Chapter 02

3.8K 58 0
                                    

Marami nang araw ang nakalipas at nawala na rin sa katawan ko ang pandidiri sa kaibigan. Nag-uusap na rin kami. Pero hanggang ngayon ay may something pa rin sila ni Sir Salazar.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko sakaniya nang pumasok siya sa kwarto ko. Gabing-gabi na. Namumula na ang mata niya dahil sa kakaiyak.

"Gan'to pala kasakit kapag hindi ka p-pinursue, 'no? 'Yung g-ginamit ka lang gano'n... Gan'to pala kasakit 'yon..." umiiyak niyang sabi saakin.

Kumunot ang noo ko at pinunasan ang luha niya. "Bakit? Ano bang nangyari? Anong hindi pinursue?"

Peke siyang ngumiti saakin. "Ako. Hindi niya ako pinursue. Ginamit lang niya ako..."

My brows furrowed. "Si Salazar ba?"

Tumango ito, umiiyak pa rin hanggang ngayon. "Bakit? A-anong meron sa'yo na wala saakin? Bakit kailangang ikaw pa..."

Agad kong nabitawan ang pisngi niya dahil sa mga tanong niya. "A-anong ako? Eh wala nga akong pake sa kung anong meron kayo ni Salazar, e-eh.."

"Alam mo ba?"

"Na ano?"

Huminga siya ng malalim at pinunasan ang mga luhang tumutulo mula sa mata niya. "Na ikaw ang gusto niya? Kaya niya ako cinut off ngayon?"

I smirked. "Anong ako? Hindi ako gusto no'n, Zal... Halata naman sa pakikitungo niya saakin."

"Ikaw ang gusto niya, Ezryn, kaya niya tinigil kung anong meron saamin dahil gusto ka niya..." peke siyang ngumiti saakin.

"Zal, maniwala ka man o hindi, mahal ka no'n... Yes, I hate him so much dahil sa ugaling pinapakita niya saakin, pero the way he protects you, the tone of his voice while talking to you... Mahal ka no'n..." pagpapakalma ko sakaniya.

"Hindi nga, eh!" she yelled. "Ikaw nga! Tanungin mo siya kung ayaw mong maniwala sa'kin. Call me immature pero sobrang sakit no'n, Ezryn!" she cried more.

"Sorry... pero gusto kong malaman mo na wala akong gusto ro'n... at sigurado akong hindi totoo ang mga sinabi niya." sabi ko at lumabas muna.

Hahayaan ko siyang magkaroon ng space. Siraulo kasi itong si Shiro Salazar, eh! Kung ano-ano ang sinasabi sa kaibigan ko!

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now