Anna's POV
KASALUKUYAN...
"I'm so sorry, Anna. He might investigate you now that I let him have your baby picture with Rae. I just... You know, she was so, so sad while talking to Mom and I can't..." tinig ni kuya Cedrick sa kabilang linya ng telepono.
He's referring to Adam's mother. Tumawag daw ito kay mommy Elise-kuya's biological mother at naging mommy ko na rin mula nang tinanggap ako sa pamilya. Noong isang araw, malungkot daw silang nag-usap sa telepono at umiiyak ding kinuwento ni mommy ang usapan nila kay kuya.
I didn't ask for the whole story, not like I'm not interested but kakaiba kase ang pakiramdam ko mula nang dumating si Adam sa resort namin.
He said Mrs. Lim told them Adam's on his health break. Lumala daw kase ang insomnia ni Adam. Hindi na masyadong kumikibo sa lahat at parang robot na lamang ito na trabaho ng trabaho hanggang sa makatulog o mag-umaga sa opisina, kahit sa villa nito.
My heart ached upon hearing that news. Ewan kung bakit pero pakiramdam ko, sa tono ng pananalita ni kuya ay tila naghihintay na lamang si Adam ng kamatayan dahil sa lungkot. Pero bakit? Still, hindi ako nagtanong. I decided long ago na mag-move on na at kalimutan 'tong pag-ibig ko para sa kanya.
A thing that even up to now, I have been struggling to do.
Pero sa dinami-dami pa ng lugar na pagbabakasyunan ni Adam, at sa lawak ng isla namin, dito pa talaga sa amin sa Sta. Cecilia ang napili niya. Sa Resort namin pa! Kaloka!
Is this destiny?
Maybe I'll ask kuya for the whole story next time. Not now. Not until I'm surely ready for it.
KUYA Cedrick sounds like he wants to tell me the whole conversation pero tinitimbang kung handa na ba ako sa maririnig o hindi. I like this side of him. He's so considerate. That also explains why he's struggling to find words to say to me .
"It's okay, kuya. I understand." kaswal kong sagot saka inilayo ang telepono at humikab.
Hayss... Hindi ako masyadong nakatulog kagabi kakaisip kung anong pakay ni Adam dito. Pero kinakabahan ako.
Sabi ni kuya, gusto rin daw maka-move on totally ni Adam kaya siya pinagbakasyon ni tita Via, Este Mrs. Lim. But I refused to believe that. Sinong masuwerteng babae naman kaya siya di makapag-move on?
Tsaka, ilang beses sa isang taon kaya siyang nasa news, at iba't-ibang mga sikat at magagandang babae ang kasama niya sa mga events. Tapos hindi maka-move on? Swerte naman ng babae. Pero bakit parang ang sakit? Ay, ewan!
Bakit pa kase siya pumunta rito? Kinakabahan tuloy ako. Ipakulong niya kaya ako pag nalaman niyang ako ang Anna na nakilala niya?
Naalala ko tuloy ang sabi ni tiya Mina sa'kin noon na 'Walang usok ang nakikimkim.' So, darating din ang araw na malalaman at malalaman din ni Adam ang totoo.
NAPABALIK ang atensyon ko sa kausap ko sa telepono nang magsalitang muli si kuya.
"Thank you, our princess. If he starts interrogating you, just call me, okay? We're all in this together." Panigurado niya. "By the way, are you sure you don't need the treatment anymore? Mommy's been worried about your health since you never came back here." Nag-aalalang tanong ni kuya.
Napatingala ako sa bughaw na kalangitan. Ang ganda at ang payapa. I sighed. I missed them too. Buti na lang halos buwan-buwan akong dinadalaw ni kuya dito sa Pilipinas.
"Please tell mommy I missed her so much too, pati na rin si Daddy. Maybe I'll visit them after our 3rd Anniversary sa resort. And about my treatment... wag na kayong mag-alala kuya, kaya ko na ang sarili ko." I smiled with almost teary eyes.

BINABASA MO ANG
My Innocent Pretender
RomanceAdam Lim and Anna Liza Villa's Story "It's been 6 years, my love. 6 years, 3 months and 20 days to be exact since you're not here by my side. 6 years, 3 months and 20 days since you died..." pagluluksa ni Adam sa pinakamamahal niyang si Anna. The...