21

13K 638 225
                                    

LILIANA HELLION

Paglabas ko sa kwarto ay si Kuya Lakan agad ang nabungaran ko. Nasa sala siya, prenteng nakaupo sa upuan na animo'y parang sarili niyang pamamahay ito. Nakangiti pa siya ng malawak na parang baliw habang hawak niya ang de-touch screen niyang cellphone na binili niya kanina sa bayan.

"Kuya Lakan, nasaan sina Chase?" tanong ko.

Inikot ko ang tingin ko sa buong bahay pero wala ang mga kasama namin. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mga sigawan at tawanan ng mga bata sa labas.

Kagigising ko lang, balak ko lang sanang umidlip pero napahaba at napasarap ang tulog ko kaya halos tatlong oras din akong tulog.

"Sina Chase ba? Nasa labas yata si Chase, tinutulungan niya si Ate Imee na mag-igib ng tubig sa poso. Si Kylo naman sinundo 'yung pamangkin niyang si Tim sa school," sagot niya na hindi tumitingin sa akin. Tutok na tutok kasi siya sa hawak niyang cellphone.

I heard na kakaiba ang school ng ibang mga probinsya tulad ng eskwelahan na kagaya ng pamangkin ni Kylo. Hanggang alas tres ang pasok ng mga estudyante at magsisimula ang klase sa umaga.

Tapos malayo pa ang school ng pamangkin ni Kylo kaya halos araw-araw itong sinusundo ni Ate Imee. Pero dahil nandito naman si Kylo, siya na ang sumundo kay Tim.

"Alam mo ba kung saan sila umiigib ng tubig?" tanong ko pa.

"Sa likod yata nitong bahay, may sarili silang poso rito, eh."

Hindi na ako nagtanong ulit at agad na akong nagtungo sa labas ng bahay. Nakita ko mula sa 'di kalayuan ang mga bata na panay pa rin sa takbuhan at habulan pero napangiti ako dahil ang saya nilang panoorin.

Nakikita ko sa mga mukha nila ang kasiyahan dahil may kalayaan silang makapaglaro. Naalala ko tuloy ang mga masasayang araw ko noong bata pa lang ako. Wala akong kahiligan sa paglalaro ng mga pambabaeng laruan tulad ng mga barbie o luto-lutuan.

Mas prefer kong maglaro ng kotse-kotsehan at baril-barilan. Kapag nasa school ako ay nakikipaglaro rin ako sa mga kaklase ko sa playground. Sa bahay kasi namin ay ako lang ang nag-iisang batang babae.

Mabuti na lang ay dumating si Chase at dahil kay Ate Harmony ay nakilala namin siya. Halos magdamag kaming naglalarong dalawa, minsan pa nga ay nakakatulog na rin si Chase sa bahay namin at okay naman iyon kina Daddy.

Nakakatuwa lang dahil mismong si Papa Lycus ang nagpagawa ng treehouse namin sa likod ng Mansyon. Hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin iyon na talagang inalagaan kong mabuti.

Pina-extend ko pa nga 'yun dahil gusto ko na mas maluwag ang loob ng treehouse namin, dahil kung sakali man na magkaroon ako ng asawa at anak, mapapakinabangan pa rin iyon ng mga magiging anak ko.

Nakakamiss din palang maging bata.

Inalis ko na lang ang tingin ko sa mga bata at nagtungo na ako sa likod nitong bahay para puntahan sina Chase. Habang papalapit ako doon ay natatanaw ko na agad si Chase na may pina-pump na bakal, sa tingin ko ay 'yun na ang poso. Ang mga lumalabas na tubig sa poso ay sinasahod niya gamit ang mga timba.

Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa kanya. Bakit ang hot niyang panoorin? Sa tuwing pina-pump niya ang poso ay nagpe-flex naman 'yung dalawa niyang muscle sa braso.

Nakita ko rin si Ate Imee na naglalaba. As usual, nakasuot ulit siya ng mahabang bestida na bulaklakin. Nangunot pa ang aking noo nang may mapansin ako. Mula roon sa harang na gawa sa kahoy ay may mga babaeng nakatayo at mga nakasilip kaya nahinto ako sa paglalakad.

Mas lalo pang kumunot ang noo ko at kulang na lang ay magdikit na rin ang dalawa kong kilay nang makita kong mga nakatingin sila sa direksyon ni Chase. 'Yung isa pa ngang babae ay kinuhanan pa ng litrato si Chase, naka-on pa 'yung flash ng cellphone niya.

HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon