(Flashback)
"Tama, dito lang ako sa kwarto para hindi kami masyadong magkita. That way, hindi ko siya masyadong makikita. May bathroom, may ref, may library, nandito lahat ng kailangan ko para maka-survive ng 1 year!" Masaya at determinadong sabi ni Anna sa sarili habang nililibot ng tingin ang kanyang napakalaking silid.
Halos pagabi na kaya nagugutom na siya. Tatlong oras na mula nang dumating siya sa villa ni Adam. Pinayagan siya ni Adam na mag-ayos ng kanyang mga gamit ng mag-isa para makapagpahinga muna.
"Anna, it's me. Are you awake?." Tinig ni Adam sa likod ng pinto matapos kumatok ng tatlong beses. "I cooked something. Come, let's eat." dagdag nito.
Lalo siyang nagutom nang banggitin nito ang tungkol sa pagkain. Napaisip siya kung anong mga pagkain naman kaya ang niluto nito para sa kanya. Then, she shrugged the idea of imagining Adam's food para mapanindigang hindi siya masyadong makikipagsalamuha sa binata.
"I'm not hungry, thanks." Sagot niya saka nagpakawala ng ingay ang kanyang gutom na tiyan. Napangiwi siya at tahimik na nagdasal na sana'y hindi iyon narinig ni Adam... nang marinig niyang tumawa ng mahina ang binata.
"Yeah, sure. So where do you want to eat? Dining room or your ro-"
"Sa labas!" Putol niya dito, at dali-daling binuksan ang pinto.
Namula ang kanyang mukha sa hiya. Napayuko lamang siya nang magtama ang kanilang mga mata at sinabing, "I-I mean d-dining room, of course." Pilit niyang iniwas ang tingin dito.
"Oh, right. I cooked my favorites but I hope you find those to your liking." nakangiting sabi ni Adam saka sila nagtungo sa sala.
Iba't-ibang masasarap at mamahaling pagkain ang ngayo'y nakahain sa kanilang mesa na siyang lalong nagpagutom sa kanya. Nakatayo lamang niyang pinagmamasdan ang mga ito kaya naghila si Adam ng silya saka siya umupo at tumango dito bilang pasasalamat.
"Ikaw ang nagluto nito lahat?" Pagkamangha niya. Hindi niya mapigilang mapakagat-labi sa sarap ng mga pagkaing nakahain sa kanilang mesa.
Napalunok si Adam nang mapansin ang reaksyon niya saka sumagot, "Y-yeah, though I only cook once in a while or only when I'm home." Nakangiting sagot nito. "Enjoy the food. Tell me from now on what you want to eat and I'll cook them for you." sabi nito na tila nagpakilig kay Anna.
'Cook them for you?' Namula si Anna nang paulit-ulit itong niri-replay ng kanyang isipan. Para silang bagong kasal ni Adam.
'Wait, Gosh, bakit ako kinikilig?! Stop it Anna! Baka paraan niya lang ito para bumigay ka! Tandaan mong nandito ka para lang tapusin ang isang taon at makalaya si Rae sa kasunduan ng pamilya nila!' Paalala ni Anna sa sarili habang umiiling.
"Don't you like the food?" Pagtataka ni Adam na tumigil sa pagsubo ng crab meat.
"Oh, I'm sorry. Gutom lang siguro ako. Thank you for the food!" Pagtanggi niya.
Isa-isa niyang tinikman ang mga nakahaing pagkain at sarap na sarap siya sa mga ito. Hindi maitago sa ekspresyon ng kanyang mukha ang pagkatakam sa mga pagkaing nasa harap at tila ba nakalimutan niyang may kasalo pala siya sa mga oras na iyon.
Tuwang-tuwa naman si Adam habang pinagmamasdan siyang sarap na sarap sa mga niluto nito.
Matapos kumain ay sabay nilang niligpit ang kanilang mga pinagkainan. Tila natural lang kay Adam ang mga ganitong gawain na lalong nagpahanga kay Anna sa binata. Para itong hindi anak-mayaman sa kanyang mga kinikilos.
Aabutin na sana ni Anna ang pinaglagyan ng naubos na tofu nang maramdaman niya ang kamay ni Adam. Nagkatinginan sila, ngunit agad ring binawi ang kanilang mga kamay. Kapwa sila napayuko sa hiya dahil sa nangyari.
BINABASA MO ANG
My Innocent Pretender
RomanceAdam Lim and Anna Liza Villa's Story "It's been 6 years, my love. 6 years, 3 months and 20 days to be exact since you're not here by my side. 6 years, 3 months and 20 days since you died..." pagluluksa ni Adam sa pinakamamahal niyang si Anna. The...