"Anong kailangan mo? May iuutos ka ba? May ipapakuha ka ba?" sunod-sunod kong tanong sakaniya.
"Wala. Bakit mo'ko iniiwasan?" tanong naman niya pabalik.
"Hindi ah. Uuwi na ko, gusto ko kasabay si Tita na maglunch." pag-iwas ko.
Wala na din siyang nagawa nang sumakay na ako ng kotse at nagdrive na pauwi ng condo. Oo, iniiwasan ko siya dahil nagseselos ako sakanila ng kaibigan niya.
Kahit na wala naman akong karapatang masaktan o magselos.
"Napa-aga ang uwi mo, kumain ka na ba? Ipagluluto kita." nakita ko si Tita na naglilinis ng condo, binitawan naman niya ang gamit panglinis saka nag alchohol.
"Hindi po ako nagugutom," wika kong nagpatigil sakaniya papunta ng kusina, "Wala naman po akong karapatan na magselos o masaktan, 'di ba Tita?"
"M-may problema ba? Sabihin mo sa 'kin nang matulungan kita.. alam kong matagal ka nang nasasaktan, at madaming pinagdadaanang problema at wala kahit isa ang masandalan mo. Ngayon andito na ko sa tabi mo, ano 'yon?" umupo siya sa tabi ko.
"Hindi ko maintindihan, bakit ako nagseselos kay Shiro at sa kaibigan niya? Nasasaktan din ako sa tuwing nakikita kong masaya siya."
"Alam ba 'yan ni Shiro? Alam ba niyang may nasasaktan siya sa ginagawa niya? Matanong ko nga anak, 'wag mong mamasamain ha." napalingon ako sakaniya dahil sa sinabi niya. Ano ba 'yon? "Kayo ba ni Shiro?"
Natawa ako ng sarkastikto. "Huwag na po natin pagusapan 'yan, tita. Mag-go-grocery lang po ako, balik po ako bago mag lunch." pagiwas ko.
Lumabas na din ako agad ng condo at naglakad papunta sa parking.
Tinext ko na din si Zaliah at nagdahilan na bukas na lang ako papasok. Ayoko makita si Shiro kasama 'yung kaibigan niya.
Habang nag-go-grocery ay may naramdaman akong presensya sa likod ko, naamoy ko ang pabango kaya mas pinaikot ko ng mabilis ang cart, saka bumalik sa row na 'yon.
"Bakit mo ko sinundan?" tanong ko kay Shiro na nakatalikod na kunwari pang kumukuha ng alak.
Ngumiti siya sa 'kin saka ako nilapitan. Kanina pa 'to, mukhang tanga. Parang batang binigyan ng candy. Amp.
"Are you jealous, hmm?" he gave me a teasing smile.
Sige, hahayaan kitang manginis, Shiro.
"Hindi. Bakit ako magseselos?" sarkastiktong tanong ko naman pabalik. Bakit kasi ang pogi ng CEO na 'to!
Hindi siya sumagot at kinuha ang cart saakin, tinulak niya 'yon papunta sa snack section.
"Umiinom ka naman siguro, 'di ba?" tanong ko sakaniya na tinanguan naman niya.
"Inom tayo mamaya, saan ba maganda?" pag-aya ko.
"Sa condo ko."
Lol. Baka kung anong gawin pa nito sa 'kin, e.
Nang makapasok ako ng condo unit niya ay nakita ko siyang topless at naka black boxer shorts na lang.
"Ay putangina!" sigaw ko saka tinakpan ang mga mata. "Magdamit ka!"
"What the-" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang pumasok si Ivan at nakita siyang nakahubad.
"Sir. Makikipag-ano po kayo kay Architect?" tanong ni Ivan sakaniya. Shuta. Nahihiya na ko!
"Fuck up, dude. What do you need?" supladong sagot naman ni Shiro habang nagdadamit.
"Pautang ako, bayaran ko kapag pina-suweldo mo na ako." walang-hiyang wika ni Ivan. Ngumiti pa ito saakin, nangaasar.
YOU ARE READING
The CEO's Weakness | UNDER EDITING
Storie d'amorethe ceo's weakness a young millionaire ceo, shiro ezekiel salazar and an architect of his company who just graduated, ezryn trishia avila ••• solliary, 2022