kong ama at kina ninong kung paano ako muntik nang halayin ni Esteban.
Galit na galit sila nang kinuwento ko sa kanila iyon. Si Papa Lycus nga ay halos gusto nang manuntok sa sobrang galit niya. Hindi rin maiwasan ni Ate Imee na umiyak nang malaman niya ang kinahinatnan ko sa kamay ni Esteban dahil ramdam niya at naranasan din niya iyon.
Kaya naman sabi ni Ninong Arawn ay pwede kong sampahan ng kaso si Esteban bukod sa pagkidnap sa akin. Hindi ko rin pinalampas na ikwento ang sinapit nina Kylo at Ate Imee noong mga bata pa lang sila lalo na ang pagkawala ng magulang nila sa kamay ni Mr. Santos. Hindi na rin maiwasan nila Ate Imee na magkwento kaya mas lalong dumoble ang galit nina Dada.
Malaki ang kapit ng tatlo kong ama at ng mga ninong ko sa awtoridad kaya nag-utos sila agad na ipahuli ang iba pang kasamahan ni Mr. Santos. At dahil ilang taon na pa lang nag-iispiya si Kylo kay Mr. Santos ay alam na alam niya kung saan matatagpuan ang bodega ni Mr. Santos kung saan doon nagaganap ang masama nilang gawain.
'Yung mga kasama naming pulis ay agad tumawag sa mga kasamahan nila sa Maynila at nag-utos para sa gagawin nilang oplan operation. Balak nilang hulihin lahat ng mga miyembro ng sindikato, at syempre, balak nilang i-rescue ang mga kawawang bata na ginagamit ni Mr. Santos sa masama niyang kalakalan lalo na 'yung mga biktima ng human trafficking.
Nangako rin sa amin sina Ninong Samael na tutulungan niya kami na ipakulong si Mr. Santos at si Esteban. Patung-patong na kaso na ang haharapin ng mag-ama na 'yun. Sisiguraduhin nina Daddy Lorcan na sa kulungan na mabubulok at mamamatay ang mag-ama na 'yon.
Masaya rin ako dahil nangako sina Daddy na tutulungan nila si Kylo at Ate Imee na makamit ang hustisya laban kay Mr. Santos. Para sa gayon ay matahimik na ang magkapatid at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng magulang nila.
Sobra-sobra ang pasasalamat nila kina Daddy nang sabihin nilang tutulong sila. And of course, tatayong witness sina Kylo at Ate Imee. Tatayo ring witness si Chase at Kuya Lakan para tuluyang makulong sa bilangguan si Mr. Santos at Esteban.
Napag-alaman na rin ng tatlo kong ama na si Chase mismo ang kumindap sa akin noong birthday party ko at kasama rin si Kuya Lakan sa pagkidnap sa akin. Pero inamin naman nilang wala silang kaalam-alam na ako ang ipapakidnap ni Mr. Santos at dahil tinulungan nila akong makatakas sa bahay na pinagdalhan nila sa akin ay hindi na sila kakasuhan.
Tiyak na wala ng laban at kawala ang mag-ama na iyon dahil may pinanghahawakan na ebidensya si Kylo laban sa mag-ama na 'yun. Sinabi ni Kylo sa amin na habang nag-iispiya siya at nagpapanggap bilang Jimmy ay palihim niyang kinukuhanan ng litrato at video ang mga ginagawa nina Mr. Santos.
BINABASA MO ANG
HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)
General FictionHELLION 3: CHASE LAURENT PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP She was born rich, he was not. They met when they were 10 and they became childhood best friends. But he left her for a reason and he didn't have any other choice. She tried to find hi...