Chapter 35

4 1 0
                                    

MULING nag-ring ang cellphone ni Adam. Tiningnan at tsinek nito ang caller ID at ang sekretarya naman nito ang tumatawag. Still, he did not answer it. Pansin ni Adam na tadtad na ng messages at emails ang cellphone pero hindi nito pinahalata sa lahat bagkus ay itinuon ang pokus sa kung paano sasabihin ang lahat kay Anna.

Ito ang unang pagkakataong masasaksihan mismo ng mga mata ni Adam ang pait na dinanas ng asawa all these years na wala siya sa tabi nito.

ANNA suddenly gasped kaya napalingon ang lahat sa kanya ng may pagtataka. Nakaramdam siya ng takot bigla, lalo na nang tumingin si Cindy sa screen na para bang sa kanya ito nakatingin ngayon.

Napansin ni Adam ang sandaling panginginig ng kanyang mga kamay na nakahawak dito kaya itinaas nito ang kanyang kamay at humalik sa kanyang palad.

"What's wrong, my love?" Tanong ni Adam.

Napatingin siya kay Adam dahil dito ngunit ang nag-aalalang ekspresyon nito ang sumalubong sa kanya.

Hindi niya mapigilan na medyo maluha sa napagtanto. Pinapaalala ng mga mata ni Cindy sa kanya ang mga pangyayari sa nakaraan na ibig niyang ibaon sa limot.

"S-siya ba?" Nasambit niya bago tuluyang pumatak ang mga luha. "H-her eyes... S-siya ba ang n-nagpa-kidnap s-sa'kin?" Pinunasan ni Adam ang kanyang mga luha saka siya hinalikan nito sa pisngi at niyakap ng mahigpit.

Sigurado siyang ang pares ng mga matang iyon ang huling nakita niya bago siya mawalan ng malay noong kinidnap siya sa mall.

Ang pangyayaring iyon ang puno't dulo ng mga problema nila noon. Kumalat ang mga eskandalo na patungkol sa kanya na nagdulot ng kamuntikang pagkalugi sa kompanya ng mga Lopez at maging sa kompanya ni Adam, Nagkaroon siya ng PTSD dahil sa trauma mula sa mga muntik ng gumahasa sa kanya at dahil doon ay nagkaroon din ng depresyon si Rae.

Dahil nadawit ang pangalan ni Adam, sa kadahilanang ex-girlfriend umano nito ang nagpa-kidnap sa kanya, umuwi si Rae ng Pilipinas upang makapaghiganti ngunit namatay lamang ito sa aksidente.

Dahil dito, ilang taon na tiniis ni Anna ang mawalay sa piling ni Adam dahil sinisisi niya ang sarili sa lahat. Ang akala niyang nakamit na nila ang hustisya ay akala lamang pala talaga dahil hanggang ngayon, malaya at patuloy pa rin na sinisira ng main suspect ang pamilya nila. Lalo na ang imahe niya.

KIM gasped in shock. "What? That b***h?!" Napatayo ito sa galit at napamura sa nalaman. Agad naman itong kinausap at pinakalma ni Cedrick.

Walang patutunguhan ang bugso ng kanilang damdamin sa ngayon kung hindi nito maaapektuhan ang may sala.

"I'M SORRY, hindi ko agad sinabi sa iyo. I am really thinking of ways of telling you soonest but I want you to be ready. I know you've been trying to forget the past." Adam, soothing Anna.

"Sasabihin sana namin sa inyo ang lahat, later o bukas after natin makapagpahinga, before your parents' arrival, specially you, sister-in-law. As my bro said, we need you to be ready, it's your past after all. Hahalungkatin natin ang totoong mga nangyari noon and give justice to everything. We just didn't expect things to go this way." Paghingi ng paumanhin ni Xerxes.

"It was all thanks to Xerxes, evidences are prepared to be released to the media soon, if you approve our princess and after our families' meeting. Our family needs to be informed with our plans as well para maging handa rin sila. Aside from the corruption case against her family na sinabi namin sa inyo, the real reason why we are targeting Cindy Lee is the kidnapping incident. And that she was the mastermind of it all." Pahayag ni Cedrick.

"Not only that. Their family's been targeting my people under Private investigation team since long. Marami na rin silang buhay na kinitil upang makarating sa kinaroroonan nila ngayon, just for power and wealth. Now, it's time for them to pay what's due to them." Seryosong tugon ni Xerxes.

Nag-aalala at naaawang pinagmasdan ni Kim si Anna na ngayo'y kayakap ni Adam habang umiiyak. Bilang saksi sa pinagdaanan ng kaibigan, hindi niya alam kung paano pa kinaya ni Anna ang lahat. Siya ang taga-advise nito sa lahat ng bagay pero maging siya ay hindi alam kung saan hinuhugot ni Anna ang lakas ng loob upang magpatuloy sa buhay.

