"What happened, son? Are you okay? Bakit ka sumigaw?" maluha-luhang pag-aalala ng ina ni Adam habang kinakapa nito ang kanyang makinis at maputing pisngi, pati ang kanyang matitipunong mga braso nang buksan niya ang pinto ng silid.
Namilog ang kanyang mga mata sa gulat at nagtaka sa ikinikilos ng ina. Nakatayo lamang niyang pinagmasdan ito saka naalala ang maaaring dahilan kung bakit ito kumaripas ng takbo sa kanyang kwarto.
"Nothing serious, Mom. Relax." nakangiting tugon niya sa ina.
Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at huminga ng malalim ngunit hindi pa rin tumigil sa pagluha kaya nag-alala si Adam ng husto.
"You okay? May nangyari po ba? Was the party not good?" yumuko siya upang tingnan ang ina sa mga mata.Umiling lamang ito at nagpunas ng mga luha. "I'm sorry. Akala ko kase ano ng nangyari sa'yo. Why are you still awake by the way?" usisa nito sa kanya habang nag-aalalang nakatitig sa kanyang mga mata.
Umiwas siya ng tingin sa ina at yumuko. Pilit niyang nginitian ang ina at sinabing, "I.. can't sleep?"
Naalala ni Mrs. Via ang diary ng anak. Tumingala siya upang titigang mabuti ang napakakisig, napakaguwapo at matangkad na binata. Nababakas sa mukha nito ang lungkot. Mukhang hindi ito nakakatulog ng maayos. Ngayon lang niya ito natitigan ulit ng mabuti. Tila piniga ang kanyang puso nang maalalang kay tagal na pala mula nang huli niya itong napagmasdan ng ganito.
Kinabahan siyang baka paraan na naman ito ng anak upang hindi nila mapag-usapan si Anna. Napapikit siya at huminga ng malalim upang humugot ng lakas ng loob. Saka ibinaling muli ang tingin sa binata.
"Can we talk?"----------
Pinaupo ni Adam ang kanyang ina sa sofa na nasa loob ng kanyang silid at kumuha ng maiinom. Medyo nailang siya sa sariling ina dahil akala niya'y unang beses pa lamang nitong nakapasok sa kanyang silid.
Inabot niya dito ang isang basong tubig at umupo di kalayuan sa ina. Napansin niyang tila may inaalala ito kaya napatanong siya.
"Anything bothering you? You can tell me, Mom."
Malungkot siyang tinitigan nito. Bigla siyang kinabahan. Most of the time kase ay masigla itong nag-uusisa at nakikipag-usap sa kanya patungkol sa business, mga kaibigan at mga hilig nito.
"Is there anything you want to share to me? Perhaps, about you... Your feelings... What's stressing or bothering you, Adam?" tanong nito sa kanya.
"No. Nothing. Why? What's going on, Mom?" direktang sagot niya habang umiiling na nakakunot-noo. Kinabahan siya lalo sa mga tanong nito.
Mrs. Via put her glass down on the table in front of her then held Adam's big hands. "I've been too selfish in the past. It took me a long time to realize you were all alone these years. I let you suffer alone... Patawarin mo ako, anak."
Mas lalong nagtaka at nalito si Adam sa sinabi ng ina. Nakakunot-nuo niyang pinagmasdan ito. "What are you saying, Mom? Did something happen? Do we have-"
"Anna. I know you loved her a lot. Pero di man lang kita nadamayan sa mga panahong kailangan mo ako. I'm so sorry, son." Lumuluhang tugon nito.
Hindi niya namalayan ang pagpipigil niya ng hininga nang bigla nitong banggitin si Anna. Kumirot ang kanyang puso ngunit ayaw niyang tuluyang bumigay sa nararamdaman. Sa isip niya'y baka nais lamang ng ina na magkwento siya or magtanong patungkol kay Anna.
He then tried to calm himself down ngunit hindi niya mapigil ang panginginig ng kanyang mga kamay.
"W-What are you saying, Mom?
Please stop crying, Okay? I.. I'm over with it. Let's just talk about something interesting. By the way, How's tita Mira's party?"Nakangiting pag-che change topic niya nang hindi siya madala sa kanyang emosyon at di na mag-usisa pa ang ina. He hoped it would be effective this time as well, like their usual convo.
"I've read it." nakayukong sagot ng kanyang ina habang kinakalma ang sarili.
"Yes, tell me what was it about?" sagot ni Adam habang pilit na ngumingiti sa ina, expecting he successfully managed to change the topic.
"Your diary!" pasigaw na sagot nito saka humahagulhol sa pag-iyak.
Namilog ang mga mata ni Adam sa gulat. Napanganga siya at tila naluluha. He felt like... a secret that's supposed to be burried deep within his heart was exposed.
Napayuko siya at napatulala. Then Anna's memories start flooding in his head. Nanikip ng husto ang kanyang dibdib na tila ba sasabog na ito. He could almost hear his heartbeat. Pero ayaw pa rin niyang bumigay. He made it for the past 6 years. He managed to hide it from everyone kahit sa kanyang sariling ina.
However, he struggled calming himself down. He tried to smile while reaching his Mom's hand. "M-Mom.." tears rolled down his cheeks unconsciously.
"You don't have to hide it anymore. I know everything. I have read everything kaya wag mo ng itanggi!" nagpunas ito ng luha sa mga mata saka pinisil ang kanyang mga kamay na tila nakikiusap.
"It's my fault. Kung hindi lang sana ako naging makasarili. Kung hindi lang sana ako naging ganid sa yaman at lahat, hindi ka na sana nahihirapan. I should have listened and pay attention to your suffering. I'm very sorry, anak. Please forgive me." mahigpit siyang niyakap ng ina habang lumuluha.
Hindi na rin napigilan ni Adam ang pagbuhos ng kanyang mga luha at gumanti siya ng yakap sa ina. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa puso sa mga nangyari. Bagama't naroon pa rin ang kirot ay para bang may kung ano'ng mabigat na bagay ang kumawala sa kanyang balikat.

BINABASA MO ANG
My Innocent Pretender
RomanceAdam Lim and Anna Liza Villa's Story "It's been 6 years, my love. 6 years, 3 months and 20 days to be exact since you're not here by my side. 6 years, 3 months and 20 days since you died..." pagluluksa ni Adam sa pinakamamahal niyang si Anna. The...