Habang nasa daan kami patungo sa probinsya, ay may tumawag sakaniya, ako na ang nag abot no'n dahil nag-da-drive siya at malayo sakaniya ang phone niya.
"Francine is calling, Sir." pormal kong wika.
Natawa siya at hindi 'yon sinagot, pinoweroff pa niya ito. Hindi na lang ako umimik at tumingin na lang sa daan papunta sa probinsya. Nang makarating kami ro'n ay sinalubong ako ni Mama at saka ako niyakap.
"M-may... sasabihin po siya.."
Napatingin si Mama sa kasama kong matangkad na lalaki at saka ito napangiti. Pumunta rin muna ako sa bahay para tignan si ate Elaiza, nakita ko siyang nagluluto.
"Andito ka na pala, dito ka ba matutulog?" tanong niya saakin habang hinahalo ang ube. Tinuruan na siguro siya ni Mama, si Mama kasi talaga ang taga-luto ng ube para saaming tatlo.
"Hindi. Sinamahan ko lang si Mr- I mean, Shiro. May sasabihin siya kay Mama, eh."
Muntik na ko ro'n, ha. Buti na lang di gaanong matabas ang dila ko, charot!
"Magkwento ka nga sa 'kin, kasi kagabi, tumawag ako kay Tita Angelie para sana kamustahin ka. Tapos sabi niya, tulog ka na daw kasi masakit ang ulo mo at nahihilo ka." tanong niya sa 'kin saka umupo sa tabi ko, "Buntis ka ba?"
I laughed, "No. Pagod lang 'yon, ano ka ba? Magluto ka na nga, ate. Lalabas muna ako." paalam ko at akmang lalabas na sana, "Wait, asan si Louisse?"
"Nasa eskwelahan pa." natatawang sagot nito.
Napanguso na lang ako at pumunta na lang sa likod ng bahay para tignan si ate Erthia, nagsasampay ito nang makita ko ulit ang asawa ni ate Elaiza na si Kuya Rhalf na niyakap sa likod si ate Erthia.
Akala ko ba tumigil na sila? Kaya nga hindi na ako nagsalita pa, eh. Kasi akala ko hindi na nila 'yon uulitin pa. Pero nagkamali ako, hindi pa rin pala sila tumitigil.
"Ate." ngumiti ako ng peke at nagpakita na lang sakniya nang halikan na ni kuya Rhalf ang leeg nito. Napa-ayos sila ng tayo at humarap saakin, niyakap naman ako agad ni ate Erthia.
"Kanina ka pa ba andito? Oo nga pala, natikman mo na ba ang nilulutong ube ni Elaiza? Masarap 'yon, hindi mo pa natitikman ang sarili niyang bersyon." tanong nito sa 'kin, nakangiti lang ako sakaniya pero ang mga mata ko ay nakatingin kay kuya Rhalf na ngayon ay nagkukunwaring nakikipag laro sa pamangkin ko na anak ni ate Erthia.
"No, not yet. I just arrived with Shiro and niluluto pa lang niya yung ube." sagot ko, hinawakan nito ang pisngi ko saka ako ulit niyakap.
"O'sya, may kukunin lang ako sa taas. Dito ka lang, pero 'wag kang pupunta doon, may aso." bilin niya, ngumiti na lang ulit ako sakaniya saka na siya umalis, ako naman ay lumapit kay kuya Rhalf, dahilan para mapatingin ito saakin.
Tumingin ito sa baba ko patungo sa ulo ko, head to toe kumbaga. Natawa ako ng sarkastikto saka inapakan ang paa niya.
"Aray.." bulong niya pero sapat nang marinig ko.
Hindi ko 'yon pinansin at hinalikan na lang sa pisngi ang pamangkin kong natutulog sa stroller na binigay ko. Hinawakan din ni kuya Rhalf ang balikat ko para iharap ako sakaniya.
"Gusto mo 'ko?"
Wow. Pangit kaya niya! No lies, ang pangit pangit niya! 'Di ko siya bet! Ew! Kung may gusto man ako, si Shiro 'yon, no... I mean, nasa kaniya yung standards ko!
"Ew!" I made a face.
Tinulak niya ako sa pader saka kinorner gamit ang dalawa niyang braso. Natawa ako ng sarkastikto dahil alam ko na ang balak niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/305650390-288-k7291.jpg)
YOU ARE READING
The CEO's Weakness | UNDER EDITING
Romancethe ceo's weakness a young millionaire ceo, shiro ezekiel salazar and an architect of his company who just graduated, ezryn trishia avila ••• solliary, 2022