Buti na lang at sa wakas ay magkapiling na ang dalawang nag-iibigang sina Adam at Anna at sa ganoon ay  kampante na siyang magiging masaya na ang kaibigan at siguro'y makakapagpapatuloy na sa pagpaplano nila ng kasal ni Cedrick.

NANGINGIBABAW pa rin sa isip ni Anna ang mga katagang: Kung naging mas matapang lang sana siya noon, kung hindi lang sana siya halos mabaliw na sa takot sa mga bangungot niya gabi-gabi na tila inuulit lamang ang mga pangyayari noong muntik na siyang gahasain ng mga di kilalang kalalakihan, kung napansin lamang sana niya agad na nagkaroon na pala ng depresyon si Rae dahil sa guilt buhat ng magka-PTSD siya, kung napigilan lamang sana niya ang pag-alis ni Rae at ang plano nitong paghihiganti sa kumidnap sa kanya at kay Adam, Di sana ay buhay pa ang kakambal niya ngayon.

Ngunit wala na siyang magagawa pa dahil hindi na mababago ang lahat kahit pa habambuhay niyang sisihin ang sarili sa nangyari. So, she composed herself at pinagmasdan ang nangungusap na mga mata ni Adam.

SEEING how stressed everyone in the room were, "Gumagabi na so I suggest that we should call it a day. We should rest. You guys can choose wherever floor and room you could sleep on." Ani Xerxes.

"Thanks, bro. Let's talk about it all tomorrow." Sabi ni Adam na ngayo'y pinupunasan ang mga luha ni Anna sa pisngi.

Tatayo na sana lahat nang magsalita si Anna. "L-love, Let's have the ceremony. Soonest." Seryosong sabi niya kay Adam.

Hindi makapaniwala si Adam sa narinig at di namalayang nagpipigil na pala siya ng hininga sa surpresa. Oo nga't registered na ang kasal nila ngunit ang marinig ito mula mismo sa bibig ng asawa ay iba ang dating sa kanyang puso.

"M-my love. O-of course. We will anytime. After this. I can't wait too, you know?" Masayang saad ni Adam at niyakap siyang muli.

"Yes, after this. Let's face the public first. Tomorrow. Then have the ceremony." Seryosong tugon ni Anna.

IPINAHAYAG ni Xerxes ang mga nangyari, at kung paano siya nakakuha ng mga ebidensya laban kay Cindy at sa pamilya nito.

Una, dahil sikat ang kumpanya ng pamilya ni Xerxes sa investigation field ay maraming mga businessman ang dumudulog sa kanila. Nang minsang tinanggap ng kumpanya ang patungkol sa reklamo para sa pamilyang Lee, pamilya ni Cindy, ay isa-isang pinatay ang mga tauhan nilang humahawak sa kaso kaya naalarma ang kumpanya at ang pamilya nila dahil halos wala nang tumatanggap ng kaso basta't pamilyang Lee ang iniimbestigahan.

Mabuti na lang at may mga iilan pa na tapat sa tungkulin at nagpatuloy sa imbestigasyon at sa wakas ay nakalikom sila ng sapat na ebidensya panlaban sa kaso ng pamilyang Lee.

Noong mga panahon ding iyon sinubukan ni Xerxes na kausapin si Adam ngunit iniwasan at binalewala lamang ng panig nito ang mga babala niya dahil sa personal na alitan ng magkaibigan noon.

Hanggang sa nabalitaan na lamang ni Xerxes ang kidnapping incident ni Anna Rae, at boluntaryong inimbestigahan ang kaso bilang pagbawi sa kasalanan sa kaibigan.

Halos mawalan na noon ng pag-asa si Xerxes at ang team niya sa paglutas ng kidnapping incident, lalo na nang maaksidente si Rae na siyang bumawi sa buhay nito.

His team was supposed to drop the kidnapping case until he saw Cedrick on an airport with Kim and with a heavily disguised and guarded lady while he was on a mission. Doon niya in-assign si Melvie upang manmanan si Cedrick at ang pamilya nito.

Nalaman nilang kakambal ni Rae si Anna ngunit nagtaka sila kung bakit hindi ito naisapubliko ni minsan. Buong akala nga ng mundo ay dalawa lamang ang anak ng mag-asawang Lopez- sina Cedrick at Anna Rae Lopez. So, para mas mamanmanan pa ng mabuti si Anna at ang mga Lopez ay nagpanggap si Melvie na interesado sa pagiging manager ng resort at nagtagumpay naman.

Sa buong tatlong taong pagiging empleyado, akala rin ni Melvie, base sa obserbasyon niya ay simpleng koneksyon lamang ang namamagitan kay Anna at sa mga Lopez hanggang sa marinig niya mismo noong nakaraan ang usapan nila ni Anna at Kim kaya agad niyang pinapunta si Xerxes sa resort at inihayag kay Adam ang kanilang mga nalikom na ebidensya at lahat na ng sa ganon ay mabulok ng habambuhay sa kulungan ang pamilyang sumira sa buhay ni Anna at ng marami pang pamilya..

My Innocent PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon