"Mommy! Tita Allysa, ninang Marielle, and ninong MJ is here!" Eloise informed me while she's playing with Shiro. Hinayaan ko silang maglaro sa kwarto at bumaba, nang makababa ay nakita kong nakatayo sa harap ko ang tatlo kong kaibigan.
"Napabisita kayo," I smiled at them after giving them a hug.
"Tara, bisitahin natin si Elijah, aalis na rin kasi 'tong dalawang 'to," tinukoy ni Marielle si MJ at Allysa.
"Uhm... May pupuntahan kami, e, kayo na lang, atsaka, saan kayo pupunta kayong dalawa, ha?" tanong ko. Hindi ko alam na aalis sila.
"Sayang naman! Walang manlilibre ng gas!" ngumuso na parang bata si MJ.
"Ako, punta nako sa California, for good," ngumiti si Allysa na kinanguso ko naman.
"Ako, hanap ako ng chix sa Switzerland." ngumiti naman si MJ at kumindat.
"We're planning to leave na rin, for good." I crossed my arms.
"Oh? Saan?" narinig ko ang boses ni Elijah sa likod.
"Uy, bro! Puntahan ka sana namin, e! Andito ka na pala!" agad na niyakap ni MJ si Elijah.
"Shiro and I are planning to live in Alaska for good." I answered. "Pero hindi pa sure, may company kasi siya rito."
"Pati ba ikaw, Marielle?" tanong niya.
"No," agad na sagot ni Marielle.
"Edi maganda! Maiiwan tayong dalawa rito, sila aalis na!" tumawa siya, "Oy, Marielle! Mag inuman na lang tayo gabi-gabi kapag umalis na 'tong tatlong 'to," pag aya niya.
"Hay nako, Elijah. Ikakasal na po ako, hindi na rin ako allowed humang-out everyday kapag kinasal na 'ko, saka lalaki ka, 'no! Respeto sa mapapang-asawa ko," sagot naman ni Marielle.
"Tara na, dadaldal niyo," mataray na sabat naman ni Allysa kaya hinabol siya ni MJ na parang bata.
"Kayo na lang! Aalis pa kami, eh!" sabi ko naman.
"Saan ba kayo pupunta at mukhang hindi pwedeng i-re-sched?" tanong ni Elijah.
"Pampanga. Ngayon lang kasi free si Shiro, marami na siyang gagawin sa mga susunod na araw.." naiilang na sagot ko.
"Ha? Ngayon lang free? Hindi ba niya kayang maglaan ng oras para sainyo?" tanong nanaman niya.
"What do you mean?" I raised a brow. Pabalik-balik ang tingin nila Allysa saaming dalawa ni Elijah.
"What I mean is dapat alam niyang maglaan ng oras para sainyo." he sighed heavily.
"Bakit hindi ikaw ang maglaan ng oras para makalimutan si Ezryn? With all due respect, Elijah, naglalaan ako ng oras para sa mag-ina ko." sabat ni Shiro na ngayon ay nasa likuran ko na.
"Oh? Bakit nadamay nanaman 'yung sa'min? Gan'yan ka ba ka-immature na pati past namin ibi-bring up mo para manalo ka sa argument?"
Shiro laughed sarcastically. "Ako pa ang immature, ah. Nagpapatawa ka ba? Saating dalawa, alam mong ikaw ang immature. Saka, argument ba 'to? Masyado ka namang bata mag-isip kung iisipin mong argument agad 'to,"
Magsasalita pa sana si Elijah nang pangunahan ko na siya. "Parehas lang kayong immature kung hindi kayo titigil. Dinaig niyo ang highschool kung magsagutan."
Shiro's brows furrowed. "Umalis ka na lang dito sa loob ng condo ko bago pa mawala 'yung natitirang respeto ko sa'yo bilang kaibigan ni Ezryn."
Bumalik na siya sa itaas at iniwan kami rito. Sumama naman ang tingin ko kay Elijah.
"Bakit pa kasi nangialam ka sa schedule niya? Wala kang alam gaano kasikip ang oras niya, pero nabibigyan niya pa rin kami ng oras para makasama siya." I rolled my eyes.
