Nakauwi na ang parents ni Shertia kaya nagpa-alam na din ako sakan'ya. Nang makabalik naman ako ng kompanya ay nakasabay ko si Shiro na pumasok, hindi namin pinansin ang isa't isa at pumasok na lang sa loob. Ang tingin ni Ivan saamin ay pabalik-balik, kay Shiro, at saakin. Sana nga di na bumalik mata niya, eh.
Tahimik lang akong nagtrabaho buong araw at umuwi na, nakita ko pa si Tita na nagluluto ng ulam, nilapag ko ang bag ko sa lamesa at napahawak sa ulo ko, kanina pa masakit, eh.
"Musta? Ayos ka lang ba?" tanong nito sa 'kin saka naglapag ng tsaa sa tapat ko, ngumiti naman ako sakaniya kahit peke lang 'yon basta hindi niya mahahalata, ayos na.
"Kumain na po ba k-" nang makatayo ako ay bigla rin akong napaupo dahil bigla akong nahilo. Inalalayan ako ni Tita at inilagay nito ang palad sa noo ko.
"Wala ka namang lagnat, anong nangyayari sa 'yo?" tanong niya. Natatawa akong umiling at sumimsim na lang sa tsaa na inihanda niya.
It can't be, I'm using my pills, so there's no possibility that I am pregnant, and, I don't want to get pregnant by him. I don't want him to be the father of my child.
Nang makapasok ako ng opisina kinabukasan ay medyo ayos na ang pakiramdam ko dahil kompleto ang tulog ko kagabi. Walong oras ang tulog ko, kaya medyo ayos na ang pakiramdam ko, puyat lang talaga.
"Girl, nyare? Musta Pampanga feels natin beh? Masarap ba?" bungad na tanong saakin ni Zaliah, inirapan ko siya dahil sa tabas ng bunganga nito. "Heh! Yung pagkain, gaga. Sobra ka namang dirty minded!" panghuhusga pa niya.
"Sorry, Zal. I'm not interested of any jokes right
now, go, tell your jokes on yourself."Tinalikuran ko siya at pumunta muna ng restroom para mag-ayos dahil magkikita kami ni Engineer Marquez sa lupa ni Salazar sa Rizal.
"Hi." bati ng isang empleyado sa kabilang floor.
Luh, may restroom naman don, ah.
Hindi ko siya sinagot at nag-ayos na ng gamit, agaran din akong pumasok sa office ni Shiro para magpa-alam, baka kasi may ipapagawa nanaman, nakakahiya.
"Bakit ka nagpapa-alam? Sino ka ba?"
I sighed. "I am Architect Ezryn Trishia Avila, your architect in your house, and one of the architects of this company." pilosopong sagot ko. "At, nagpapa-alam ako dahil baka may iuutos ka nanaman saakin, nakakahiya naman sa 'yo."
Kita ko ang pikon niyang mukha dahil sa pagiging pilosopo ko, "Get out."
Agad din naman akong lumabas doon dahil baka ma-late na ako, strikto pa naman si Engineer Marquez 'pag dating sa oras, ilang beses ko na din siyang naka-transaksyon and maganda naman, strikto lang talaga siya sa oras.
"Pupunta ba dito si Mr. Salazar, Architect?" tanong niya sa 'kin nang sunduin ako nito sa parking.
Nasimulan na pala ito pero alam kong matagal pa 'to dahil ang laki ng bahay na akala mo'y zoo 'to. "I don't know, hindi ko naman siya tinanong kung pupunta ba siya rito, pero if ever pumunta siya, aalis na rin ako." I answered.
"Why?"
"May pupuntahan pa kasi ako." I lied.
Wala naman akong pupuntahan, ayoko lang ulit makita siya, kung pwede nga lang 'wag ko na siyang makita araw-araw, eh. Kaso nagtatrabaho ako sa kompanya niya.
"Teh, oh. Pinapabigay raw ni Sir Salazar," may nilapag si Zaliah sa lamesa ko na pagkain at umupo pa ito sa harap ko.
"Ilayo mo 'yan sa 'kin, or kung gusto mo ikaw na lang kumain, hindi ako nagugutom." mataray kong sagot sakaniya, tinignan naman ako nito at pasimpleng inirapan.
YOU ARE READING
The CEO's Weakness | UNDER EDITING
Любовные романыthe ceo's weakness a young millionaire ceo, shiro ezekiel salazar and an architect of his company who just graduated, ezryn trishia avila ••• solliary, 2022