"Shiro," pagtawag ko sakaniya. Andito kami ngayon sa bahay ni Tita Angelie at iniintay si Ivan na dalhin dito ang pera ni Shiro. "Hindi mo sila kailangang bigyan ng pera."
"No. I'll give what they want," pagmamatigas niya. Katunayan ay ako ang nahihiya sa ginawa ng pamilya ko. "Basta titigilan ka na nila, then it's all done."
"Ezryn anak, maaari ko bang itanong, ano ang nangyari dyan sa palapulsuhan mo. Mawari ko ay kalmot 'yan ng pusa, o 'di kaya'y aso?" tanong ni Tita saka umupo sa tabi ko. Napaiwas naman ng tingin si Shiro dahil siya ang may kasalanan nito.
"Pusa po." sagot ko naman. Gusto kong tumawa pero di ko magawa.
"Pusa? Paano ka nakalmot? Hindi ka naman nakalmot ng mga pusa ko dito nung inaalagaan mo sila, anong nangyari?" sunod-sunod niyang tanong. Huminga ng malalim si Shiro at tumabi kay Tita.
"Sorry po." ngumuso siya. Ang cute. Ngayon ko lang siya nakitang ngumuso.
"Bakit, hijo? Anong nagawa mo at humihingi ka ng paumanhin saakin?" kuryos na tanong ni Tita.
"Ako po ang dahilan kung bakit nakalmot si Ezryn ng pusa." ngumiti siya pero ang mata niya ay nagsosorry.
"Hay nako, mga bata talaga, oo. Siguro naibato mo kay Ezryn 'yung pusa, ano?" tanong nanaman ni Tita.
"Pa 'no niyo po nalaman?" tanong naming dalawa.
"Ayan oh, may kalmot ka din sa braso mo. Nalinis niyo na ba 'yan? Halikayo, linisin-"
Hindi na naituloy ni Tita ang sapat niyang sabihin nang biglang pumasok si Ivan na may dala na briefcase.
Hinila ko din ang kamay ni Shiro palabas at pumunta sa likod ng bahay ni Tita.
"Sigurado ka sa gagawin mo? I mean, malaking pera ang ilalabas mo para sa walang kwentang bagay." tanong ko. Hindi naman kasi makatwiran ang paglabas niya bigla-bigla ng sampong milyong piso.
"Shh. Just relax, Ezryn. I got this." hinila na niya ako pabalik doon at pinaupo sa kahoy na upuan ni Tita.
Dumating na din sila Mama at Papa saka 'yung dalawa kong kapatid. Kita ko pa ang liwanag sa mga mata nila nang makita ang briefcase sa lamesa.
Hahawakan na sana 'yon ni ate Erthia nang padabog na nilapag ni Shiro ang baril niya sa lamesa.
"Bago ko ibigay sainyo ang perang 'yan, mag-sorry muna kayo kay Ezryn sa lahat ng nagawa niyo sakaniya, pumirma kayo sa legal na kansunduang hindi niyo na gagalawin pa si Ezryn, at sa Adaptation Letter na ito." inabot ni Shiro ang papel na kinuha niya sa envelope.
"Ano?! Adaptation Letter?! Hindi, hindi ako papayag na ipapamigay 'ko ang bunso 'kong ana-"
"Anak niyo pa rin ba siya sa lahat ng ginawa ninyo? Tangina, pumirma nalang kayo bago ako mapilitang barilin ang isa sainyo, kanina pa ko nagtitimpi sainyo." Shiro cut my Dad off.
Kinuha iyon ni Mama at pinirmahan 'yon. Sa pagpirma 'yun, nasasaktan ako. They can really sell me, sell me like a thing.
"Pakibilisan. Ayoko nang magstay dito." sabat ko, dahilan para mapatingin ang dalawa kong kapatid saakin.
Nilapitan ako ni ate Elaiza at pagbubuhatan na sana ng kamay pero nagsalita si Shiro.
"Go on. Slap her, and I will make sure you'll live in jail."
Inirapan ako ni ate at tumabi kay ate Erthia. Matapos silang pumirma at humingi ng tawad sa 'kin ay binigay na ni Shiro ang pera.
"Pera lang, 'wag 'tong briefcase. Mukha kayong pera, 'diba? E'di dalhin niyo 'yan sa bahay ninyo. Naka-tally yan by ten thousand." ani Shiro saka ibinigay kay Ivan ang briefcase.
YOU ARE READING
The CEO's Weakness | UNDER EDITING
Romansathe ceo's weakness a young millionaire ceo, shiro ezekiel salazar and an architect of his company who just graduated, ezryn trishia avila ••• solliary, 2022