"Kayo na lang umalis, like what I said, aalis kami. Ingat sa pagda-drive." ngumiti ako sakanila pwera lang kay Elijah.
Sinundan ko si Shiro sa kwarto at nakita siyang nakikipaglaro ngayon kay Eloise. Nang makita naman niya akong pumasok ng kwarto ay ngumiti ito saakin at tumayo.
"Sorry for what my friend did." I whispered. Nakatayo na siya ngayon sa harap ko at mariing nakatingin saakin.
"No problem. I'm sorry I can't hold my temper infront of them earlier..."
"Tutuloy ba tayo? You should rest. We should rest. P'wede namang ipagpaliban, Shiro." huminga ako ng malalim.
"Huwag na, maulan na rin, eh." he answered. "Is it okay?"
I smiled. "Yes of course, okay lang."
Hinila ni Eloise ang damit ni Shiro at tumingin sakaniya, "Daddy, I'm hungry..."
Binuhat siya nito, "Uh, what do you want?"
"I want McDo..." tumingin ito saakin, mukhang humihingi ng permiso.
"Kakakain mo lang no'n kahapon, eh." sabi ko naman.
"Last na," sagot ni Shiro. Wala na akong nagawa dahil umorder na agad siya.
Habang kumakain kami ay pumasok si Ivan sa condo, may dalang mga paper bags dahil pinag-grocery siya ni Shiro.
"May bayad 'to Shiro, ah." hinihingal niyang sabi. Tumayo ako at naghugas ng kamay para tignan ang mga binili niya.
"Nasa'n yung almond milk? Saka 'yung yoghurt?" tanong ko. Kumunot ang noo niya saakin at tinignan ang mga pinamili.
"Shit, nakalimutan ko." napasapo ito sa noo.
Mahina akong natawa, "Bumalik ka, wala nang almond milk si Eloise, iniinom at ginagamit niya 'yon sa cereal."
"P'wedeng kayo na lang? Pagod ako, oh, hindi ba kayo naaawa saakin? Ako na magbabantay rito kay Eloise," madramang sabi niya saakin.
Tinignan ko ang isang paper bag at nakitang maling cereal ang binili niya.
"Mali pati cereal. Corn Flakes ang gusto niya, hindi Koko Krunch." malakas akong napatawa, pati si Shiro ay tumawa na rin.
"Ayaw niya sa Koko Krunch?!" gulat na tanong ni Ivan.
"Parang hindi mo naman kilala 'yan, simula pagkabata hanggang ngayon, corn flakes cereal ang gusto niya." nilapag ko ang paper bag sa lamesa.
"Pagod na 'ko, p'wede bang bukas na lang? Matulog muna ako sa isang kwarto sainyo, please. Pagod ako, eh." he pouted.
"How about chocolates? Anong brand ng chocolates ang kinuha niya?" tanong ni Shiro.
"Uh... Ferrero rocher and... Dark toblerone." I answered. "Himala, hindi coke zero ang pinabili mo ngayon,"
"Huh? Coke zero ang sinabi ko, ah." tumayo siya at tinignan ang mga paper bags.
Ginising niya si Ivan na ngayon ay naka idlip na sa sofa, "Gising! Maraming mali sa binili mo!"
"Puta... Bakit kasi ako ang uutusan ninyo? Hindi ba pwedeng kayong dalawa na lang?" naiiritang tanong niya saamin.
"You insisted, right?" Shiro raised a brow on him.
"Sabi ko nga babalik na sa grocery store para bilhin ang tama," tumayo siya at inilahad ang palad kay Shiro.
"What?"
"Pera pambili malamang! Alangan namang pera ko? Wala akong pera." inis na sagot niya.
THE CEO's WEAKNESS
YOU ARE READING
The CEO's Weakness | UNDER EDITING
Romansthe ceo's weakness a young millionaire ceo, shiro ezekiel salazar and an architect of his company who just graduated, ezryn trishia avila ••• solliary, 2022