"So busy naman." nilagay ko sa lamesa ang kape ni Shiro. Agad naman niyang sinarado ang laptop at gulat na napatingin saakin.
"W-why don't you sleep? I know you're tired, love. Get a rest, please."
"'Di nga ako inaantok, anong magagawa ko? Saka, ano ba 'yan? Tagong-tago, ah." I tried to looked at his laptop.
"Nothing. Don't mind it. Let's sleep." tumayo siya at inakbayan ako.
"Eh? Pa'no 'yang kape mo?" pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Let's sleep. I want to rest." walang pakialam na sagot niya.
Inirapan ko naman siya bago naunang naglakad sa kwarto. Nauna na din akong nahiga at pinikit ang mga mata, naramdaman ko naman ang pagyakap niya saakin.
Pagkagising, wala na siya sa tabi ko kaya nag-ayos na ako ng sarili at bumaba na para mag-almusal. "Ma, nakita niyo po saan si Shiro?" tanong ko nang maka-upo ako sa tapat nila.
"Umalis, maaga ngang umalis, e. Madaling araw pa lang wala na siya dito." sagot niya habang pinapakain si Noah.
Nagtataka naman akong tumango at nagsimula nang kumain. Hindi naman pwedeng nasa kompanya ang lalaking 'yun dahil parehas kaming naka-leave, saka, andito kami sa Tagaytay.
Nakailang missed calls na 'ko sakaniya at hindi pa rin sumasagot hanggang sa nakita ko na lang siyang pumasok ng kwarto, gulat siyang napatingin sa 'kin bago isinara ang pinto.
"Saan ka pumunta at madaling araw ka raw umalis?" pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Ah... nag-jogging.." putol na sagot niya.
"Nag-jogging? Ganyan ang suot mo, nakapantalon at nakamaong na jacket, nag-jogging?" pagpansin ko sa suot niya. "Go, magsinungaling ka pa babatuhin kita ng unan."
"I... organized a event." pagamin niya.
I laughed. "Ikaw? Nag-organize ng event? Wow, isang CEO ng Salazar Associates, nag-organize ng event? Iba ka ngayon, ah." I teased. He rolled his eyes on me before walking thru the closet to change his clothes.
Pagkabalik niya, may dala na siyang iPad at busy nanaman doon. Naiinis na 'ko sa lalaking 'to.
"Palagi na lang busy, naka-leave nga sa trabaho pero busy naman sa ibang bagay." pagpaparinig ko. Napatingin naman siya saakin at napangiti.
"Sorry." he apologized.
Nag-sorry pero 'yung atensyon andun sa screen. Lumabas ako ng kwarto, at binagsak pa ang pinto sa pagsara. Epal kasi siya, e. Akala ko naman kasi kapag naka-leave kaming dalawa, magkakaroon na siya ng atensyon saakin, and, we'll spend more time together. Pero wala. Kahit isa walang nagka-totoo.
Lapit pa naman anniversary namin. Kapag 'yun nakalimutan pa niya, magkalimutan na rin kami.
I saw him walked downstairs, wala nang dalang kahit ano. Nagpanggap naman akong hindi siya nakita nang lingunin niya 'ko.
"Let's eat outside?" he asked when he hugged me from my back. I sighed heavily and nodded. Tumayo ako at nagbihis na para makaalis na kami.
Pagkarating naman namin sa restaurant, nag-order lang siya at naging busy nanaman sa telepono. Inirapan ko siya at lumabas ng restaurant, akala ko ba naman hindi na siya magtetelepono.
Sa susunod na araw, isang taon na namin. Kapag 'yon nakalimutan niya, kalimutan na niyang girlfriend niya 'ko. Puro na lang siya phone.
"Hey, let's go inside." hinawakan niya ang braso ko at hinarap ako sakaniya.
"Kumain ka mag-isa mo. Magko-commute na 'ko pauwi. Kumain ka kasama ng telepono mo!" iritang wika ko.
"I-I'm sorry... let's eat inside, I'll turn off my phone, kumain na tayo don."
YOU ARE READING
The CEO's Weakness | UNDER EDITING
Romancethe ceo's weakness a young millionaire ceo, shiro ezekiel salazar and an architect of his company who just graduated, ezryn trishia avila ••• solliary, 2022