LILIANA HELLION
Ngayon ko lang napagtanto na sobrang nakakapagod din pala ang ngumiti. Buti na lang ay natapos din ang mahabang speech nina lola upang pasalamatan ang mga dumalo ngayong gabi.
Pagkatapos niyon ay saka sa akin lumapit ang mga bisita para personal nila akong batiin. Tuwang-tuwa pa sila nang lapitan nila ako, ang ibang mga babae na kahit hindi ko kilala at ngayon ko lang nakita ay feeling close agad sa akin.
Nakita ko rin sina Lolo Guillermo kanina, ang saya ko kasi lahat ng mga kamag-anak namin ay dumalo ngayon sa birthday party ko.. Ang iba ay hindi ko kilala at mas lalong hindi rin sila pamilyar sa 'kin.
Masaya rin ako na dumalo si Ate Dalisay kasama ang buo niyang kaanak, ngunit hindi naman makakadalo si Kuya Lakan. Ang sabi ni Ate Dalisay ay may importanteng raket daw si Kuya Lakan ngayong gabi at malaki raw ang sasahurin niya sa raket na iyon.
Naiintindihan ko si Kuya Lakan, talagang kumakayod siya para sa mag-ina niya lalo na sa pangangailangan ng anak nila.
"Kaya mo pa ba? Hindi ka pa ba nangangawit diyan?" Si Kuya Letifer na natatawa pa.
Nakahawak ako sa braso niya at siya ang kasama ko ngayon para kung sakaling may lumapit sa 'min ay siya agad ang nakikipag-usap sa kanila.
Si Daddy ang kasama ko kanina pero may pinuntahan lang sila saglit kasama sina Dada at Papa. Maraming bisita ngayon dito sa venue kaya hindi ko na sila makita kung nasaan na sila. Pati sina lola ay hindi ko na rin mahagilap, siguro ay nakikipag-chikahan na siya sa mga kumare niya.
Nakasimangot kong tiningnan si Kuya Letifer.
"Ano sa tingin mo, Kuya? Kanina ko pa gustong umuwi. Ang sakit na rin ng paa ko. Kung bakit ba kasi pinag-high heels pa nila ako."
Tinawanan niya ako.
Gusto ko na talagang umuwi. Kahit hindi pa ako nagtatagal dito ay ramdam ko na agad ang pagod. Idagdag pa itong suot kong gown na hindi ko akalain na medyo mabigat pala.
Nananakit na rin ang dalawa kong paa dahil panay ang tayo ko upang kausapin ang mga bisita na lumalapit sa akin. Ayoko ring magmukhang bastos kung hindi ko sila papansinin o kakausapin.
"Don't worry, uuwi ka rin naman agad. Baka mamaya ay nandito lang sa tabi-tabi ang secret admirer mo."
"Stalker. Stalker ko siya," paglilinaw ko.
Stalker dapat ang itawag sa lalaking 'yon at hindi secret admirer. At saka hihintayin ko na lang sina Dada, naisipan kasi nila na pagkatapos kong mag-blow ng candle ay saka na ako uuwi sa bahay. Sabagay, sila naman ang nakaisip na magkaroon ako ng birthday party at hindi ako.
"Stalker na kung stalker. But he's creepy, isn't he? Kinukuhanan ka niya ng litrato kahit saan ka pa magpunta at tapos ipapadala niya sa iyo. I will never forgive whoever that man is, if he takes a picture of you naked." May galit sa tono ng boses niya.
"I will hunt him down no matter what happens if he does something bad to you, little sis. I will cut off his dick if he tries to touch you. Talagang papatayin ko siya sa bugbog kapag nalaman ko kung sino ang lalaking 'yon!" dagdag ni Kuya Letifer.
Ramdam ko ang panggigigil niya. Umaandar na naman ang pagiging overprotective niya sa akin. Kahit kay Ate Storm at sa anak niya ay ganyan din si Kuya Letifer. He is ready to protect his love ones.
"Alam mo, kuya? Ganyan siguro ang nangyayaring epekto kapag under ka sa asawa mo. Buti si Ate Storm ang naging asawa mo," na sabi ko na lang dahilan upang sumimangot siya.
What? Totoo naman, ha? Under talaga siya kay Ate Storm. Wala nga siyang palag kapag nag-aaway sila ni Ate. Hindi naman sila palaging nag-aaway, pero lagi naman siyang taob.
BINABASA MO ANG
HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Published Under GSM)
General FictionHELLION 3: CHASE LAURENT PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP She was born rich, he was not. They met when they were 10 and they became childhood best friends. But he left her for a reason and he didn't have any other choice. She tried to find hi...