Pagkagising ko, agad akong bumangon at nagayos ng sarili dahil darating sila Allysa. Tulog pa si Eloise kaya hindi ko muna pinatay ang aircon. I wore my white puff sleeve zip back dress, partnered with my minimalist strap slide sandals.
Hinanda ko na rin ang magiging damit ni Eloise, aalis kami, hindi kami magi-stay dito. Punta kami sa EK, hindi ko na rin isasama si ate Maricel dahil kaya ko namang alagaan ang sarili kong anak, kasama namin dito sa bahay si ate Maricel na minsan ay pinag-aalaga ko kay Eloise dahil aalis ako. Hindi siya yaya or what ni Eloise.
"Hey, love, wake up na. Papunta na sila tito Elijah mo dito," I shaked her shoulder lightly. Nang ibuka naman niya ang mga mata niya ay agad niya akong niyakap.
Pinaliguan ko na siya at sinuot ang damit niya. I made her wore her white dress to match mine. Hinanda ko ang gamit niya sa bag na dadalhin ko at bumaba na kami, nag antay naman sa living room ang mga kaibigan ko.
"Let's go?" pag aya ko. Tumango naman sila kaya sabay sabay na kaming sumakay ng raptor ni Elijah. Ako pa ang pinasakay sa shotgun seat, habang silang tatlo sa backseat kasama si Eloise.
"Kain muna tayo," ngumuso si MJ habang nakahawak sa tyan at hinahaplos 'yon. Nakatulog naman ulit si Eloise.
"Marielle, paki ayos nga 'yung headband ni Eloise, or tanggalin mo na lang, please." utos ko kay Marielle dahil siya ang may buhat kay Eloise. Habang si Allysa ay nakatulog na din.
"Drive-thru na lang tayo, nakakahiya naman sa dalawa kung gigisingin pa natin," I chuckled. Lumiwanag ang mata ni MJ at agad na binuksan ang bintana sa tabi niya, kaya isinara 'yon ni Elijah.
"Excited. Ako ang mago-order, hindi ikaw." he laughed. Natawa naman si MJ at ginulo ang buhok ng katabi niyang si Allysa na mahimbing ang tulog.
"Kawawa ka Myles Jaystran kapag nagising 'yan." paalala ko. Agad niyang tinigilan ang panggugulo sa buhok ng babae at pinagkrus na lang ang braso.
Nang maibigay na ang order namin ay hindi na muna namin ginising si Allysa dahil may nakalaan naman nang pagkain para sakaniya. Naaawa nga ako kay Elijah dahil hindi siya makakain dahil siya ang nagdadrive kaya binuksan ko ang burger niya at isinubo 'yon sa bunganga niya.
"May mayonnaise ka sa gilid ng labi mo," itinuro ko. Pinunasan nya yon gamit ang tissue na binigay ko saka nginuya ang burger na isinubo ko.
Nakatingin lang saakin si Marielle at si MJ habang sinusubuan ko si Elijah, "Sana all sinusubuan," pagpaparinig ni Marielle habang hinahaplos ang ulo ni Eloise para hindi ito magising at mas lalong humimbing ang tulog.
Nagising na rin si Allysa kaya binigay na namin sakaniya ang pagkain niya. Malayo pa ang EK dahil Pasay ang pinagmulan namin, at 41 minutes ang byahe papuntang Enchanted Kingdom.
"Inom ka coke?" tanong ko kay Elijah habang binubuksan ang binili naming softdrinks. Umiling siya.
"Tubig na lang," he answered. Kinuha ko ang tubig niya sa gilid at binuksan 'yon para siya na ang magpapainom sa sarili niya.
Nang makarating ay nag-park na kami, inayos ko naman ang damit ni Eloise dahil nagulo gawa ng magulo niyang pagtulog, para kasi siyang pusang nanganganak kapag hindi siya komportable sa hinihigaan niya kaya madalas ay magulo ang damit niya kapag umaalis kami at bumabyahe ng mahaba.
"Ako na sasama kay Eloise na sumakay roon sa pambata, bahala na kayong apat na sumakay dyan sa space shuttle." wika ni Marielle. "Isa isa kayong masuka, basta kami ni Eloise, relax." she smiled.
Hinawakan na niya ang kamay ng anak ko at sabay na silang naglakad papunta sa pambatang ride. "Hoy, 'yang anak ko, ha!" pasigaw na bilin ko.
"Akala mo naman pababayaan ko 'to!" she rolled her eyes on me.
Nang makasakay na sila ay kami naman ang isa isang sumakay, magkatabi kami ni Elijah habang si Marielle at MJ ay nasa harap namin dahil nahiwalay kami sakanila. Nang maksimula nang umandar ay kalmado pa, hanggang sa umikot na ito. I tried not to shout but I can't.
"Putang ina tama na!" I yelled. Mabuti na lang at inipit ko ang buhok ko kaya hindi ko malalasahan isa isa 'yon. "Elijah! Patigilin mo na, puta!" sigaw ko pa.
Tumawa siya sa sinabi ko at ngumiti na lang, Itong lalaking to walang katakot takot sa mga ganitong rides.
"Hoy tama na putcha may anak pa 'ko!" sigaw ko na para bang ititigil nila ang ride sa sinabi ko.
"Tama na punyeta!" mura ko pa.
"Gago tama na please ayoko na pakitigil na kuya please!"
Halos nagdasal na yata ako sa buong santo hanggang sa tumigil na. Nagmamadali akong bumaba at pumunta ng restroom saka nagsuka. Sana pala ako na lang sumama kay Eloise. Inayos ko ang buhok ko at lumabas na, pinagtatawanan pa ko ni Marielle.
"Oh, 'di ba? Sinong susunod na masusuka?" pang aasar niya saaming apat.
"Try mo kaya, tignan natin kung 'di ka masuka," pinaningkitan siya ng mata ni Allysa at inirapan.
Kami nila MJ at Allysa ay halos maluha luha na matapos magsuka, habang si Elijah naman ay painom inom lang ng tubig at nakangiti.
"Ano next ride niyo? Maglalaro kami ni Eloise dun," turo niya sa isang arcade na may makukuha kang teddy bear kapag natamaan mo yung bola. Malalaki rin ang mga makukuha mong stuff toys.
Kinalabit ko si Elijah, "Ano next ride?"
"Next ride?" pagulit niya sa tinanong ko kaya tumango ako at uminom muli ng tubig. "Anchors away, tara." hinila niya ang kamay ko papunta doon sa tapat ng ride na anchors away.
"Expensive naman ng pangalan, eh 'yung pangalan naman niyan sa carnival na pinupuntahan nating lima kapag pasko dati ay Viking." I commented.
"Ano? Tara?"
"Tara na, landian pa kayo, e." hinila naman ako ni Allysa pasakay.
Ewan ko sa mga kaibigan kong 'to kung balak ba talaga nilang putulin ang magkabila kong kamay kakahila saakin.
Tahimik naman ako buong ride na ito dahil may naalala ako. Hindi ko dapat 'yun maalala, e. Kaso same ride lang, kaya biglang lumitaw sa utak ko ang memoryang 'yon, dahilan para maging tahimik ako.
Sumakay din kami ni Shiro dito. As in same ride lang, dapat idadamay namin 'yung space shuttle, kaso mahina ako non sa mga ganoong rides kaya hindi na kami sumakay. Puro sigaw lang ako non, habang siya ay nakangiti lang at tinitignan ang reaksyon ko, then nilaro din namin yung nilalaro nila Eloise ngayon, nandun pa nga sa condo ko yung stuff toy na nakuha niya don, e. Binigay niya sakin.
Gusto ko mang itapon, hindi ko magawa. Pati ang mga petals ng mga bulaklak na binigay niya sa 'kin. Inisa isa kong tanggalin at nilagay sa isang babasagin na lalagyan. 'Yung damit niya na iniwan ko nung hinanda ko ang mga damit niya, andun pa din, nag-spray pa ako ng pabango niya sa damit na 'yun nung hindi siya nakaharap.
Lahat nakatago, hindi ko magawang itapon, nakita na nga ni mama 'yung damit na 'yun sa kwarto ko, e. Sabi niya sunugin ko na daw, nagsinungaling pa ako na susunugin ko na pero hindi ko ginawa dahil hindi ko kayang itapon 'yon. Siguro 'yun din ang rason kung bakit kamukha siya ni Eloise, madalas kong ipinapatong ang damit na 'yun sa ibabaw ng tyan ko nung pinagbubuntis ko si Eloise.
Bumili pa ako ng isang pabango na kapareho ng kaniya para lang i-spray sa higaan namin dahil gusto ko na malaman ni Eloise ay amoy ng daddy niya nung nagkahiwalay kami, gusto kong maamoy niya ang amoy ng damit na nilalagay ko sa ibabaw ng tyan ko nung nasa loob pa siya ng sinapupunan ko.
Pero kahit ganon ang ginagawa ko, hindi ko ipakikilala si Eloise kay Shiro. Alam ko naman na kailangan niya ng tatay habang lumalaki siya pero ayokong malaman niya ang rason kung bakit kami naghiwalay, ayokong malaman niya na manloloko ang tatay niya. Ayokong malaman niya na may kapatid siya sa labas.
The CEO's Weakness

YOU ARE READING
The CEO's Weakness | UNDER EDITING
Romancethe ceo's weakness a young millionaire ceo, shiro ezekiel salazar and an architect of his company who just graduated, ezryn trishia avila ••• solliary, 2022