17

14.8K 684 315
                                    

LILIANA HELLION

Malaki ang pasasalamat ko na walang napansing kahina-hinala sina Jimmy at Kuya Lakan ng magising silang dalawa. Umakto rin kami ni Chase na parang walang nangyaring kababalaghan kaninang madaling araw pero 'yung ngitian niya ngayon, ngiting tagumpay.

Mabuti na lang ay nakabihis na ako bago pa magising ang dalawa naming kasama. Tulad ng pinag-usapan nila kagabi, nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad bago pa sumikat ang araw.

"Malapit na tayo sa kalsada," salita ni Jimmy dahil siya ang nangunguna sa paglalakad. 

Kasunod niya si Kuya Lakan na sa wakas ay hindi na ulit nagreklamo habang ako ang nasa likuran niya at si Chase naman ang naglalakad banda sa likuran ko. Mula sa 'di kalayuan ay tanaw ko na ang sementadong kalsada. Nakikita ko na rin na may mga sasakyan na dumadaan.

"Buti na lang malapit na tayo," masayang turan ni Kuya Lakan. 

Kahit ako ay masaya rin dahil sa hinaba-haba ng nilakad namin ay malapit na rin kaming makarating sa kalsada. Pasikat na rin ang araw kaya lumiliwanag na ang paligid namin.

Mahina pa akong natawa dahil nag-unahan pa 'yung dalawa naming kasama para makarating lang agad sa kalsada. Ngayon ko nga lang din na realize na parehong may bitbit na bag si Jimmy at si Kuya Lakan. Bakit hindi ko 'yon napansin kagabi ng tumakas kami?

"Kumusta ang pakiramdam mo?"

Nabaling ang atensyon ko kay Chase nang magsalita siya. Naramdaman ko pa ang braso niyang pumulupot sa beywang ko at mabilis niyangang nantilan ng halik ang tuktok ng ulo ko.

"Medyo masakit na ang dalawa kong paa sa paglalakad," pag-amin ko sa kanya kaya napatingin siya sa dalawa kong paa. 

Nakayapak lang ako kagabi kaya medyo narumihan at nagasgasan na ang paa ko pero kanina bago kami umalis ay pinasuot ni Chase sa akin 'yung sapatos niya kahit na maluwag ito.

Siya ngayon ang nakayapak pero hindi siya nagreklamo.

"Huwag kang mag-alala, bibilihan kita agad ng sapatos at pamalit mong damit. Masyadong maikli ang suot mo," aniya bago niya muling tinuon ang kanyang tingin sa nilalakaran namin.

"Maikli? Hindi naman, ha?"

Tiningnan ko pa ang suot kong dress, ang haba nito ay hindi lalampas sa tuhod ko pero masyado itong hapit sa akin kaya kitang-kita ang magandang kurba ng aking katawan.

"You should wear jeans or jogging pants, or something where you feel comfortable," wika niya.

"Ayokong may makakita sa maputi at makinis mong legs. Baka piyestahan lang ng mga lalaki 'yan at mabusog pa ang mga mata nila," dagdag niya. Nahihimigan ko sa boses niya ang pagiging overprotective.

"Bakit naman? Wala naman sigurong masama kung magsuot ako ng mga ganitong klaseng dress," nakataas-kilay kong sagot.

He sighed. "Masisisi mo ba ako kung masyado akong protective? Gusto ko na ako lang ang nakakakita sa makinis mong legs. Hindi mo na rin kailangan na magsuot ng mga damit na masyadong hapit sa katawan. Alam ko naman kung gaano ka-seksi kaya hindi mo na kailangang ipalandakan."

Nag-init ang magkabila kong pisngi.

Mahina pa akong suminghap ng hapitin niya ang aking beywang palapit sa kanyang katawan. Hindi naman siya ganito, bakit parang ang clingy niya? Idagdag pa na parang good mood siya.

Dahil ba sa naganap na masarap na kababalaghan kaninang madaling araw? Sa tuwing naaalala ko 'yon ay nakakaramdam ako ng hiya dahil kahit may kadiliman kaninang madaling araw ay alam ko na nakita pa rin mismo ng dalawang mata ni Chase ang hubad kong katawan.

HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon