tw: suicide
"Then fucking use me!" I yelled. "Dun naman kayo magagaling, 'di ba?! Ang mang-gamit ng tao!"
I wiped my tears who's falling down from my eyes. "Kill me!" utos ko. Hindi nila ako pinakinggan, at binaba na ang mga baril na hawak nila. "Oh? Bakit kayo umatras?!"
"Pare, hindi 'to kasama sa plano.." bulong ng isa sa kasama niya.
"Instead of using me against Shiro, kill me..." pagulit 'ko.
Agad silang tumakbo pababa at naiwan na ulit akong mag-isa sa rooftop na 'to.
Napaupo ako, at napahawak sa mukha ko. Sana pinatay na lang nila ako, kesa umatras pa sila. Wala naman na akong rason para mabuhay pa sa madayang mundo na 'to.
Nag-stay ako sa dito sa rooftop, hanggang sa mag-gabi na, muli akong umupo sa pinakadulo, at dinama ang simoy ng hangin.
Natawa ako ng sarkastikto at pinunasan ang mga luha. "Wala ka nang pamilya, Trishia.." bulong ko sa sarili ko. Napahilamos ako sa mukha at umiyak ulit.
"Putangina!" sigaw ko at tumayo, tatalon na sana nang biglang mag umakyat sa rooftop.
"Ezryn!" tawag ni Shiro saka ako hinila paalis sa kinatatayuan ko.
Agad naman akong tumayo, at nagtangka pang tumalon ulit nang bigla na niyang hawakan ang palapulsuhan ko. "Why are you committing suicide?!" he yelled at me.
Hindi ko alam bakit ko siya biglang sinampal, hinawakan naman niya ang magkabilang braso ko, at tinignan ako. "Why, Ezryn?! Why are you committing suicide?!" he asked again.
"Hiwalayan mo na 'ko..." nanghihinang wika ko.
"No! Why would I, huh?! Walang maghihiwalay!" sigaw ulit niya. Inagaw ko ang braso ko at lumayo sakaniya.
"H-hindi sila ang tunay kong pamilya, kaya sa oras na mabayaran ko ang binigay mong sampong milyong piso... hihiwalayan mo 'ko..." my voice broke.
"You don't have to pay me!" sinubukan niyang lumapit sa 'kin pero umatras pa din ako.
Bigla na lang akong nawalan ng malay, at, nagising na lang sa isang kama ng kwarto ni Shiro. Siya ay nakaupo sa sofa at nakatingin lang saakin, mukha pang hindi siya natulog.
"Why are you committing suicide?" he asked with his death glare on me.
"H-huh?"
He just smirked at me, before he stood up to give me the water beside him. Agad din siyang lumabas ng kwarto kaya nag-ayos ako ng sarili ko at sinundan siya. Iisa lang ang naaalala ko, 'yun ay ang umupo ako sa pinakadulo ng rooftop. Wala nang iba.
"Ano bang problema mo?" inis kong tanong sakaniya nang hindi niya ako pinapansin. Para akong tanga ditong nagsasalita lang mag-isa.
"Ask yourself." supladong sagot niya.
Binato ko siya ng tsinelas, bago naglakad pabalik sa kwarto at hinayaan siyang kumain mag-isa. Wala naman kasi akong kasalanan sakaniya, tapos aasatahan niya 'ko ng gan'to.
Habang nanonood ay pumasok siya sa kwarto na may dalang tray na naglalagay ng pagkain at inumin. Nilapag niya 'yun sa harap ko pero hindi ko pinansin at nanood na lang. Sa kabastusan niya, pinatay niya ang tv. Umirap ako sa hangin at humiga na lang.
"Eat." wika niya gamit ang supladong tono ng boses. "I said eat, Ezryn." he repeated.
"Kainin mo sarili mo." bulong ko.
Wala na akong narinig na boses niya at nang tignan ko ay wala na siya sa kwarto. Nahuli pa niya akong kinakain ang binigay niya kaya tumigil ako at binangga ang braso niya nang makalabas.
Aalis na sana siya ng condo nang bigla kong maalala ang sinabi saakin ng dalawang maskuladong lalaki kahapon. "'Wag kang lalabas ng condo." turan ko.
He raised his brows on me before walking near infront of me. "Why?"
"Hindi ko alam kung nasabi ko na sa 'yo, pero, may nagbanta saakin sa rooftop, na 'wag akong makipagkita bukas sa 'yo," patuloy ko. Agad naman siyang lumayo sa pintuan, at tumakbo papunta sa kwarto.
Nang tignan ko siya ay napapamasahe siya sa sintido niya, at, may kausap sa telepono. Nagpamewang siya nang may sabihin ang kausap niya sa telepono.
"I need their location, now!" sigaw niya sa kabilang linya. "No one can touch or even hurt the woman I love, so give me their location!" pahabol niya.
Umupo naman ako sa kama at tumingin sakaniya, nagkasalubong ang kilay niya, at nakabukas pa ang dalawang butones ng polo niya sa itaas.
"Magkita tayo sa lobby." wika niya bago pinatay ang telepono, at kinuha ang baril sa ibabaw ng side table.
"Sa'n ka pupunta?" tanong ko at sinubukan siyang harangin sa pinto ng kwarto.
"Lock the door after I leave, okay? I love you." hinalikan niya 'ko sa labi bago tuluyang lumabas ng unit. Hindi ko siya sinunod, at nagbihis bago siya patagong sinundan.
May kausap siyang dalawang lalaki, isa ro'n ay si Ivan. Tinanggal ni Shiro ang long sleeve polo niya, bago iyon isinabit sa balikat. Lumabas siya ng building, suot ang puting damit, at itim na pantalon.
Tumakbo naman ako sa parking, at, nagdrive, habang sinusundan ko sila Shiro ay tumatawag naman siya sa 'kin. Pinatay ko ang cellphone at binilisan lalo ang takbo ng kotse. Sinigurado kong may dalawang kotse na naka-harang saakin para hindi ako mapansin ni Shiro.
Bumaba siya sa isang abandoned building, may dala pa siyang baril sa isang kamay. Ako naman ay naglakad at umakyat sa kung saan sila pumunta. I saw them talking about something, but I can't hear it. Shiro was holding his gun on his right hand.
"Ezryn! Umalis ka dito! Mapapagalitan ako ni Shiro!" bulong ni Ivan nang malapitan niya 'ko. Tinakpan ko ang bunganga niya at saka siya hinarap.
"Anong pinaguusapan nila? Bakit may hawak na baril si Shiro?" tanong ko. "Kapag hindi mo 'ko sinagot, ihuhulog kita sa hagdan na 'yan."
"H-humihingi sila ng isang bilyon kay Shiro, kapalit ng buhay mo. K-kapag hindi sila binigyan ni Shiro ng isang bilyon, papatayin ka nila." utal na sagot niya, habang mariin ang tingin sa hagdan kung saan ko siya ibinanta.
Wala akong salitang mailabas sa bunganga ko dahil sa narinig ko.
Bakit nila kailangang gipitin 'yung lalaking mahal ko para lang sa pera? At, para lang sa walang kwentang banta.
"Huwag." pigil ko nang ibibigay na sana niya ang cheque. Naka-awang ang mga labi niya at gulat na napatingin saakin. He even tried to hold my hand but I refused and avoided him.
"Huwag niyong kunin ang pera niya, please..." I pleaded.
"Pinaghirapan ni Shiro ang isang bilyong pera na hinihingi nin'yo, buong kalusugan niya inilaan niya para lang kumita ng ganyan kalaking pera." patuloy ko.
"Kaya sana naman, matauhan naman kayo. Alam kong gipit kayo, pero kung gipit kayo, 'wag kayong gagawa ng ilegal, oh. Kasi... kasi ako alam ko 'yung pagod ni Shiro sa perang 'yan. Pera 'yan ng kompanya niya, eh.."
"Huwag si Shiro, please..."
The CEO's Weakness

YOU ARE READING
The CEO's Weakness | UNDER EDITING
Romancethe ceo's weakness a young millionaire ceo, shiro ezekiel salazar and an architect of his company who just graduated, ezryn trishia avila ••• solliary, 2022