This story is work of fiction. Names, places, events and incidents are product of author's imagination and use fictitiously only.
@BlairAsria
________
"Pangit! Pangit!"
"Tomboy! Tomboy!"
Iyan ang laging asar sakanya ng ibang bata kapag siya'y nakikita.
Wala namang masama sa itsura niya, ano bang masama kung ayaw niyang maglaro ng barbie? Masiyado itong pambabae para sa kanya.
"Tomboy ka pala eh!" Saad ng isang bata sa kanya.
Hindi niya ito pinansin at nilampasan nalang ito kagaya ng nakasanayan niya.
"Hoy pangit, kinakausap pa kita, huwag mo akong talikuran." Matapang na saad ni Rimaika, isa sa mga batang laging nang-aasar sa kanya.
Wala siyang ginagawa sa kanila kaya't hindi niya alam kung bakit ganito ang trato ng mga ito sa kanya.
Hindi pa nakuntento si Rimaika at hinawakan pa siya sa braso.
"B....bitawan m...mo a...ako." Nanginginig na saad niya.
"Bakit naman kita bibitawan?"
Hindi na siya pumalag at hinayaan nalang niya kung anong balak gawin sa kanya ni Rimaika.
Para saan pa kung lalaban siya? Lalo lang siyang masasaktan.
Para sa isang batang katulad niya, wala siyang ideya kung ano ang gagawin sa kanya ng mga ibang bata. Nasanay na siya na pinagsasalitaan siya nang masasakit na salita kaya't normal na ito sa kanya.
Ngunit ang pananakit nang pisikal ay hindi normal sa kanya, hindi siya pinagbubuhatan ng kamay ng Nanay niya. Kahit kailan ay hindi siya sinaktan ng kanyang Ina.
"B....bitawan m..mo n..na a..ako." Umiiyak na wika niya.
Ngunit tila isang bingi na hindi nakinig sa kanya si Rimaika at mas lalo lang nitong hinigpitan ang hawak sa kanya, dumagdag pa ang ibang bata na hinahampas siya kung saang parte ng katawan niya.
"Anong ginagawa niyo sa kanya?" Isang seryosong boses ang pumukaw ng atensyon nila.
"Naglalaro lang kami, siya kasi ang taya." Walang pakielam na sagot ni Rimaika.
"Naglalaro? Bakit niyo siya sinasaktan?" Sobrang dilim ng mata nito, nakakatakot.
"Bakit ka ba nangingialam dito? Sino ka ba?"
Hindi ito sumagot at lumapit sa kanya. Inalis nito ang kamay ni Rimaika na mahigpit na nakakapit sa kanya.
Nahihiya siyang tumingin dito, ang kaninang nakakatakot na mata nito ay biglang lumambot ng magtama ang paningin nila. Ngumiti ito sa kanya, tanda na huwag siyang mag-alala dahil nasa tabi niya ito.
Kaagad siyang nilayo nito sa pwesto nila Rimaika.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang saad nito sa kanya.
Tumango lamang siya bilang sagot. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin.
"You sure?" Tinignan siya nito nang maigi na para bang sinusuri, "Wala bang masakit sayo?"
"S....Salamat." Sa wakas ay nasabi niya na ang gusto niyang sabihin.
Tumingin ito sa kanya at bahagyang ngumiti, "Wala 'yon, sa susunod ay lumaban ka."
Hindi siya nakasagot. Bilin ng kanyang Ina na huwag siyang mananakit ng kapwa niya, masama iyon.
"Hindi ako laging nandito para tulungan ka." Pangangaral nito sa kanya. "Ash."
Naguguluhan siyang tumingin dito. "As?"
"Hindi, ang sabi ko Ash. A S H, Ash."
"Chelle."
"Ang gandang pangalan, bagay sa magandang tulad mo."
Hindi niya alam ngunit may kung ano siyang naramdaman, ito ang bukod tanging nagsabing maganda siya.
"Mauuna na ako, Chelle." Kumaway ito at naglakad papalayo sa kanya.

YOU ARE READING
First Love (Writers Love Series #3)
RomansaThe woman who wants to feel love. Isa siya sa tinatawag na No Boyfriend Since Birth o NBSB. Kagaya ng ilang babae, gusto niyang maranasan ang magkaroon ng nobyo. Gusto niyang maramdaman ang pagmamahal ng isang lalaking handa siyang tanggapin maging...