Chapter 40

1.5K 31 0
                                    

Wala akong trabaho ngayon dahil nag-file nanaman ako ng leave. Wala na akong pake kung matanggal ako. Importante sa 'kin ngayon makapag laan ako ng oras kay Eloise.

Ayokong tuluyan akong mawalan ng oras sakaniya.

"Tara, Eloise, laro tayo ro'n sa play ground," pag aya ko sakaniya.

Agad niyang binitiwan ang iPad na hawak niya at hinawakan ang kamay ko saka ako hinila papunta doon.

Nagslide siya, nag see-saw, nag swing, lahat ata nilaro niya. Mabuti na lang at hindi umulan ngayon, dahil hindi kami makakapag laro dito kapag umulan.

Pagkatapos niyang maglaro, niyaya ko siyang kumain sa labas. Agad kong hinawakan ang kamay niya nang makarating kami sa restaurant at pumasok.

Wala si Elijah dito sa Manila ngayon dahil mag-i-stay raw muna siya sa La Union. Mabuti na rin iyon para makapag bond siya with his family.

Agad din kaming umuwi pagkatapos naming kumain dahil inaantok na siya at gabi na. Binihisan ko siya ng pajamas, at pinahiga sa kama.

Kamukha talaga niya si Shiro. Kapag nakita mo siya ay makikita mo sa mukha niya ang mukha ni Shiro. I was about to sleep when I received a text message.

From Tita:
Good evening, kamusta?

To Tita:
Gabi na, bakit ka pa nag text?

From Tita:
Sorry

To Tita:
What do you need ba?

From Tita:
Wala. Salamat na lang sa inilaan mong oras.

Hindi ko na siya binigyan pa ng kahit anong reply. Ayoko nang maka-receive pa ng text na galing sa kahit sino sakanila.

Tahimik na ang buhay ko, 'wag na sana nilang guluhin pa dahil hindi ko na alam ang gagawin pa sakanila kapag nakita ko sila.

Nang magising, nakayakap pa rin saakin si Eloise at nakatakip na ang buong katawan niya sa kumot dahil sa lamig.

Nang tumayo naman ako at buksan ang bintana, umuulan pala kaya sbrang lamig, kahit na ganon ay hindi ko pinatay ang aircon dahil paniguradong gigising at gigising si Eloise para lang ipa-switch ulit iyon, kaya bumaba muna ako para magkape saka na muling bumalik sa itaas.

salazar.eze hey, how are you?

etl.avila i'm okay, why did you ask?

Si-neen lang niya ang reply ko kaya umirap ako sa hangin at nag-scroll na lang hanggang sa magising si Eloise, sinabihan ko siya na matulog muna dahil maaga pa.

Kailangan din niyang magpahinga, kahit na dalawang buwan pa ang bakasyon nila, pahinga lang. Hindi naman siya lumalabas ng bahay dahil wala siyang kalaro na kahit sino dito sa village, gusto ko ngang ipaiwas muna siya sa pag-gamit ng kung anong gadgets lalo na 'yung iPad niya, masyado nang babad ang mata niya, mahirap na baka masanay siya lalo.

Nang mag tanghali ay pumunta ng kwarto si manang para tanungin ako ano ang gustong ulam dahil wala sila mama rito. Bumyahe sila papuntang Mindanao kung saan nakatira si papa, dalawang buwan sila roon, hindi na rin kami sumama ni Eloise dahil mas gusto kong dito na lang kami. Nagpaluto ako ng sinigang kasi maganda ang sabaw lalo na't umuulan.

"Let's eat downstairs, Eloise." pag aya ko nang sabihan nila kaming luto na ang ulam, dadalhin p asana niya ang iPad niya pero humindi ako.

Ayokong masanay siyang tutok sa screen, mataas pa naman ang brightness no'n, kapag bababaan ko, iiyak, kaya wala akong nagagawa kundi ang hayaan siya.

Bigla akong napaisip, kung andito ba si Shiro, hahayaan kaya niya si Eloise? For sure, hindi. Sa kapatid pa nga lang niya, strikto na, e, sa anak pa kaya.

Pero, kikilalanin ba niyang anak si Eloise? Baka nga si Axl lang ang kilalanin niyang anak niya, e.

Ayoko namang maging disperada ang anak ko sa atensyon niya, hindi siya mamahaling tao para pag-disperedahan.

Paktapos naming kumain ay naghalf bath na siya saka ulit natulog.

Ganon lang ang gusto kong gawin niya habang bakasyon nila, Tulog, kain, ligo, tulog. Ayokong buong bakasyon niya ay andun siya sa labas, naglalaro. Gusto ko andito lang siya sa bahay.

[Musta?] tanong ni Elijah nang sagutin ko ang tawag niya habang inaayos ko ang damit ni Eloise na ginulo niya nung naglaro siya rito.

[I'm okay, you?] I asked back.

[Boring dito, walang magawa.] he laughed.

[Huh? Eh 'di ba sabi mo you'll spend time with your family?] kumunot ang noo ko.

[Tapos na kahapon. Si Eloise, asaan?]

[Tulog.] natatawang sagot ko. Everytime na tatawag siya, hindi mawawala si Eloise sa paguusapan namin. [Kailan uwi mo? Sunduin ka namin.]

[Dalawang buwan pa'ko rito.]

I pouted. Ang tagal naman!

[Teka lang, tawag ulit ako sa 'yo mamaya, nagpapatulong kasi si lola na mag gawa ng ube.] agad na paalam niya.

[Okay, bye!] I ended the call.

Hindi ko alam anong gagawin namin ni Eloise sa dalawang buwan na wala si Elijah. Nasanay na kaming andito siya, nasanay na kaming kasama siya palagi.

Siguro mag-i-stay na lang kaming dalawa sa bahay na 'to gay ng palagi naming ginagawa. I'm planning to quit na din sa kompanya ni Shiro since I can't work with him anymore.

I can't work with his presence anymore.

As I opened the vault, I saw my jewelries gave my him, all of my jewelries I hid, was gave by him, sinabi ko sa sarili sa oras na itinago ko 'to ay bubuksan ko lang ulit 'to kapag may mahal na akong iba, kapag may minamahal na akong iba.

And this is the perfect time.

Isa isa kong tinanggal sa vault ang mga kahon ng alahas na pinagbibibigay niya saakin at nilapag ang mga 'yon sa sahig ng walk-in-closet kung saan ako nakaupo ngayon.

Napahinga ako ng malalim nang muli kong maamoy ang pabango niya. Una kong tinanggal sa kahon ang singsing na binigay niya saakin, it was a silver diamond ring. Sabi niya, gold daw dapat ang bibilhin niya pero alam niyang hindi 'yon bagay sa kamay ko kaya silver ang binili niya.

Naaalala ko, binigay niya 'to sa 'kin nung araw na sobrang down ko sa sarili ko dahil nalaman ko na kung sino ang totoo kong magulang, gabi no'n, binigay niya 'to sa 'kin to symbolize that he will never leave my side, and he will never leave me, also, to symbolize his love.

Pero, 'yung pagmamahal pala niyang 'yon ay peke. That fucking love. At ngayon, ang singsing na 'to ay hindi totoo dahil pekeng tao ang nagbigay saakin.

Wala namang cause saakin kung peke o hindi 'yung singsing, e, basta 'yung taong nagbigay saakin no'n ay hindi peke, okay na ako ro'n. Pero iba. Mali. Peke ang singsing, pekeng tao rin ang nagbigay saakin.

The CEO's Weakness

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now