11

14.9K 687 228
                                    

LILIANA HELLION

Dahil sa inis ni Esteban kaya inutusan niya ang mga tauhan niya na ibalik ako sa kwarto at muling ikulong. Galit na galit siya dahil hindi ako nagpasindak sa kanya. Nanggagalaiti siya dahil buong akala niya na kapag kinidnap niya ako ay matututunan ko na siyang mahalin.

Hindi ako tanga at mas lalong hindi rin ako baliw para pilitin niya akong mahalin siya. Bakit ba hindi siya marunong makaintindi? Bakit hindi niya magawang tanggapin na kahit kailan ay hindi ko siya magagawang mahalin?

Isang masamang tingin ang ipinukol ko sa walanghiyang Jimmy na iyon nang marahas niya akong itulak papasok sa loob ng kwarto. Muntikan pa akong mapasubsob sa sahig, mabuti na lang ay nagawa kong ibalanse ang katawan ko.

Kapag ito tinirador ko, sigurado na buong mukha niya ang magkakaroon ng peklat. May pa-facemask pa siyang suot, akala mo naman pogi.

"Sige, ikaw nang bahalang magpakain sa babaeng 'yan!" utos niya ng kay Chase bago siya tumalikod at umalis.

Pumasok si Chase na may dalang mga pagkain. Dahil sa nagalit si Esteban sa akin kanina kaya nasira ko ang maganda niyang mood. Pinaalis niya ako sa harapan niya kaya hindi ko na sila nagawang sabayang kumain ng almusal.

Inilapag lang ni Chase sa coffee table ang mga pagkain bago niya sinara at nilock ang pintuan. Pagkatanggal niya sa suot niyang facemask ay agad niya akong nilapitan.

"Okay ka lang? May masakit ba sa 'yo?"

Nakikita ko sa kanyang mukha ang pag-aalala. Tiningnan din niya ang braso ko kung saan mahigpit akong hinawakan ni Esteban kanina. Buti na lang ay agad siyang inawat ng ama niya kaya hindi rin natuloy 'yung akma niyang pananampal sa akin.

I nodded. "Okay lang ako."

Tumaas ang isa niyang kilay. "May pasa ka na, hindi pa rin ba ito sa iyo masakit?"

Tama siya, may pasa na ako sa braso. Namumula rin ito dahil bumakat ang kamay ni Esteban sa braso ko.

"Okay lang 'yan, malayo naman iyan sa bituka kaya hindi ako matitigok," biro ko at nginitian siya para maipakita ko sa kanya na okay lang ako.

Nanatili namang seryoso ang gwapo niyang mukha at tila mas lalo pa siyang nag-alala sa akin. Napabuntong hininga na muna siya bago niya ako pinaupo sa gilid ng kama.

"Kasalanan ko ito. Hindi ko akalain na gano'n pala ka-obsessed si Esteban sa iyo." Nahihimigan ko sa tinig niya ang pagsisisi.

"Huwag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan para makatakas ka. Pupunta kami ni Lakan sa bayan para mamili. Hintayin mo lang ako at ako nang bahala sa mga planong gagawin natin," dugtong niya kaya tumango ako.

May tiwala ako kay Chase.

Alam ko na gagawa siya ng paraan para maitakas niya ako rito at makabalik ako kina Daddy. For sure ay nag-aalala na sila, lalo na si Mommy. Sinundan ko lang ng tingin si Chase nang kunin niya ang mga pagkain.

"Mag-almusal ka na muna. Hindi ako pwedeng magtagal dito sa kwarto, baka magtaka sila lalo na si Jimmy."

"Oo nga pala, paano rin pala napadpad si Kuya Lakan dito?" tanong ko nang maalala ko si Kuya Lakan.

HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon