Chapter 15

4 1 0
                                    

(Flashback)

"Please don't blame yourself, sis." malungkot na wika ni Rae sa nagluluksang kapatid at nag-side hug bilang pakikiramay. Nag-side hug din ang nagluluksang si Kim kay Anna.

Katatapos lang ilibing ng kanilang tiya Mina sa isang pribadong sementeryo kung saan nakahimlay din ang yumaong asawa nito.

Hindi man nakasama ni Rae ng matagal ang tiya Mina nila ay napalapit na siya rito. Tunay nga'ng makapangyarihan ang lukso ng dugo.

Nang minsang ilipat ito sa States upang ipagamot ay nasurpresa siya nang makilala agad siya ng tiyahin. Hindi siya sigurado kung dahil ito sa kanyang pananamit at make-up pero tuwang-tuwa siya nang tawagin siya nito sa kanyang pangalan. Anna Rae. Tandang-tanda niya pa ang pagkakabigkas maging ang mga ngiti nito sa kanya.

She hired the most capable doctors for Mina but was only able to prolong her life a bit.

Sabi ni Kim, bestfriend ni Anna na personal na nag-alaga sa tiyahin nila kasama ang dalawang caregiver, kinakausap niya raw noon si Anna sa telepono ng patago upang hindi mag-alala si Mina sa nangyari kay Anna- unang beses din na pagsagot ni Anna sa tawag niya buhat ng malaman niyang niloko ito ni Adam.

Nang sa wakas ay ikinuwento na ni Anna ang mga pighati nito ay palihim pala na nakikinig si Mina sa usapan nila. Nagulat na lamang daw si Kim nang may bumagsak sa sahig at nagulat nang makilalang ang tiyahin pala ito. Nabahala siya dahil tila inaatake ito sa puso. Napansin din niyang hirap na hirap na ito sa paghinga at para bang umiiyak na bago pa man ito bumagsak sa sahig.

Agad na sumaklolo ang dalawang caregiver nito ngunit nang subukan niyang kausapin ang matanda ay pabulong lamang nitong sinambit ang mga salitang, "Patawad, Anna." saka tuluyang binawian ng buhay.

Ayon naman sa mga caregivers, nagpaalam umano si Mina na maglalakad-lakad lang sa malapit ng walang alalay kung kaya't sinundan-sundan lamang nila ito. Napansin nilang huminto lamang ito malapit sa kinauupuan ni Kim bago bumagsak sa sahig.

Palagay ni Kim ay narinig ng tiyahin ang pag-uusap nila, at sinisisi nito ang sarili sa sinapit ni Anna.

Gayun din ang palagay ni Anna sa nangyari dahilan kung bakit niya rin sinisisi ang sarili sa pagkawala ng tiyahin.

Maaaring kung hindi lang sana nagkasakit ang kanyang tiyahin ay hindi na sana niya sasapitin ang pagkabigo sa pag-ibig. Hindi sana niya makikilala sa Adam, hindi iibig, aasa at maloloko lamang nito. Ngunit kung hindi rin ito nangyari ay baka hindi rin maisalba si Rae sa sakit nito sa puso.

Too much has happened. And Anna doesn't want to loose another loved one just because of her stupid feelings for someone who doesn't even know her real identity. She must move on and focus on what matters the most, even if it means na kailangan na niyang kalimutan si Adam- ang tanging lalaking gusto niyang makasama habangbuhay kahit pa niloko siya nito.

She can't be that weak anymore! She must make herself be the Anna who would care nothing but only what's ahead of her with her sister, Rae- her only biological family left. She can't afford to waste any more time for her heartbreak so she must burry everything about the man she loved. Anna thought to herself.

----------

"Sasama na ako sa inyo sa States." pasya ni Anna habang nakatitig lang sa bintana ng sasakyan. Napalingon sina Cedrick, Rae at Kim sa kanya. Tuwang-tuwa ang lahat sa kanyang desisyon.

Maybe it would be faster to foget Adam there. Sabi ni Anna sa sarili.

"Good. We're happy you finally decided to. Ipapakilala ka namin kina Mommy at Daddy pagdating natin doon. I'm sure you'll forget everything that's been bothering you here." masayang tugon ni Cedrick na nagmamaneho ng sasakyan.

"We'll be together finally! I'm not gonna miss you again! " malambing na sabi ni Rae saka niyakap ang katabing si Anna.

"Tama 'yan Anna. E-enjoy mo lang ang buhay. Masaya ako at nakapasya ka na." nakangiting wika ni Kim sabay hawak sa kamay ni Anna na nasa tabi rin nito.

"You can join us, Kim. Anything for my sister's bestfriend. We owe you too much to let you go just like that." Nakangiting alok ni Cedrick dito na ikinagulat ng dalaga.

"Ah wag na po, nakakahiya na." nahihiyang wika nito sabay iling.

Pansin ni Anna ang madalas na pag-uusap ng dalawa, siguro ay dahil gusto ni Cedrick na kilalaning mabuti ang bestfriend niya bilang seguridad, pero iba ang kinang na nakikita niya sa mga mata ni Cedrick sa tuwing kaharap nito si Kim. Minsan na ring na kwento ni Kim na crush nito si Cedrick.

"I think we'll be good friends as well. Join us, pretty please!" Pangungulit ni Rae kay Kim.

Napatingin si Kim sa nakangiti at tumatangong si Anna at na-overwhelm sa kabutihan ng mga ito. Wala rin naman siyang uuwian sa Santa Cecilia. Ulila na siya at ang tiyahin din ni Anna ang nagpalaki sa kanya.

"Maraming salamat po!" Nahihiya ngunit masaya niyang tugon saka napayakap kina Anna at Rae.

Papauwi na sila sa mansion ni Rae at masayang nagyayakapan ang tatlong dalaga. Nasasabik sa bagong buhay nila sa States.

Be strong Anna. No one's gonna love you like you do to yourself. Leave everything behind and be happy, you deserved it! pagpapalakas ng loob ni Anna sa sarili.

My Innocent PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon