Humahagulhol na tinakbo ni Anna ang kanyang bahay. Alam niyang wala siyang karapatang magselos o ang magalit sa nasaksihan ngunit sadyang masakit para sa kanya ang lahat.
Alam niyang wala siyang karapatang pigilan si Adam kung sinuman ang gustuhin ng binatang ipalit sa kanya. Isa pa, hindi naging sila kahit pa mahal nila ang isa't-isa. Masyado lang siguro siyang possessive at inasahan pa niyang siya pa rin at hindi na magnanais ng iba si Adam.
DALI-DALI niyang binuksan ang gate at tinungo ang main door, ngunit bago pa man siya makapasok ng tuluyan sa loob ay may nagtakip ng kanyang bibig at pilit siyang dinala sa loob ng kanyang sariling bahay.
Nabalot siya ng takot kaya nagpumiglas siya ng buong lakas at nagtagumpay naman. Tumakbo siya palayo saka hinarap ang lalaking ngayo'y nakaharap sa kanya't nakapamulsa pa na parang walang nangyari.
Napakaguwapo ng lalake at palagay niya'y may lahi itong Amerikano. Sing tangkad ito ni Adam at halatang alagang gym din ang katawan. Napansin niyang berde ang mga mata nito. Naka black t-shirt at maong pants ito na lalong nagpalakas sa appeal nito.
"W-who are you? W-what do you want?" Hinihingal at sunod-sunod niyang tanong. Nanlamig ang mga kamay niya sa kaba at takot.
Itinaas ng lalake ang mga kamay na parang sumuko sa kung ano. "Relax, Anna. I won't do anything to you. Easy." Nakangiting wika ng lalaki ngunit wala siyang tiwala dito.
Dinampot ni Anna ang walis tambo na malapit sa hagdan at itinutok iyon sa lalaki bilang armas. "Go out or I'll shout for help!"
"Come on, let's talk for a while. I know you've got some explanations why you switched places with your twin before. You see, I know your real identity but trust me I'm a friend." Namilog ang mga mata ni Anna.
Napansin ng lalaking nanginginig na ang mga kamay niya ngunit palaban pa rin ang kanyang ekspresyon. Unti-unting lumapit sa kanya ang lalaki kaya napaatras siya hanggang sa muntik na siyang matumba, buti na lang ay nasalo siya nito.
"What are you doing?" Napatingin silang dalawa sa nagsalita. Si Adam, at umiigting ang panga nitong nakatingin sa kanila.
Itinulak niya ang lalake at binitawan naman siya nito. Iniwas niya ang tingin kay Adam. Ayaw niyang ma-misinterpret ng ninuman ang nangyari lalo na ni Adam, ngunit naalala niya ang nangyari kanina sa nirentahan nitong bahay kaya binalewala niya kung anumang isipin nito.
"Hey, bro Adam. I missed you. How do you do?" Bati ng lalaki kay Adam kaya napaangat ng tingin si Anna sa mga ito. Magkakilala pala sila?
"Xerxes, why are you here? What are you doing inside her house?" Sunod-sunod na tanong ni Adam dito. Halatang naiirita ito sa presensya ng lalaking tinawag nitong Xerxes.
"Chill, bro. Sa tinagal-tagal nating 'di nagkita yan lang ba sasabihin mo? Move on man-"
"What do you want?" Putol ni Adam dito.
Nagseryoso ang mukha ni Xerxes at tumingin sa kanya. Kinabahan siya bigla.
"I'm here for my future sister-in-law. No wonder why you loved her so much, she's so innocent and pure yet mysterious." He smirked saka binalik ang tingin kay Adam.
"Pwede bang sa labas na kayo mag-usap?!" Bulyaw niya. "Magpapahinga na ako. Please shut the door as you go out. Thanks." umakyat na siya sa kanyang kwarto.
Naramdaman niyang sumunod sa kanya si Adam kaya binilisan niya ang pag-akyat.
"Anna, nothing happened. She just went in when I-" she slammed the door shut. "Please, Anna..."
"Bohoho. Lover's quarrel?" Malakas na boses ni Xerxes.
Adam glared at him. Muli niyang tiningnan ang pinto at sinuyo ang dalaga. "I hope I could talk to you later, Anna. I won't let this day end without explaning everything to you. She's nothing but my past. I'll be back." He said bago tuluyang umalis sa harap ng pinto.
![](https://img.wattpad.com/cover/284551453-288-k973427.jpg)
BINABASA MO ANG
My Innocent Pretender
RomanceAdam Lim and Anna Liza Villa's Story "It's been 6 years, my love. 6 years, 3 months and 20 days to be exact since you're not here by my side. 6 years, 3 months and 20 days since you died..." pagluluksa ni Adam sa pinakamamahal niyang si Anna. The...