LILIANA HELLION
Nagising na lang ako na nakahiga na sa kama. Ang dalawa kong kamay ay nakagapos din sa head rest nitong higaan na gawa sa bakal. Sinubukan ko itong tanggalin pero masyado itong mahigpit. Bukod pa roon ay isa pa 'tong kadena. Meron itong padlock kaya kahit na ano ang gawin ko ay hindi ko ito matatanggal.
Napamura na lang tuloy ako. Sinong kutong lupa kaya ang may gawa nito? Malinaw naman sa akin na kidnap ito.
Ano ba'ng kailangan nila sa akin?
"Hoy! Mga kutong lupa! Pakawalan niyo ako rito!" ubod kong lakas na sigaw para marinig ako ng kung sinumang tao sa labas ng kwartong ito.
Hindi gaanong kalakihan ang silid na ito. Sapat lang din ang mga kagamitan na meron dito. May maliit na TV, kama, kabinet, banyo at nag-iisang upuan na gawa sa kahoy.
Wala akong ideya kung nasaan ako ngunit pansin ko sa labas ng bintana na madilim pa. Pinilit ko rin na maging matapang dahil walang mangyayari kung pangungunahan ako ng takot. Pero deep inside ay nanginginig na ako sa kaba at nerbyos.
Gulong-gulo ako.
Bakit nila ako dinakip? Ano'ng kailangan nila sa 'kin? Sino ang may pakana nito? Bakit nila ako dinala rito? May nakaaway kaya sina Daddy kaya ako pinag diskitahan nila at naisip na dakpin?
Sinubukan ko pa rin na sumigaw nang sumigaw, baka sakaling may makarinig sa akin o pwedeng tumulong sa akin na makawala rito. Pinagpapawisan na rin ako dahil tanging electric fan lang ang nakatutok sa akin at sobrang init pa nitong suot kong gown.
Bago pa ako maputulan ng litid sa leeg ay tumigil na ako nang marahas na bumukas ang pintuan nitong kwarto. Niluwa n'on ang isang lalaki na kahit may suot na face mask ay mahahalata ko naman na galit na galit siya.
Sobrang talim pa nga ng tingin niya sa akin. Siya rin iyong lalaking may peklat sa noo. Ano kayang nangyari sa kanya kaya siya may peklat? Siguro ang kulit nito noong bata pa siya tapos nabalentong siya hanggang sa unang bumagsak ang kanyang ulo bago ang katawan.
"Pwede ba na huwag kang maingay?" galit niyang asik sa 'kin. "Nakakarindi 'yang boses mo, eh! Ang sakit sa tainga!"
Napairap naman ako.
"Kung pakawalan niyo na lang kaya ako rito kaysa marindi 'yang mga tainga niyo?" masungit kong sagot sa kanya.
"Ano ba kasi ang kailangan n'yo sa 'kin? Bakit niyo ba ako kinidnap at dinala rito?!"
"Hinaan mo nga 'yung boses mo, sobrang sakit sa tainga!" reklamo niya. "At saka wala kaming kailangan sa 'yo, ang amo namin meron."
Talagang hindi rin siya nagpatalo pagdating sa pataasan ng boses.
Huminga ako ng malalim. "Ano ba'ng kailangan ng amo n'yo sa akin?"
"Malalaman mo rin at makikilala mo rin siya mamaya. Sa ngayon, huwag kang maingay. Dahil kapag ako na bwisit, baka pumutok ang ulo mo!" aniya na may halong pagbabanta kaya napalunok ako.
Doon ko lang napansin na may baril na nakasiksik sa tagiliran niya.
Panigurado na tigok ako nito once na mabuwisit siya sa akin kaya kahit gusto kong sumigaw at humingi ng saklolo ay mas pinili ko na lang manahimik pero may pahabol pa akong sinabi sa lalaking may peklat sa noo bago pa siya tumalikod.
BINABASA MO ANG
HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)
General FictionHELLION 3: CHASE LAURENT PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP She was born rich, he was not. They met when they were 10 and they became childhood best friends. But he left her for a reason and he didn't have any other choice. She tried to find hi...